I

16 4 1
                                    

After buying an ice cream, Lui and I went to the park. We sat at the vacant bench and I saw lots of kids na ka-age ko rin playing around.

"Bakit ba gusto mo nang lumaki kaagad Bi?" Napalingon ako sa kaniya, while licking my mango flavored ice cream.

"Gusto ko lang. Kailangan ba talagang may rason?"

He shook his head.

"Hindi naman. It's just that, look at the kids like your age. Enjoy na enjoy nila ang pagiging bata nila, while here you are.. acting like mas matanda sa akin."

After hearing those words from Lui, I was sad. I looked at the kids. May nagtatakbuhan, naglalaro ng Seesaw, may nag-aagawan sa duyan and may mga nagpapalipad ng saranggola. Ang saya naman talaga nilang tingnan.

Nakakatampo lang isipin, na para sa kanila bad ang kagustuhang kong lumaki kaagad? Bakit parang hindi katanggap-tanggap na ganito ako mag-isip?

Hindi ko naman ito kasalanan ah!

Busy pa rin ako sa pagkain ng aking ice cream, kahit medyo nagtatampo na kay Lui. Pabalik-balik nalang ang ganiyang issue.

I will act how I wanted myself to be.

Nothing's gonna stop me.

No one's gonna stop me.

Dapat pa nga tanggap nila ako kung sino ako eh!

Napansin ata ni Lui ang pananahimik ko. Kung kaya't sinundot niya ako sa aking tagiliran.

"Oy, tampo ka naman kaagad?"

I rolled my eyes.

He just chuckled with my reaction.

He tapped my head for awhile pagkatapos ay ginulo nito ang buhok ko, sabay tawa.

"What I'm just saying is, we must enjoy being a kid. Sabi kasi ni ate, mahirap ang adulting. Kaya raw dapat e-enjoy natin ang mga bagay-bagay habang tayo ay bata pa, kasi ang mga nakalipas na, ay hindi na maibabalik pa."

He sounded so serious, but he has a point. Napaisip ako tuloy.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga pinagsasabi ni Lui. Alam kong, may panahon ang lahat. At tsaka, sabi pa ni Ate Mimi, people will always have the choice how they would like to run their lives. Kaya't naka-base sa akin kung paano patakbuhin ang buhay ko.

Antanda ko na ba talaga mag-isip?

I was lost in my thoughts for a moment. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala nakatitig sa akin si Lui.

"Ano na naman?" Singhal ko sa kaniya. Aba, sumusobra na 'tong lalaking ito sa mga pangaral sa akin. Hindi ko naman siya magulang, isa lamang siyang hamak na crush ko!

Instead of telling me why, he pinched my nose.

"Ate sama ka sa akin, pangit mo kapag nakabusangot!"

Hala, pasalamat talaga 'tong lalaki na ito na crush ko siya eh nu!

Tumayo naman agad si Lui at nagsimulang maglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, agad naman akong sumunod sa kaniya.

Our parents knows na magkasama kami ngayon. I've told my parents na rin na every Sunday, it's gala day with Lui! Pinayagan naman ako ni Mommy at Daddy. Make sure lang daw na mag-ingat ako dahil baka magka-part-two raw sa nangyari nilang away. As if naman, nagkasagutan lang sila saglit, tapos sinuyo na kaagad ni Daddy si Mommy. One thing I've noticed about my parents love for each other is hindi talaga sila nagpapataasan ng pride, but usually si Daddy talaga ang una na mag-so-sorry.

Huminto kami ni Lui sa may likod ng church. And I saw a bicycle na naka park doon sa may CR ng.

"Where are we going Lui?" I asked.

"Like what I've promised."

I raised my left brow, pilit na inaalala kung ano ang naging promise niya sa akin.

"Ngayong araw na ito, sisimulan mo nang mahalin ang Village." He then winked at me.

Oh right! I remember!

Sa dami ng nangyari for the past few weeks, nakalimutan ko 'yun ah!

I clapped my hands happily! Like napatalon ako sa saya!

I saw Lui's smile looking at me, na para bang masaya talaga siya sa naging reaction ko.

"That's right Bi, be like a kid. Let's be a kid together."

Na-realize kong hindi naman talaga masama ang gustong iparating sa akin ni Lui.

He just wanted me to enjoy life, like what normal kids do. Like what he normally does.

I have friends before sa dati naming tinitirhan, we play but usually dahil lang sa mga school activities, but at normal times hindi masyado ako nakikipag-interact sa kanila. Kasi para sa akin, I'm not like them.

But Lui made me realize how important it is to treasure the days of being a kid, and the perks of being a kid, because truly hindi na namin ito maibabalik pa.

"Yes Lui!"

Agad naman akong inaanyayahan ni Lui umupo sa bike sa may harap niya, ayaw niya raw akong umangkas sa likod kasi baka hindi niya mamalayan tumalsik na pala ako.

I just laughed. And started singing the Dora's travel song,

"Come on, vámonos

Everybody, let's go

Come on, let's get to it

I know that we can do it

Where are we going?"

"Loving the Village!" Dugtong naman ni Lui!

"Hooraaaaay! Let's get do it!" 

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon