J

18 3 0
                                    

Nilibot namin ni Lui ang buong Village. At mas lalo akong namangha sa mga namamasdan ngayon, habang kami ay naka-bike. This is unusual to me. Kahit iba na iba ang Village sa kinalakhan ko noon, pero iba pa rin pa talaga kapag nasa probinsya ka.

Sariwang hangin.

Maraming naglalakihang mga puno, na animo'y sumasayaw at sinasabayan ang awit ng mga ibon.

"Kung malaki na tayo, dadalhin kita sa mga waterfalls dito, Bi."

"Omg, may waterfalls dito?" I have never been into any waterfalls!

"Yes, nakapunta ako one time, kasama mga barkada ni Ate Aya. Nakasama lang naman ako dahil nag-iyak-iyakan ako kina Nanay Soling." Sabi niya at naglabas ng isang munting halakhak.

"Ew, Lui." I rolled my eyes.

"Maka-eww si Ate, akala mo hindi iiyak pag-hindi napagbigyan."

"Hindi naman talaga."

Patuloy pa rin kami sa pagbaba-bike ni Lui, halos nalibot na talaga namin ang halos magagandang parte ng Village. May mga tanim na saging, pinya at iba pang punong-kahoy ng prutas.

And yeah, I do remember. Ganitong kompanya ang pinagtratrabuhan ni Daddy. Siguro nga, kaya kami lumipat ay dahil sa work ni Daddy.

My eyes are still wandering, when we bumped into something hard.

"Omg, Lui!" Sigaw ko, dahil muntik na kaming matumba. Agad namang nakakuha nang suporta si Lui sa kaniyang kanang paa, para hindi kami tuluyang matumba. We stopped for a while, at hindi siguro ako kumirap ng isang minuto. Natakot talaga ako. Lui start moving the bike para maayos ang kaniyang balanse.

"Calm down Bi, it's okay." Kahit na nahirapan siya, dahil andito pa rin ako sa may harapan ng bike. He calmed me down. And I just nodded. Unti-unti akong hinawakan ni Lui sa may bewang, at nagulat ako dun! He lifted me a bit, and then put me down sa may left side niya.

Hindi ko na lamang pinansin ang biglaan niyang pag-angat sa akin,kahit na ramdam ko pa rin ang parang kiliti sa bewang ko.

It feels weird.

Tiningnan ko kung saan na kaming parte ng Village, at andito kami ngayon sa gitna ng mga naglalakihang punong-mangga. I looked at the sky, at pababa na ang araw. At parang walang katao-tao ang lugar na ito, puro lang talaga mga kahoy ang nasa paligid at alam kong malayo pa kami sa church. Doon pa naman ang sinabi kong susunduin ako nila Mommy at Daddy.

"L-luii." Pagtawag ko sa kaniya na halata na talaga ang kaba. He was busy checking the gulong. And here I am shaking.

Ilang minuto nalang, alam kong lulubog na ang araw and hello darkness?

Wala sanang aswang dito! Lord Jesus help us!

"Bi, butas 'yung gulong."

Lumaki bigla ang mga mata ko. Omygod! Paano kami uuwi nito?

"P-p-paano t-tayo uuwi nito Lui?" Taranta kong sagot sa kaniya.

"Maglalakad?" Hindi ko alam pero, sa pagkarinig ko pilosopo iyon na sagot.

"Lui! There's no room for jokes here! Be serious naman!" Wala na, galit na talaga si Bibiana! I held my hands and looked at the sun once again, huhu palubog na talaga.

Nilingon ko naman agad si Lui, with my kunot na noo.

"Mabuti naman nu, hindi ako nakinig sa'yo kanina. Gusto mo pa sanang maglibot pa. Sus, kung nakinig ako..baka .."

I raised my left brow.

"B-baka ano?"

"Hala Bi, tignan mo nga 'yang sa likod mo."

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon