Chapter 9"Hoy!" Tawag ko kay Calv, pagkapasok ko sa school, nakita ko siya naglalakad papasok. Wala talaga akong idea kung anong ginawa ko, nalate lang naman ako mag reply.
"Calv!" Tawag ko ulit sakanya, napaka bilis niyang maglakad.
Nang makalapit ako sakanya, hingal kong hinawakan yung braso niya.
"Bakit? Anong ginawa ko?" Tanong ko. Pero inirapan niya lang ako. "Luh? Calv! Ano nga kasi ginawa ko?" Tanong ko ulit, pero iniiwas niya lang braso niya sa pagkakahawak ko, pero di ko 'yon binitawan.
"Nalate lang naman ako ng reply ah? Nawala sa isip ko, kasi nag ayos ako ng condo." Paliwanag ko, pero nag kibit balikat lang siya.
Nang makarating sa room, hindi niya pa rin ako pinapansin. At sakto naman may dalawa kami vacant ngayon, dalawang before lunch.
Kaya pumunta agad kami sa cafeteria, kasama ko si Jillia at Keyn, nakasunod lang kami kay Calv, na nauuna na maglakad samin.
"LQ?" Tanong ni Keyn.
"LQ? We're not together kaya! Ewan ko dyan, nagtatampo nanaman ata. Na late lang naman ako mag reply." Sambit ko.
"Waw! Walang label, pero may tampuhan." Pangaasar ni Jillia.
"Ewan ko sainyo." Iniwanan ko na silang dalawa, at mabilis sumunod kay Calv.
"Calv." Suyo ko. Pero 'di niya pa rin ako pinapansin. "Seriously Calv, kung hindi mo sasabihin sakin kung bakit ka nagagalit hindi na talaga kita papansinin." Pananakot ko. Pero nag kibit balikat lang siya.
Ay? Hindi gumana?
Sa sobrang bwisit ko, hinila ko siya papunta sa cafeteria. 'Di naman siya umangal.
Nang makarating kami, sapilitan ko siyang inupo sa bakanteng upuan don.
"Ayos na kasi Calv." Frustrated na sambit ko.
"Galing po akong condo mo kagabi, kasi hindi ka nag rereply. Nagaalala ako." Sambit niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Ha? E hindi naman kita nakita eh!" Singhal ko.
"Hindi ako tumuloy kasi—" hindi niya natuloy yung sasabihin niya ng tinawag ako ni Keyn.
"Andra! Kuya mo!" Turo niya kay kuya na kasabay nila mag lakad. "Nakita kasi namin siya sa may gate. Hinahanap ka, hindi siya pinapapasok eh." Sambit pa niya. Tinanguan ko lang naman siya.
"K-kuya?" Bulong ni Calv, pero narinig ko.
"Oo, kuya ko." Tango tango ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay kuya nang makalapit siya samin.
"Pinapadala ni Mommy. Tinatawagan kita kanina pa hindi ka sumasagot." Kamot ulo pang reklamo niya.
"Edi, umalis kana." Irap ko sakanya, pero binatukan niya nanaman ako. Hilig niya manakit no?
Tinignan ko yung laman ng pinadala ni Mommy kay Kuya. Nakita kong bagong sapatos yun, na may nga damit. Lagi naman akong pinapadalhan ng ganito, pag nag shoshopping sila ni ate binibilhan din ako tas ipapadala sa condo ko.
Pero nagliwanag ang mata ko nang makakita ng pagkain.
Chocolate Cake! Matagal na rin ako hindi nakapag bake. Sana si mommy ng bake.
"Yey! Si mommy nag bake?" Tanong ko kay kuya na nakahalukipkip lang habang nakatingin kay Calv na wala sa sariling umiinom ng Choco-choco niya at nakatingin sa kawalan.
"Yep, where's your eyeglass by the way? Radiation Andra." Sambit ni Kuya.
"Nasira, kasi nahulog." Dahilan ko. Inirapan niya lang ako tumingin kay Calvin.
"Sino 'to?" Tanong ni kuya sabay turo kay Calv, na hindi pa rin natatauhan.
"Uy Calv," mahina kong hampas sa braso niya. Natauhan naman siya. "Kuya ko, si Kuya Damien." Pagpapakilala ko kay Kuya. Awkward lang na ngumiti si Calv. "Kuya si, Calvin, kaibigan namin." Pagpapakilala ko naman kay Calvin.
Naglahad naman ng kamay si Kuya, agad namang tinanggap 'yon ni Calv.
"Alis na 'ko." Sambit ni Kuya, sabay halik sa gilid ng Noo ko. Tumango naman siya kay Calvin, at hinatid naman siya nila Keyn at Jillia.
"Why are you mad at me, kasi?" Tanong ko kay Calvin nang makaupo. umiling iling lang siya at ngumiti.
"Wala lang ako sa mood." Sagot niya, hindi ako naniwala, pero pwede na rin kasi mukhang di naman na siya galit.
Agad kong nilabas yung Chocolate cake, tatlong tupperware yun na may laman na chocolate cake.
May mga sticky notes pa si Mommy.
Yung nasa taas na tupperware, medyo madami lang siya, kaya sakto lang sakin. May nakalagay pa dun na sticky note.
'for my baby ching, please go here ulit, we miss you na baby. You need to eat a lot, you loss weight nanaman daw eh. I'll cook and bake for you a lot, I'll let you bake too, and teach you some recipe, you want that right? please go home.'
Nakakauwi ko lang ah?
Yung sunod naman na tupperware, tama lang ang dami 'nun pero mas madami parin ang akin. Agad nanlaki ang mata ko nang makitang para kay Calvin 'yon. Hindi ko na binasa yung sticky notes don, kasi medyo nakatiklop, for Calvin lang ang kita.
Yung last naman na tupperware alam kong para 'to kay Keyn at Jills. Kasi mas madami pa kesa sakin.
"Oh, bigay ni Mommy." Bigay ko kay Calvin lumiwanag naman yung mukha niya. Binasa niya muna yung note bago siya tumawa.
Hala ano nanaman pinagsasabi ni Mommy?
"Paki sabi kay Tita, thankyou." Natatawang sambit niya. Umiiling iling pa.
"Ano sabi ni Mommy?" Tanong ko, sabay abot abot pa sa sticky note, pero nilayo niya lang 'yon kaya sumuko na agad ako.
Pagdating naman ni Keyn at Jillia binigay ko agad sakanila yung Cake.
Never talaga silang nakakalimutan ni Mommy.
Nagyaya si Calv mag starbucks, pumayag naman ako. Si Keyn at Jills, hindi sumama may group act daw sila.
Kunwari naniwala ako.
"So bakit ka galit sakin kanina?" Panguusisa ko pa rin kay Calvin na umiinom ng frappe niya.
He ordered Java Chip for him and Strawberries and Cream for me.
"Wanna taste?" Pangiiba niya ng usapan. Tinanguan ko na lang siya. Kasi hindi ko pa naman natitikman yung Java Chip na inorder niya para sakanya.
"Is it okay?" Tanong ko, habang nakaturo sa straw. He smiled and just nodded. Agad akong sumipsip sa Frappe niya. Masarap 'yon mas masarap pa sa inorder ko. "Sarap. Palit tayo." Pangbibiro ko.
"Mas sumarap kasi nasipsipan ko na yung straw" pangaasar niya. Agad namang uninit ang pisngi ko at binato sakanya yung tissue.
"You said it's okay tho." I pouted. He just chuckled and get my frappe.
"Palit na tayo," Sambit niya bago siya uminom sa frappe. ko. Nginitian ko siya, kasi gusto ko talaga yung sakanya. Mas masarap.
"Hey!" Pukaw sakin ni Calv. Agad naman akong napatingin sakanya. "Namumula ka," Tawa tawang sambit niya.
"I'm not!" Tanggi ko, na lalong nagpatawa sakanya, at umiling iling pa.
"Fine," Tawa tawa paring sambit niya.
"Iandra," Nagulat ako nang may tumawag sakin mula sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Your Idol Is My Boyfriend ✓
Любовные романыNo boyfriend and distraction when she started her college life, but will that be the same when it ends? Diandra Kim Hermos believed in fairytale love but as a practical woman she knows that in real life there's not such as so called 'perfect love...