Chapter 30Magkatabi kami ni Calvin sa eroplano.
Hindi ko alam pero ang yaman ni Direk Lee talaga! Nakahiwalay kami sa ibang passengers. Business Class ata kami??
Rinig ko ang tawa ni Calvin habang nililibot ko ang tingin ko sa eroplano. Isang maliit na something lang pumapahiwalay sa'min.
"Ngayon ka lang nakasakay sa business class?" Biglaang tanong ni Calvin. Pansin siguro ang pagkamangha ko.
"Oo, 'di naman kasi ako palasama kila mommy." Sabi ko nang maupo na.
"Huy!" Nagulat ako nang may kumalabit sa likod ko.
"Ate!" Nanlaki ang mata ko nang makita ko si ate.
"Ble! Isa ako sa mga crew nyo, sa business class." Mapangasar na tono ni ate.
"Ay wow!" Kunwareng gulat na sabi ko.
Gusto niya sana akong sambunutan. Pero pinipigilan niya. Alam ko na bawal 'yon. Kahit pa kapatid niya ako.
Dinilaan ko din siya. Umalis na siya at nangasikaso ng ibang passengers sa class namin.
May tig isang tv kami ni Calvin. Kaya medyo nalibang ako do'n. Pero saglit lang at nag laro na ako ng laro sa phone ko.
"Hey!" Biglaan niyang tawag sa'kin habang naglalaro ako ako. Tinanggal ko ang headphones ko pero nakatingin parin sa cellphone.
Usually mga ganitong pagkakataon nasigaw ako pag may kalaban pero hindi na ako nagugulat ngayon, I'm grown woman.
Medyo madilim na kasi nakapatay ang ilaw, at madaling araw pa lang.
"Can we take a picture?" Pinakita niya sa'kin ang hawak niyang instax. Natawa ako do'n nang mapasulyap color gray ang kulay ng instax niya. Ang cute lang parang dati ako lang ang may ganyan.
"I bought this yesterday, I think. Naisip ko lang, para souvenir." Medyo namumula na siya. Sakto naman at natapos na ang laban. Nabalingan kona siya.
Bakla ka talaga Calvin!
"Sige, picture tayo." Tinawanan ko siya.
Tinaas niya ang instax niya at tinaas niya ang naka paharang sa'min para makahilig ako sakanya.
He took a shot. Medyo malakas and flash. Kaya hindi ko alam kung maayos ba ang mukha ko d'on.
"Pakita!" Inagaw ko sakanya. At unti unti nang lumalabas ang picture.
Saglit lang ay nakita ko na 'yon nang maayos.
"Ang taba naman ng pisngi ko dyan!" Reklamo ko.
"mabilog ka naman talaga." Pangasar niya,
Tinawanan niya ako at inagaw ang picture.
"Ah ganon?" Sinundot ko ang tagiliran niya. Agad siyang napa atras. Malakas ang kiliti niya do'n.
"Stop!" Tawa tawang pigil niya sa'kin.
Kalaunan tumigil din ako. Kasi natatawa talaga ako sa mukha niya pag nakikiliti. Namumula.
"Ands," tawag ng nasa likod ko.
"Oh? Cain! San upuan mo?" Nginitian niya ako at tinuro ang upuan niyang halos katabi ko lang pala.
Si Calvin sa tabi ng bintana. Ako sa tabi niya. Then sa middle part si Cain ang katapat ko.
BINABASA MO ANG
Your Idol Is My Boyfriend ✓
RomanceNo boyfriend and distraction when she started her college life, but will that be the same when it ends? Diandra Kim Hermos believed in fairytale love but as a practical woman she knows that in real life there's not such as so called 'perfect love...