Chapter 2

2.7K 85 1
                                    


Chapter 2


Sinasabayan parin ako nung isa papuntang auditorium.

"Hi!" Pangungulit niya ulit saakin, nang magkasabay na kami sa paglakad.

"Hi." Walang ganang sagot ko, nakatingin pa rin sa dinadaanan.

"Wow! Marunong ka pala bumati?" Sarkastikong tanong niya, napalingon ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Chill! Just kidding." He smiled widely.

I rolled my eyes again.

Nang makarating sa harap ng hall, napahinto din siya, dahil napahinto ako. Nagtaka siguro kung bakit hindi ako pumasok.

"'Di ka papasok?" Nagtatakang tanong n'ya.

"Papasok ako, una kana. May hinihintay lang ako." Walang gana paring sagot ko. At tumabi sa pader.

"Sige, samahan na kita." Alok niya, hindi na ako umangal at hinayaan na lang siya.

Habang hinahantay si Jillia, may nga lumalapit sakanya para mag papicture. Kaya lumalayo ako, baka gawin pa akong taga picture e.

"Woooh!" Rinig kong buga niya ng hangin sa gilid ko.

Biglang tumawag si kuya, sa facetime, since naka connect pa yung phone ko sa airpod ko, sinuot ko na din 'yun.

"Oh?" Sagot ko sa tawag, nakasimangot.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Bad mood nanaman ang bitchesa ko." Tawa tawang sabi niya.

"Ano?" Natatawang tanong ko.

"Daming nag papicture, ikaw hindi ka papapicture?" Narinig kong sabi ni Calvin sa tabi ko.

Tinignan ko siya sa nagtatanong na mukha.

"Did I ask?" I asked. Hindi pinapansin si kuya na nagtatanong kung sino kausap ko.

"You just said, ano. So yeah, you ask, you forgot?" He answered.

"I wasn't talking to you, I was talking to someone, sa phone."

"Oh, hehe." He scratched his nape.

Inirapan ko siya, at tinignan na ulit si kuya sa phone.

"Hoy Diandra!" Rinig kong boses na sigaw ni Jillia.

"Gotta go, kuya. Jillia's here, bye love you."

"Love you," I ended the call.

"Maka sigaw ka d'yan. Parang pagaari mo buong building ah." Irap ko sakanya

"Salubong ni master diandra sakin, irap. What a sweet baby!" She teased.

"May dalaw ata." Rinig kong sapaw ni Calvin. Na sinapawan ng asar ni Jillia.

"Lagi siyang ganyan, kaya!" Asar niya pa.

Calvin's right.

Maissue-ng tumingin sa'kin si Jillia. At tumabi sakin. "Jowa mo?" Bulong ni Jillia habang nakatingin kay Calvin na nakatingin na sa cellphone niya.

"Issue ka?" Irap ko sakanya.

"Bat ka late?" Tanong ko agad, kahit alam ko naman kung bakit.

"Niyaya ako nila Summer kahapon mag club. Di ako makatanggi." Paliwanag niya.

Tinignan ko siya.

"Fvcking hickey!" I teased, kahit wala naman talaga.

Napalingon sa'min si Calvin, na sinuri din si Jillia.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon