P

57 3 9
                                    

A/N: Hello my alphabets! Thank you so much for waiting. Sana patuloy pa rin ang suporta niyo sa storyang ito at sa mga susunod pang stories ko. All the love! 


I am feeling lazy this Sunday morning. Gusto ko pang matulog and just feel the comfort of my bed. It has been three days since last kaming nagka-bonding nila Lui at Rio. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero simula 'nung binisita nila ako sa bahay at sa nangyaring laro namin na ewan ko kung anong kinalabasan dahil puro lang kami chikahan sa mga walang kwentang bagay ay mas panay na ang bisita nila sa akin sa school.

There are two remaining weeks before our graduation. I am excited to graduate, because for sure makakasama ko na si Lui sa isang school pagtungtong ko nang Grade 7. Kaso lang, at the back of my mind, will I be able to handle everything in high school? Sa tanda ko talagang mag-isip I overthink too much. Nasa isip ko na agad na kapag Grade 7 na ako, makikita ko na lagi ang circle of friends ni Lui. Hindi na ako tatakas ng klase para lang makapanood ng mga laro niya. And for sure I'll be bitching out those girls na dikit ng dikit sa kaniya during basketball games, pero come to think of it.. That means I'll be bitching out Arzi too?

My forehead creases while thinking that girl, hindi naman pala sila mag-jowa ni Lui, tas kung maka-dikit akala mo kung sinong girlfriend. Hay naku! Maka-asta akala mo talaga totoo! Muntik pa naman akong maniwala.

Sa dami kong iniisip hindi ko na namalayan na nakapasok na pala si Mommy sa kwarto ko.

"Are you feeling okay, baby?"

"Mom, can you stop calling me that? I am not a baby anymore." Sabi ko sabay talukbong sa comforter ko.

"Alright..alright. Dalaga ka na pala."

Yes, Mommy was right. Maybe that's why I am feeling like this because it is my first day having my period. Like I am officially a lady? Seriously? I still can't believe it. When I woke up around 4:00 a.m because I was feeling 'eww' talaga underneath hindi naman ako nag-panic. I searched it on google. What are the steps for a first timer like me, and went to Mommy's room to ask for a nap but she was sleeping comfortably pa in my father's arms kaya kinuha ko nalang sa drawer niya 'yung napkin.

Around 6:00 am ko nalang sinabi sa kaniya through text,

To Mommy:

Mommy, I asked for one napkin. Thanks.

Nabigla nalang ako after makarinig ng tili, and yeah right it was from my Mommy happily enjoying my news that I am now a lady. Nagalit pa nga siya sa akin bakit hindi ko siya ginising, para raw magawa ko 'yung mga traditional things just like what she did way back then. I just shrugged and told her that everything's on Google.

"Bi, you get up na. Breakfast is ready." She finally said while tapping the bed. I deeply sighed. Hindi ko talaga feel bumangon! I want breakfast in bed, naks. Joke lang, magagalit sila gusto pa naman ng dalawa na sabay kaming kumain palagi. Ayaw nilang may maiwan sa aming tatlo. Gusto ko na tuloy magkaroon ng kapatid, para doon na lahat ng focus nila.

I rolled over my bed when I heard my phone beep. It was one of the rarest moment that it beeps, wala naman kasi akong ka text palagi. Hindi naman masyadong nag-ce-cellphone si Lui. Si Rio naman feel naman ang tumawag pero hindi naman sa cellphone ko kundi sa telephone number pa rin ng bahay. I quickly get my phone. It was from Lui. I get up and sit down properly to read the text.

Lui :

Bi, Lui ito. Can you come here sa parke? May sasabihin ako.

Nangunot ang noo ko. Hindi naman ganito mag-text sa akin si Lui. Pero, binalewala ko na lamang ang doubts ko and I started to get up from my bed. Agad akong pumunta sa CR para maligo, Mommy told me not to pero hindi sinabi sa Google na bawal. So, I am taking a bath. Tss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon