Chapter 6

319 19 0
                                    

Daphne Avreah Airenval

Nandito na kami ngayon sa gym. Students from our school and from the school of BlueWolf occupied the seats. Katabi ko ang tatlo na may hawak na itim at puting long balloons. May iba din akong nakita na may nakalagay pa ng two paint lines sa magkabilang pisngi with the colors of black and white.

Hinila ko ng bahagya si Aizen na katabi ko at nagsalita.

"Pupunta lang ako ng comfort room" sabi ko.

"Ano?!" Ang lakas ng sigawan kaya hindi niya ako siguro narinig.

"Pupunta lang ako ng comfort room!" Medyo nilakasan ko na ang boses ko this time na gumana naman. Tumango siya kaya tumayo na ako at nakayukong dumadaan sa bleachers dahil maraming tao. Ng makalabas ako duon ay dumertso ako ng comfort room.

Pabalik na sana ako ng may makasalubong akong grupo ng mga lalaki na nagtatawanan. Hindi ko sila pinansin saka lumiko at pumasok muli sa gym.

"And now, for our 2nd game! Azforbes University vs BlueWolf University!" Malakas na sigaw ng emcee gamit ang microphone.

"AZFORBES! AZFORBES! AZFORBES!"

"BLUEWOLF! BLUEWOLF! BLUEWOLF!"

"Go BlueWolf Rippers!"

"Go, Pheonix Blazers!"

Pheonix Blazers, the name of our Basketball team. Everyone was cheering for the Universities.

Nakita ko sila kuya sa pinakababa ng bleachers sa pwesto ng baskteball team namin.

Unang line-up sa amin ay sina Jack, Kysler Code, Dash at Kuya Draze. Tilian naman ang maririnig. The BlueWolf also had their first five players on the court.

The game started when the whistle was blown. Nasa kat Jack and bola. He was dribbling while looking for chances and passed the ball to Code na agad naman nitong nai-shoor sa ring. Na-agaw ng BoueWolf ang bola at naka score din. Umpisa pa lang pero matindi na ang labanan.

Napatingin ako sa gawi ni Storm katabi si Kuya Draq na tahimik na nanonood. Ang alam ko, sa 3rd quarter pa papasok si Storm ayun kila kuya ng mai kwento nila sa akin kagabi.

The 1st quarter ended until 2nd quarter. with 3 point difference at lamang kami. They had a 15 minute break habang patuloy pa din ang sigawan ng mga tao habang may nagi-interview naman para sa live-stream.

Nagpaalam ang tatlo dahil pupunta daw ng restroom at bibili na din ng pagkain sa cafeteria kaya naiwan akong mag-isa sa pwesto namin dito sa bleachers.

And in a few minutes, it's already 3rd quarter. Nagpahinga na si Jack at Kuya Draze at pumasok na din sa wakas si Kuya Draq at Storm. Bumalik na din yung tatlo na may dalang pagkain at inumin.

Naagaw ni Kuya Draq ang bola sa kalaban at agad itong ipinasa kay Storm. He's surrounded be two guys from BlueWolf side by side. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba. I just found myself with both of my hands intertwined habang nakatakip ito sa bibig ko.

Napangiti ako ng biglang i-shoot ni Storm ang bola. Nasa kalahati pa sila ng court ng ma shoot niya ito kaya nadagdagan ng 3 points ang score.

"Go, Storm! Go, Storm! Kyahhhhh!" Medyo nagulat ako sa sigawan ng mga tao, more likely, mga babae dahil sa ginawa ni Storm.

"Oh bakit nakakunot ang noo mo diyan?" Tanong sakin ni Azaleah. Napaayos naman ako ng upo saka tiningnan siya.

"Huh?"

"Kako, bat nakakunot ka?" Ulit niya.

"A-Ah, wala" sagot ko na kang saka ibinalik ang tingin sa court. Hindi ko namalayan na nakakunot na pala ang noo ko.

Capture thy Silence|Storm Black (A.U #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon