Chapter 5

2.4K 65 0
                                    

GINN tapped her left foot on the ground. She's starting to get impatient infront of the restaurant. Kapag nakita niya ang lalaking iyon ay makakatikim ito sa kanya. Baka abutin siya ng gabi sa paghihintay dito.

Nabusog na siya sa pagkain sa loob pero parang nagutom ulit siya sa paghihintay kay Mac. Ang sabi nito ay malapit na ito pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Tinawagan niya ito at nagpapasundo siya dahil coding ang kanyang kotse. Naiisip niya iyon para na rin sa deal nila at para inisin ito. Pero mukhang siya ang maiinis dahil pinaghintay siya nito.

Two weeks had been passed. Ilang linggo na lamang at matatapos na ang usapan nila. Susulitin niya ang lahat ng iyon para makaganti rito. Nagdidiwang naman ang kalooban niya kapag nakikita niya ang inis sa mukha nito. Mabuti nga rito para magtanda ito. All the things she's doing are part of her revenge to teach him the lessons he should learn. She wanted to tell him that not all other girls will plead at him. Hindi siya makukuha sa mga matatamis na salita nito. Isa pa, may kasalanan ito sa kanya na gusto niyang pagbayaran nito.

Hindi niya inakalang susundin nito lahat ng sasabihin niya. Sa pagkakakilala niya rito ay hindi ito ang tipo ng lalaking basta na lamang mapapasunod. Pero alam niyang wala itong magagawa dahil may hawak siyang matinding alas para hindi ito makatanggi sa mga pinapagawa niya. Masunurin ito pero kung minsan ay napakarami pa nitong sinasabi pagkatapos ay susundin naman nito ang utos niya.

Namataan ng kanyang mga mata ang sasakyan nito palapit sa kinaroroonan niya. Inihanda niya ang sarili sa panenermon.

Bumukas ang pinto ng kotse, "Hello Ginn," maaliwalas ang mukhang bati nito sa kanya.

Gusto niyang kutusan ito sa matamis nitong ngiti. Naiinis siya sa sarili kung bakit siya naapektuhan sa mga simpleng pagngiti nito sa kanya. She composed herself, "Nakukuha mo pang ngumiti pagkatapos mo akong pinaghintay ng matagal dito?" bagkus ay inis na balik niya.

Hindi pa rin mabura-bura ang ngiti sa mga labi nito, "Pasensya ka na, may biglaan lang kasing pinag-usapan sa trabaho kaya na-late ako," paliwanag nito.

Umisimid siya, "Alam mo, ang galing mo talagang magpalusot kahit kailan."

"Totoo ang sinasabi ko. Bakit ba hindi mo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko? Nakakasakit ka na talaga ng damdamin, Ginn." Kita pa niya ang lungkot sa mukha nito.

Umiling siya. Hindi niya maipagkakailang minsan ay tinatamaan ang puso niya kapag ganoon ang hitsura nito. As if she wanted to believe him that he's hurting.

"Ang dami mo pang satsat. Hala! Gusto ko nang umuwi," pag-iiba niya ng usapan at mabilis na sumakay sa kotse nito at sinara ang pinto.

Nilingon niya ito, naroon na naman ang lakas ng tibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata. Again, she was captivated but those beautiful eyes. Bakit kailangan nitong maging gwapo sa paningin niya? But no! She doesn't have to feel that kind of feeling.

Umiwas siya ng tingin at itinuon ang pansin sa harapan, "Bilisan mo ihatid mo na ako. Gusto ko nang magpahinga."

Sa gilid ng kanyang mga mata nakita niyang umiiling-iling ito. She has to control her emotions. Ano bang nangyayari sa kanya? She doesn't like this man. Ever, she will not like him.

Napaigtad siya ng lumapit ito sa kanya. Tila naumid ang kanyang dila ng ipalibot nito ang mga kamay sa kanyang baywang. Parang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso sa sobrang lapit nito sa kanya. Naramdaman niya ang matatag na katawan nito sa kanya. Hindi alam ng lalaking ito kung gaano siya naapektuhan sa mga ginagawa nito.

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon