Chapter 5

1.9K 70 6
                                    


Chapter 5



Nang makarating kami sa moa, pumasok muna kami sa mall, pinagtitinginan pa nga siya.

"Bakit ba ako sumama sayo? Ma issue pa tayo eh." Rant ko.

"Yaan mo 'yan mga 'yan. Mawawala din naman 'yan." Pang susuyo niya sakin. "Saka ayaw mo bang mapagkamalang girlfriend ko?" Nangaasar na tanong niya.

Napangiwi naman ako. "No! Baka mamaya magulat na lang ako may manabumbunot sakin, mamaya may mga death threats na ako." Irap ko sakanya, tumawa lang siya.

"Masayahin ka 'no?" natawa lang siya.

"Tara na, dun tayo sa Vikings!" Napangiwi ako sa aya niya.

"Hoy! ang mahal mahal dyan! Saka dalawa lang tayo mag bu-buffet kapa? Baliw kaba?" Napanguso siya pero inirapan ko lang siya.

Kumakain kami sa Vikings nila mommy, especially pag may celebration, and kapag si kuya ang nag aaya.

Simula nang mag collage ako hindi na ako mahilig sa mga mamahaling kainan, o kahit ano pang mamahalin. E kasi ganun din naman. Less sosyal lang.

Kasi simula nang mag college ako napagdisesyunan kong magiging independent na ako, ako yung bunso nila mommy kaya pahirapan sa pagpayag na tumira ako sa condo. In the end pumayag na rin sila.

"E san tayo?" Nakanguso paring ginala niya yung tingin niya sa mga kainan. Natatawa na lang ako kasi para siyang iiyak.

"Unli Wings!" Sagot ko sakanya, napakunot naman ang noo niyang bumaling sakin. "Wag mo sabihing di mo alam yon?" Umiling lang siya. "Hala kawawa ka naman. Tara!" Hinila ko siya sa Unli Wings.

"Masarap dito." Pagpilit ko sakanya.

"Okay." Tumango tango na lang siya at walang magawang tumingin sa menu. "Chicken?" Tanong niya.

"Oo, wala ka bang alam? Gusto mo ako na lang order sayo?" Tumango tango lang siya sa sinabi ko. "Sige dyan ka lang." sabi ko sakanya at nagpunta sa counter.

"Sweet Chilli po with Fries, unli rice din po, dalawang order." Sabi ko sa cashier. At binayaran na rin.

Medyo light lang inorder ko kasi meryenda na din naman 'to.

Napatingin ako kay Calvin na parang nagtataka, nagpapa bebe nanaman.

"Ahh, ate may Choco-choco po kayo?" Tanong ko, para hindi na mag tantrums yung isa.

Agad namang binigay ni ate yung Choco-choco.

Nang makabalik ako sa upuan pabagsak kong nilagay sa ibabaw ng lamesa yung Choco-choco niya. Nagmukmok pa rin siya kaya di niya nakita yung Choco-choco.

"Ganun mo ba talaga gusto kumain sa Vikings at nagmukmok ka nang ganyan?" Sabi ko.

Inangat niya yung tingin nya pero di niya ako pinansin at tinignan lang yung nilapag ko, akala siguro pagkain na. Pero nagiinarte pa rin niyang kinuha yung Choco-choco niya. Siguro naman nabawasan kahit slight.

"Okay kana?" Tanong ko, nagiinarteng tumango tango lang siya sakin, kaya natatawa ako.

Nang maserve yung pagkain namin, natatawa ako kasi yung naghatid ng pagkain nagpapicture pa.

Halatang iritado na siya kasi nagugutom na ata.

"Kumain kana." Tawag ko sa pansin niya.

"Okay." Sinubo niya yung chicken. "Masarap!" Exaggerated na sabi niya, kaya napatingin yung ibang tao samin. Kaya hinampas ko siya.

"Ingay mo. Kumain kana lang dyan." Saway ko sakanya.

Nang matapos kami kumain niyaya ko na siya palabas.

"Ang bayad?" Tanong niya.

"Binayaran ko na dun," Natatawang sabi ko sakanya.

"Ha? Ako dapat!" Angal niya.

"Ano magagawa mo eh nabayaran ko na?" Irap ko sakanya.

"Mamaya dinner, ako naman pipili." Bawi niya.

"Oo na sige na." Tango ko na lang.

"Yes!" Napasuntok pa siya sa hangin, kaya binatukan ko siya. "Aray!" Angal niya.

"Para kang bata!" Irap ko sakanya, pero as usual tinawanan niya lang ako.

"May bibilhin ka ba?" Tanong niya sakin.

"Oo, samahan mo nga ako sa H&M bibili ako damit." Sawa na kasi ako sa mga damit ko.

"Okay." Sabi niya sabay sunod sakin.



"Okay lang ba?" Tanong ko sakanya, nang isukat ko yung cropped off shoulder tapos pinartneran ko ng mini skirt.

"Yup!" Sagot niya.

"Tara na bayaran nanatin." Napakunot naman noo niya sa sinabi ko. "Ano?" Tanong ko.

"'Yan lang bibilin mo?" Turo niya sa apat na iba't ibang klaseng tops na kinuha ko at tatlong iba't ibang klaseng pambaba ang kinuha ko rin, I got a dress din ata.

"Oo, ano ba gusto mo? Tigsampo ganon? May gastusin pa ako sa condo ko. Para namang lagi akong gumagala." Sagot ko. Tinaas niya lang yung dalawang kamay niya na parang sumusuko at tumango tango.



After namin bumili pumunta kami sa labas, at umupo sa seaside.

"Ayaw mo sumakay sa rides?" Tanong niya, umiling iling lang ako.

"Next time na. Di ako ready. Nakapalda ako oh! Hampasin kita eh." Sagot ko sakanya.

"Oooookay." Natatawang sabi niya.

Bumili siya ng hotdog na nasa bun at kinain namin habang pinapanood yung papalubog na araw.

Nang malapit na magsunset binigay ko sakanya yung phone ko.

"Oh! Picturan moko. Ayusin mo ah." Sabi ko. Kinuha niya naman yung phone ko.

Nang matapos niya ako picturan, namangha ako kasi ang galing niya kumuha ng picture.

"Pwede ka ng photographer." Hangang sabi ko.

Pinost ko naman sa Instagram yung picture kong stolen na akala mo nakatingin sa papalubog na sunset. Maganda siya kasi kita rin yung lumulubog.


Kinaptionan ko ng, 'sunday sunset'


Wala pang ilang minuto nag comment na si Calvin, kaya tinignan ko siya na nagpapatay malisya lang.


Liked by: Clvnprc, keynlicous, and 56 others.
View 26 all comments
Clvnprc: @n6 GaNdA nAmAN nYan LoAds, pA Fs n4man pOe. wAg mo Po akO k4limutAn aHh!!!??
kimdiandraa replied: FS kita

keynlicous: ay oh! @Lia_Ji di nagyaya, nagdate ang dalawa!
kimdiandraa replied: @keynlicous salamat sa all with luv❤️


"Oh bat walang love yung akin?" Natatawang tanong ni Calvin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Nang magsawa kami sa seaside niyaya niya na 'ko kumain.

At nagtagumpay siya. Kumain kami sa Vikings. Mabuti na lang at gutom na ako.



Nang matapos kaming kumain, hinatid niya na agad ako. Sa condo ko na ako nag pahatid kasi nakapag paalam nanaman ako kila Mommy na uuwi na ako sa condo ko. Nagkataon naman na malapit lang din condo niya sakin.

"Thankyou, for today." Sambit ko.

"Thankyou rin! Byebye!" Ngiti niya, bago ako bumaba ng kotse niya.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon