Chapter 10

2.3K 61 0
                                    

"HUMIGA ka dali."

Pakiramdam ni Reginn ay nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan sa sinabing iyon ni Mac sa kanya.

"A-yoko nga," kada-bulol na wika niya. Waring nakuha naman nito ang ibig pakahulugan ng kanyang mukha kaya tumawa ito. Umayos siya ng upo sa sofa at sinimangutan ito na kuntodo ang ngiti. "Bakit ka ba tumatawa?"

Umiling ito at tinapik ang hita nito. "Wala. Masaya ako, bakit ba?"

"Kung hindi ko lang alam pinagtatawanan mo ako," asik niya rito.

"Hind ha!" mariing tanggi nito. "Tignan mo nga 'yang hitsura mo," tinuro pa siya nito. "Halatang kulang ka sa tulog. Magpahinga ka na at mamaya ay aalis na ako."

Lihim siyang napangiti sa concern nito. Sa araw-araw na kasama niya si Mac ay nagiging masaya siya. Nakakalimutan niya ang anumang lungkot dahil masaya siyang kasama ito.

Kagaya na lamang ng mga sandaling iyon. Palagi niya itong kasama. Sinundo siya nito sa kanyang trabaho at inihatid sa bahay. Kahit na anong pilit niyang saway sa kanyang sarili ay nagugustuhan niya ang mga ginagawa nito para sa kanya. She realized that there's still a man who will always there by her side.

"Okay lang ako." Umiwas siya ng tingin. Nagbabago kasi ang tibok ng kanyang puso sa tuwing titingin siya sa mga mata nito. "Mabuti pa," pinasigla niya ang tinig. "Umuwi ka na at gumagabi na."

Ito naman ang sumimangot, "Ayoko nga," parang batang sabi nito. She can never imagine that he will act like that.

"Alis na sabi eh." Magaang tinulak pa niya ito. "Baka ma-late ka sa photo shoot mo bukas. Ikaw din, pagagalitan ka ng boss mo," pananakot pa niya.

"Hindi ako pagagalitan, mabait 'yun," nakangising sabi nito. "Teka lang," kunot ang noo nito. "Kararating lang natin, pinapaalis mo na ako kaagad. Gusto ko pang mag-stay."

Ikinatuwa ng kanyang puso ang sinabi nito. Kung minsan ay nahihiling niyang sana ay panghabang-buhay na lamang ang mga ganoong sandali sa kanilang pagitan.

"Huwag ng matigas ang ulo mo. Umalis ka na may trabaho ka pa bukas." Kunwa'y pagtataboy niya rito.

"Hindi ako aalis," mariing sabi nito at nagsumiksik pa sa kanyang tabi. Ang puso niya, nawala na yata sa lokasyon. Napakalakas ng epekto sa kanya ni Mac. Na madalas na hindi niya kayang kontrolin. "Mamaya na lang okay?" ngumiti pa ito ng matamis.

"Oo na, sige!" pagsuko niya. Pero sa kanyang kaibuturan ay gustung-gusto niyang manatili ito sa kanyang tabi. "Ang kulit mo talaga," natatawang pinisil niya ang pisngi nito.

Hinuli nito ang mga iyon at pinakatitigan siya. Naging triple na ang tibok ng kanyang puso sa masuyong tingin nito sa kanya. Nangungusap ang mga mata nito. May nakikita siya sa bawat kislap ng mga mata nito na hindi niya kayang basahin. Nalilito siya sa kanyang nararamdaman. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong klase ng pakiramdam sa isang lalaki.

"Look at your eyes," masuyong dumaan ang mga daliri nito sa palibot ng kanyang mga mata. Napapikit siya sa gaan ng kamay nitong humahaplos roon. Napakasarap sa pakiramdam. "Your eyes always look tired but they never fail to make me feel this way." Anito sa tila nahihirapang tinig. "Ginn," masuyong tawag nito sa kanyang pangalan. "Palagi mong tatandaan na nandito lang ako ha? Paulit-ulit kong sasabihin ito sayo para hindi mo makalimutan. Hindi ako magsasawang ipaalala sayo ang mga salitang ito. Always bear that in mind."

Nagmulat siya ng mga mata at tinugon ng walang kasingsuyong ngiti ang ngiti nito. "Alam ko iyon at palagi kong tatandaan ang mga sinasabi mo sa akin."

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon