N

27 2 1
                                    

"Go Luiiiiiiiiiiiiiii! Wuhoooooooooooooo! Three points! Three points!"

After shouting from the deepest of my lungs, Lui made the three points successfully! Tumalon ako ng todo sa saya. Ang galing talaga ni Lui maglaro! Lumingon siya saglit sa gawi ako and gave me a short smile, kilig naman ako ng todo nito Lui ha! I gave him a thumbs up and mouthed the words,

'ang galing mo'

He shook his head, not believing my words. Everytime kasi na pinupuri ko si Lui hindi niya talaga magawang mag-agree sa akin, I really don't know why. Well, basta para sa akin ay magaling siya. Sapat na 'yun!"

"Ang galing talaga ni Lorenzo mag-laro. Swerte naman ni Arzi kung ganun." Lumingon ako sa likod kung saan nanggaling ang mga bulung-bulungan tungkol kina Lorenzo at Arzi. It was the girls with familiar faces. Siguro nakita ko na sila sa simbahan or kapag pumupunta ako rito sa school ni Lorenzo. Pero, naging kuryuso ako sa mga pinagsasabi nila tungkol kina Lorenzo at Arzi. Swerte si Arzi? Bakit sila ba? Wala namang sinasabi sa akin si Lorenzo ah.

Kahit kailan talaga asungot 'yang si Arzi sa buhay ko. Palaging dumidikit kay Lorenzo na parang linta, porke't magkapit-bahay lang. Kaya palagi silang napagkakamalang mag-jowa eh!

Kainis!

"See girl? May dala pa talagang banner si Arzi. Look oh!" Sabi naman ng isa sa kaniyang kausap.

Bumalik ang atensyon ko sa court at hinanap ng aking mga mata kung asan ang babaeng Arzi. Nangunot naman ang noo ko nang mamasdan siyang naka-upo siya upuan ng mga players sa team ni Lorenzo. Close ba siya sa coach? Taga-bigay ba siya ng tubig? Or feeling close siya?

Pina-upo kasi ako ni Lorenzo sa part ng mga audience. Dito ako sa pinakaharap sa may ikatlong baitang ng bleachers para madali niya raw akong makita at mahanap. Sinabihan pa nga akong hindi aalis kung saan ako naka-pwesto. Tapos ngayon malalaman kong naka-upo si Arzi kasama sila?

Biglang humirit ang kabilang kampo ng time out. Kaya naging hudyat ito sa five minutes break ng dalawang team. Lumingon sa akin si Lorenzo, giving me a thumbs up na ang pinapahawatig ay kung okay ba lang ako.

I didn't respond. Now really, I am having a grim smile at least. Hindi ko talagang maiwasang mag-selos kay Arzi, alam ko kasing malapit sila sa isa't-isa ni Lui. Kumunot naman ang noo ni Lorenzo ng ma-realize siguro na wala siyang makukuhang sagot sa akin. Kaya't lumakad nalang siya patungo sa teammates niya.

At sa kasamaang palad, lumapit si Arzi na may-dala-dalang towel at pinunasan ang pawis ni Lui. I look at Lui with a dagger look, dahil hindi man lang siya umilag! He didn't even bother to get the towel himself para siya nalang magpunas sa pawis niya. Tuloy naghiyawan ang mga teammates niya at ibang mga kaklase nila dahil nag-mukha talaga silang sweet!

Ugh, nakakainis ka Lorenzo Ruiz!

Sumipol naman ng pinto ang referee telling the players to be back at the game. Bigla nalang akong nakaramdam ng panghihina. Ang ayaw ko sa lahat ay ang mag-selos. Nawawalan na tuloy ako ng gana manood ng game, pero ang sadya ko rito ay panoorin si Lui. Tatapusin ko nalang.

It is now last three minutes for the 4th quarter, malapit na matapos ang game. At nangunguna pa rin ang team nila Lui sa kabilang kampo. I am happy, pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko kung ano ba talaga sila ni Arzi.

Sa mga lalaking katulad ni Lui, dapat may jowa na talaga siya ngayon. I mean, hindi necessary pero sa mga edad ni Lui normal ang magka-relasyon. Sa buong pagkakaibigan namin, hindi ko narinig na may mga gusto siya, o may mga crush ba siya o gustong larawan. Puro lang talaga si Lui sa eskwelahan, laro ng paborito niyang sports at ang pagse-serbisyo sa simbahan.

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon