Chapter 17

1.7K 58 0
                                        


Chapter 17



Her Mom looks at us confused.

"Magkakilala kayo?" Tanong ng Mommy niya habang nakangiti pa rin.

"She's the one I'm telling you! My girlfriend." He said, then kissed the gilid of my head. Hinapas ko siya dahil do'n.

"Nakikihiya!" Tingin ko sakanya, natawa lang siya.

"Oh! Mag Boyfriend na pala, hindi na natin kailangan ireto!" Natutuwang sambit ni Mom ni Calvin. Natawa lang kaming dalawa. Pati na rin ang mga matatanda nang marinig. Habang si Ate Chelsea at Ate Ianne naguusap, si Kuya kausap sila Dad at yung Dad ni Calv, si Mom at Mom ni Calvin nag uusap din.

Pinaupo na kami sa table na naka reserve para saamin. Isang medium length table ang nandun at may sampung upuan.

Sa kanang part sila Mom at Dad magkatabi, katabi ni Mom si Ate, tapos katabi naman ni Ate si Kuya.

Sa part sana ako nila Mom uupo pero sabi ni Calvin sa tabi niya na lang daw ako. Katapat ni Dad ang Dad ni Calv. Si Mom naman katapat ang Mom ni Calv. Si ate Chelsea at ate Ianne, si Kuya naman at si Calvin, tapos ako katabi si Calvin.

"Magkikita din pala tayo." Bulong ni Calvin sakin.

"Oo nga." Medyo natatawang sabi ko.

"Ackkkkk!!" Gulat na gulat ako sa naghihisterical na tili ni Mom at Mommy ni Calvin.

"Mom!" Sabay sabay na sigaw namin nila Calvin, ate Ianne, ate chelsea, at kuya.

Samantalang ang mga asawa naman natatawa lang habang nakatingin. Sabay sabay kaming nagtawananan.

"Alam mo ba, napagusapan namin ni Kaelynn na ireto kayong dalawa eh! Tapos hindi na pala kailangan." Ngiting ngiting sambit ng Mom ni Calv.

Kaya tinignan ko sa Calvin na bahagyang namumula. "Mom.." parang nahihiyang tawag siya sa Mommy niya, kaya patawa ng malakas si Tita Ariella.

"Mom, kanina pinapasama mo pa si Calvin. Eh, sila naman ang kasama natin." Sambit ni ate.

"Ay oo mga pala! I forgot!"

"You're old." Bulong ko. Pero mukhang narinig niya 'yon kaya tumalim ang tingin niya saakin.

"What? Do I look old to you? I'm still pretty!"

"Yea, right." Kibit balikat ko. Nagtawanan naman sila.

Habang may sari- sarili silang usapan, si Calvin naman hinaharot ako. Si kuya wala saamin ang paningin dahil nakikipag usap na rin siya kila Dad.

"Nakakahiya, tumigil ka nga Calvin Pierce!" Hampas ko sakanya.

"I love you.." bulong niya sakin.

"Enough," Inis na sambit ko.

"I love you.." bulong niya ulit. Kaya napabuntong hininga na lang ako.

"I love you too—" agad niya akong hinalikan sa labi, magaan lang 'yon kaya hindi matagal. Agad akong napatingin sa mga kasama namin, mukhang hindi naman kami nakita kasi naguusap usap pa rin sila. "Calv! kainis ka!"

"I have a gift for you." He said.

"Really?" I asked excitedly.

"Yes, mamaya ko ibibigay." Hinalikan niya pa ang gilid ng tenga ko.

"Malapit na pala birthday mo iho, what's your plan?" Tita Ariella asked Calvin in the middle of eating.

"I'm fine, kahit ano." Sagot ni Calvin.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon