H

24 4 0
                                    

"Lorenzo, she's fine."

"Sure ka po ba, Nurse Kaye? Ba't hindi pa siya nagigising?"

"Of course, tumama ang bola sa ulo niya kaya siya nawalan ng malay, but she's truly fine."

"WHERE'S MY BABY GIRL? OH MY GOSH! BIBIANA!"

After hearing the commotion, I opened my eyes. And I saw my mom na medyo naiiyak na sa pag-aalala.

Everyone's looking at me. I roamed around my eyes and I found out na andito ako sa isang white room, maybe this is the school's clinic.

I saw the nurse, a man, Mommy who's now holding my hand, and Lui with his worried face.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo? Bakit ka ba natamaan ng bola? Mapapagalitan ako ng Daddy mo nito eh." Mommy's being hysterical. I can't blame her though, ikaw ba naman prinsesa mo nawalan ng malay dahil sa bola.

I give them a short smile.

"I'm fine po Mommy." Medyo masakit ng kaunti ang ulo ko dahil sa pagtama ng bola, good thing naaalala ko pa naman ang lahat ng nangyari.

"Are you sure? Can you count this for me baby?" Sabi ni Mommy habang pinapabilang sa akin ang kaniyang limang daliri.

"That's five Mommy."

Huminga naman siya ng malalim. Pero, bumaling agad siya sa akin na parang may naalalang importante.

"You know I'm your Mommy right? Can you tell me my name? Your Daddy's name?"

I glanced at the nurse and to the man who's here, mukhang coach ito ni Lui. Pinipigilan na lamang nila ang pagtawa dahil sa mga tanong ni Mommy.

I squeeze Mommy's hands.

"Mommy, okay lang po ako." I assured her.

"Yes Ma'am, your baby girl is fine po. Nawalan lang po siya ng malay dahil sa pagka-shocked niya sa pagtama ng bola, pero she's truly fine. Mag-mamarka lang nga po sa kaniyang noo, pero mamawala lang po ang pamamaga after three days." Sabi agad ng nurse kay Mommy.

"Thank you so much for taking good care of my baby."

"Hello po, Mrs. I am Coach Amorsolo. Pasensya po at hindi namin napagtuonan nang pansin ang pagpasok ng anak niyo sa loob ng court while the game is going on. Kasalanan po namin ito." The coach butted in, feeling sorry of what happened, which is technically all my fault. Lumingon naman 'yung nurse Kaye kay coach Amarsolo na nakangiti.

Mommy shook her head.

"No Sir, wala po kayong kasalanan. Ako po ang dapat humingi ng pasensya dahil kami ay nakaabala."

"Thank you so much Ma'am, good thing at kilala siya nitong si Lorenzo. Kaya agad naming pinaalam sa iyo ang nangyari."

Mommy diverted her attention to Lui who's now having pursed lips and tahimik lang the whole time I woke up.

Is he really worried?

Bigla namang may humaplos sa loob ng kalooban ko, knowing Lui is worried about me.

"Maraming salamat Lorenzo." Sabi ni Mommy, pagkatapos ay binalik na ang atensyon sa akin, but my whole attention was into Lui.

I looked at him. He looked at me.

Pero, he didn't say anything. Kanina rinig ko pang nagsasalita siya eh!

I pouted. Hindi naman siya pepe ah?

"Lui!" It's Sunday today, andito ako ngayon sa tagpuan namin ni Lui. After that incident, medyo aloof si Lui sa akin. Hindi niya ako masyadong kinakausap, pawang one-word-reply ang mga sagot niya sa akin. Pero, hindi ako tumitigil sa kakasatsat noong pauwi na kami galing clinic.

At nung nasa loob na kami ng sasakyan, I keep on asking him about his game, kung nanalo ba sila, kung kailan siya nag-start mag-play ng basketball, at kung pwede niya akomg turuan. Pero, ang puro reply niya lang ay, tumahimik na raw ako at magpahinga. Eh, I'm perfectly fine! Irap na lang talaga ang nagawa ko, ako ang nawalan ng malay, pero parang si Lui ang natamaan ng bola. Nagbago agad ang personality!

Lui turned to me and slowly walked towards me.

I smiled.

He looks so good even in his white t-shirt and black slacks.

"Okay ka na?" Tanong agad ang salubong niya sa akin.

I nodded.

"Yes, perfectly fine!" I replied happily. Medyo hype ako ngayon dahil alam kong magkikita kami today. Sana naman, hindi na siya parang kahoy kung kausapin niya ako.

"Tss."

I raised my brow. Aba!

"Ano 'yan?"

"Careless."

"Alam ko."

Alam ko naman talagang careless ako. Kailangan pa bang itago?

"Ano ba kasing nakain mo at pumasok ka sa loob ng court?" Medyo tumaas na ang tono niya. Bakit ba ito pa rin ang pinuputok ng butchi niya? Eh, okay naman talaga ako!

Nag-aalala ba siya kung nawala na yung pagka- crush ko sa kaniya? Itong si Lui talaga, parang may alam! Wala naman! Haha

I crossed my arms.

"I didn't know, I'm just a kid."

Kumunot lalo ang noo niya sa akin.

"Oh, akala ko ba hindi ka na bata?"

I stamped my feet dahil sa pagkairita sa kaniya. Yes, this time naiirita na talaga ako! Kasalanan ko kung bakit ako nawalan ng malay. Pero, nag-move-on agad ako. Sina Mommy at Daddy nga eh, kahit nag-away saglit dahil sa insidente ay nag-peace na ngayon? Pero, itong si Lui parang baliw!

"Ewan ko sa'yo Lui!" I turned my back and started walking sa may dirty ice cream. Kanina ko pa ito pinagmamasdan hinintay ko lang dumating si Lui. Takam na takam na akong kumain ng ice cream since ang init ng panahon, pa-summer na kasi.

Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Lui. Medyo may kalayuan rin ang gusto kong bilhan ng ice cream, we still need to cross the street.

And when I'm about to, biglang may humarurot na motor, naramdaman ko naman ang agarang paghablot sa akin ni Lui.

"Kuya, mag-ingat ka po sa pag-da-drive!" Galit na sigaw ni Lui sa driver.

"At ikaw, gawain mo talagang pag-alalahanin ako. Mag-ingat ka nga sa susunod Bibiana, hindi pa naman ako palaging nasa tabi mo!"

He glared at me, pero bakas pa rin ang pag-aalala.

Hindi pa ako nakabili ng ice cream, pero gusto ko nang matunaw sa kilig.

CARELESS PA MORE BIBIANA! 

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon