Chapter 4

2K 74 7
                                        


Chapter 4



Kinabukasan pag ka gising ko, linggo. Agad akong naligo at nagbihis, dahil tuwing linggo, family day namin.

Kahit na matatanda na kami, kahit na may mga trabaho na sila Kuya at Ate, ginagawa pa rin namin ito.

Kasi nakasanayan na namin na, Sunday is for Family.

But since may trabaho na sila Ate at Kuya, madalas ako ang sumasama kila mommy.

Si Ate lang medyo maluwag sa sched, si Kuya maluwag naman, kaso minsan may emergency meeting talaga.

Kapag hindi sila makakasama, sinasabihan nila ako. Syempre may edad na sila Mommy, baka magtampo.



This Sunday, magkakasama kami nila Mom at Dad pati si Ate. Hindi namin kasama si Kuya kasi medyo hectic sched meetings n'ya.

We went to our church for Sunday Service. And after that we went to a Restaurant to eat.

Habang kumakain, nagkwe-kwentuhan kami. Pero napatingin ako sa phone ko nang biglang may nag notif. May nag message sakin. Unknown Number.


From: Unknown Number
Good Morning!

To: Unknown Number
I'm sorry, who is this? Saan mo nakuha number ko?

From: Unknown Number:
Ulyanin, amp.


Pangaasar pa lang, halatang si Calvin na. Agad kong pinalitan ang contact name niya.


To: Calvin
Paano mo ho nakuha number ko?

From: Calvin
Ulyanin talaga, amp? Binigay mo sakin kahapon kasi diba kakain tayo mamaya? Yan ba epekto ng pagiging mabilog?

To: Calvin
Shut up. btw oo nga pala. Anong oras nga ulit?

From: Calvin
Ulyanin amp (2)

To: Calvin
Pwede ba sagutin mo na lang? Dami mong satsat

From: Calvin
HAHAHA 2pm

To: Calvin
Okay

From: Calvin
Ingat, labyu!


Napairap na lang ako at hindi na siya ni-replyan.

"Sino yan? Jowa mo?" Panguusisa ni Ate.

"Nope." Malditang sagot ko, kasi alam ko na aasarin ako nyan.

"Dad oh, mayboyfriend na." Pagsusumbong ni ate nanlaki agad ang mata ko nang mapatingin sakin si Dad pati na rin si Mommy.

"Di ko 'yon boyfriend!" Pagtanggol ko sa sarili ko. Tinawanan lang nila ako at kumain ulit.

"Nahihirapan kaba sa subjects niyo?" Pagiiba ng usapan ni ate. Flight Attendant din kasi siya malapit na siya maging Chief Flight Attendant.

"Wala naman, ayos lang." sagot ko.

"Syempre." Sabay kurot niya sa pisngi ko. "Hmmm. Cute ng Ching Ching naminnn!" Nanggigil pa siya lalo sa pisngi ko.

"Ate!" Saway ko sakanya. "I'm not a kid anymore. Don't call me ching!" Nakita ko naman na natawa ang mga magulang ko. Aba! Pinagtutulungan ako.

"You are still our Baby Ching." Tawang sabi ni mommy. Napairap na lang ako at kumain na ulit.

Nang makarating sa bahay mga 11AM na din nagpalit ako ng damit at natulog ulit.



Nang magising ako tinignan ko ang orasan ko 1:30 na! 30 minutes na lang!

"Shit!" Agad akong tumayo sa kama ako at naligo ulit. Binlower ko muna yung buhok ko at ginawa ko na lang messy bun at medyo binaba yung bangs ko. Mas maganda kasi tignan 'yon sakin, saka gahol na ako sa oras!

Pagkatapos ko magayos ng buhok. Simpleng statement cropped top shirt lang at Highwaisted na color red mini skirt at white sneakers lang yung sinuot ko.

Naglagay muna ako ng lip tint at cheektint. Bago kinuha yung sling bag ko na may laman na wallet, phone, at powerbank.

Pagbaba ako magpapaalam sana ako pero 'di ko nakita si Mom, kaya tinanong ko si ate.

"Nasa labas!" Sigaw niya, dahil may ginagawa siya sa laptop niya.

Nagulat ako paglabas ko nang pinto ng bahay namin. Nandun na si Calvin, at kausap si Mommy na tumatawa tawa pa.

"Oh, andyan ka na pala." Natatawang sabi ni Mommy. Kaya napatingin ako kay Calvin na nagkibit balikat lang habang inaayos ang wallet niya.

"I guess you know na po na aalis kami?" Patanong na sabi ko kay Mom.

"Yes, kinausap niya ako." Natatawa pa ring sabi niya.

"What's so funny?" Nab-bwisit na sabi ko. She just shrugged.

"Alis na po kami, tita." Paalam ni Calvin sa Mommy ko.

Wow, may pa tita na.

"Okay ingat kayo." Sabi ni Mommy, bago pumasok sa bahay.

"Let's go." Sabi niya.

"Pano mo nalaman yung bahay namin?" Tanong ko muna, kahit marami akong gustong itanong. "Saka paano ka pinapasok ng guards?" Dagdag ko pa.

"Una, kaya ako pinapasok ng guard kasi pogi ako—" bago pa niya matapos yung sasabihin niya binato ko na siya ng tissue. "Aray naman!" Angal niya.

"Umayos ka kasi!" Sabi ko sakanya, tumawa muna siya bago sumagot.

"Sinabi ko kasi na pupuntahan kita, hindi ka sumasagot sa tawag ko, mabuti na lang at nandun ang mommy mo, narinig niya ata na sinabi ko pangalan mo, tas tinanong niya kung ako na daw ba yung boyfriend mo—" binato ko naman yung plastic bottle sakanya.

"Bat mo sinabing boyfriend kita?" Inis na tanong ko.

"E wala akong masabi e, saka yun din naman sinabi niya, um-oo na lang ako. Saka namumukaan niya din ako, she's my mom's friend ata." Natatawa pang sagot niya. Inirapan ko na kang siya at nagkalikot sa phone ko.

"May Bluetooth to?" Tanong ko sakanya, habang kinakalikot yung screen sa sasakyan niya.

"Ano kala mo sa sasakyan ko?" Natatawang sagot niya.

"Dami pang sinasabi, oo o hindi lang naman ang isasagot." Bulong ko, pero narinig niya ata kasi tumawa siya.

Nakita ko naman yung Bluetooth agad ko 'yong kinonnect sa phone ko at nagpatugtog.

Sumasabay ako sa kanta, minsan tinatawanan nya ako minsan sumasabay din siya.

"Bakit nga pala kayo nagtatawanan ni Mommy?" Tanong ko.

"Kasi— Hahahaha." 'Di niya na matuloy yung sasabihin niya kasi natatawa na siya. Kaya binatukan ko siya.

"Ano ba? Umayos ka nga."

"Tignan mo wallet ko." Sabi niya na natatawa pa rin.

"Ha? Ayoko nga privacy mo yan—"

"Kunin mo nga, arte mo." Sabi niya.

"Fine." Kinuha ko naman ang wallet niya, pag kabuklat ko non nagulat ako nakita ko ang picture ko nung baby ako. "Bakit binigay sayo 'to ni Mommy?!!" Inis na sigaw ko, tawa lang siya ng tawa.

"Ang cute mo nung baby ka 'no? Ang taba, kaya pala ching ching tawag sayo." Nangaasar na sabi niya.

Inis ko na lang na binalik yung wallet niya sa dashboard at nag cellphone na lang. Tawa pa rin siya ng tawa.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon