O

39 3 5
                                    

"Are you free today?" Rio asked me over the telephone. I don't know what's with this guy talaga. Mayroon naman akong cellphone, pero dito pa rin tumatawag sa home number namin.

"Nope."

"Really?"

"Yep."

"Legit?"

I rolled my eyes as if nakikita niya. It has been three days since the 'Arzi-kissing-Lui's-Cheek' incident happened. And three days na ring tumatawag si Rio sa telephone number namin. I don't know if what is really the reason, pero puro lang talaga kamustahan ang sinasabi niya. He may be some kind of a pa-mysterious guy, but Rio is soft hearted talaga. I just felt that he's low-key checking on me if I was fine. And I appreciate it a lot.

"Yes, Rio. What are up to ba? You wanna have fun at the park? Next time nalang." I sounded irritated, but I am not. Acting lang, e sa gusto ko.

And there's silence. Hindi muna umimik si Rio sa sinabi ko.

"Uhmm.. just wanted to know you're okay."

I was stunned. Alam ko naman he was checking on me, pero iba pa rin talaga sa feeling kapag sinasabi na.

"And.I.am.here.at.your.house.In.front.of.the.door." He talked continuously na wala talagang preno-preno. Lumaki bigla ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi pa ako naliligo, oh my gosh! Before I could go upstairs, biglang bumukas ang pintuan at nagpakita ang mokong na si Rio kasama si Mommy.

"Bi, Rio's here. Bakit hindi mo binuksan? Good thing dumating kami agad galeng palengke." Di ba.. ako na naman ang naging dahilan. Hindi na lamang ako nag-react at sabihin kay Mommy na kasalanan ng mokong na batang 'yan na may patawag-tawag pa siya sa telepono at nasa harapan na pala siya ng bahay!

I eyed Rio, but to my surprise. He just smirked at me. Gosh! Kaibigan ko itong lalaki na ito, pero sumasakit talaga ang ulo ko sa kaniya. Mabuti nalang talaga at pareho kami mature mag-isip!

"You can sit there. And I'll prepare. Hindi pa ako naliligo, Rio. Wala kang pasabi." Sabi ko sa kaniya na may diin. At sinagot na lamang niya ako ng tawa sabay upo sa sofa. Si Mommy naman dumeretso na kanina pa sa kusina, siguro para e-arrange 'yung mga binili niya.

Agad akong umakyat sa kwarto. Did my usual routine when taking a bath. Pero, it took me 20 minutes to pick what I was going to wear. Finally I decided to wear jumper-shorts with white shirt as an inner, nag-sneakers na lang rin ako ng white and just comb my hair. Later nalang siguro ako mag ponytail kapag nasobraan kami sa laro ni Rio.

"Wow, parang ang layo ng pupuntahan natin ah. Ang tagal mo Bi." Reklamo niya.

"So kasalanan ko pa?" I sarcastically answered. Naabutan ko siyang kumakain ng cookies. Kumuha na rin ako ng isa.

"Bakit ka ba sumugod dito?" I asked while taking a bite.

"I told you earlier." He answered me without looking into my eyes.

"Right, you were checking on me. I am fine Rio. No worries."

"Kung ganun, bakit ayaw mong lumabas?"

I paused for a while.

The truth is I was silently hurting. Ikaw ba naman nakita mo crush na may nag-kiss sa pisngi. Masakit kaya! But, I am a brave girl. After that incident I acted like it didn't happen. Hindi ako nagtanong. Hindi ako nagalit. Hindi ako nagtampo kay Lui that time. Wala naman kasi akong right magtanong. At kahit alam ni Lui 'yun, alam ko namang hindi niya naman papansinin ang feelings ko. He treated me like a little sister. Ako lang naman ang may gusto sa kaniya. So, bakit ako mag e-inarte? So, kahit na pagka-uwi namin ni Lui at paghatid niya sa akin. Wala akong ipinakitang sama ng loob o ano. Pero, umiiwas ako. Yes, umiiwas ako. Hindi ako lumalabas o nagpupunta muna sa parke kasi baka makita ko silang magkasama ni Arzi, masasaktan ako lalo.

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon