Teaser

9.4K 83 0
                                    

Gustong turuan ng leksiyon ni Reginn ang sikat pero mayabang at playboy na supermodel ng TMA na si Macren "Mac" Garzon dahil sa ginawa nitong pananabotahe sa kanyang Valentine's date. At dahil alam niyang mahalaga sa lalaki ang reputasyon nito bilang sikat na modelo, tinakot niya itong sisirain sa media kung hindi papayag na sumunod sa lahat ng mga ipinag-uutos niya. In short, magiging on-call "errand boy" niya si Mac sa loob ng isang buwan.

Pero nang dumating ang malaking problema ni Reginn sa pamilya ay hindi inaasahang dadamayan siya ni Mac. Nagbago ang dating masamang tingin niya sa binata. Nagkalapit sila at hindi na naitago ang nararamdamang atraksiyon sa isa't-isa. Napatunayan ni Reginn na kaya palang magbago ni Mac at maging seryoso sa buhay, lalo na nang magkaroon sila ng relasyon. Labis ang kaligayahan ni Reginn at wala na siyang mahihiling pa sa ipinapakitang pagmamahal ni Mac sa kanya 

Ngunit dumating ang araw na kinailangang mamili ni Reginn -- kung itutuloy pa ba ang relasyon kay Mac o iiwan na ito alang-alang sa kapakanan ng kanyang pamilya. 

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon