Chapter 9

2.2K 69 0
                                    

"WHAT do you think you're doing Mac?" galit na sita ni Reginn rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid ng kanilang opisina at hinawakan ang kamay nito at dinala sa isang sulok.

"Whoa! Ginn, calm down. Relax ka lang babe," natatawang sabi pa nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Tumaas yata lahat ng balahibo niya sa itinawag nito sa kanya. "Magtigil ka!" saway niya. "Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na, baka may makakita pa sayo. Naku naman talaga!" natataranta siya. Baka makita pa ito ng mga kaopisina niya. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nagkataon. "Ano bang naisip mo at pumunta ka rito ng hindi man lang nag-disguise?"

"Gusto kitang makita, bakit ba? Masama ba iyon?" nagtatampong ngumuso pa ito.

Kumurap-kurap siya, totoo ba ang narinig niya? Gusto nitong makita siya? Kinikilig siya sa isiping iyon.

Time flew so fast. Kahit na may dinarama siyang problema sa buhay ay pinanatili niyang matatag ang kanyang loob. Bumalik siya sa kanyang trabaho at sinikap na ibalik sa normal ang kanyang buhay. Mula ng malaman niya ang buong katotohan sa kanyang pagkatao ay maraming beses siyang tinawagan at pinuntahan sa bahay ng kanyang mga magulang. They are trying to convince her to come back to them. Pero buo na ang kanyang pasya. Kailangan niyang lumayo sa mga ito para maging maayos ang lahat.

Gusto man niyang bumalik sa mga ito pero napakaraming hadlang. Isinaalang-alang niya ang kanyang kapatid na na may sakit. Natatakot siyang magulo pa ang mga ito ng dahil sa kanya. Nararapat lamang na lumayo siya sa mga ito. Kahit na katumbas niyon ay libo-libong patalim na bumabaon sa kanyang puso.

Sa mga panahong dapat sana ay mag-isa siya ay hindi siya iniwan ni Mac. She always tells him to stay away from her. Wala itong obligasyon sa kanya pero sadyang makulit ito. Palagi nitong sinasabi na hayaan niya itong makita siya. He even said, she should treat him like a friend. Dahil isang kaibigan ang turing nito sa kanya. Palagi siya nitong dinadalaw sa bahay at tinatawagan.

Sinamahan pa siya nito noong minsang dalawin niya ang puntod ng mga tunay na magulang. Doon ay umusal siya ng isang panalangin at tahimik siyang umiyak. He just held her and said comforting words. Hindi niya maiwasang sumaya sa tuwing kasama niya ito. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo niya rito noon ay nagbago ang lahat. Itinuring siya nitong isang kaibigan. Nakita niya ang mga katangian nito na kahanga-hanga. Nagkamali siya sa unang impresyon niya rito.

"Hala!" itago niya ang saya sa sinabi nito at pinandilatan ito, "Sige na, umuwi ka na. Baka makita ka pa ng mga ka-opisina ko. Lagot na at dudumugin ka nila."

Sumimangot lamang ito, "Wala akong pakielam kahit sinong makakita sa akin. Isa pa, hindi ko na kailangan pang mag-disguise. Ang init-init," reklamo pa nito.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Paano kung makita ka nilang kasama ko? Ano na lang ang iisipin nila?"

"Ano naman ngayon kung makita nila akong kasama ka?" galit pang balik nito. "Kaibigan kita, natural lang na dalawin ko ang kaibigan ko," kunot na kunot ang noo nito.

Nalilito talaga siya sa mga sinasabi nito. Napakasarap sa pandinig na isang tulad nito ang kaibigan niya.

"Kahit na magpa-autograph sila wala kang pakielam?" hamon niya rito.

Tumango ito, "Oo, kahit na isang daan autograph gagawin ko. Teka lang ha," tumingin ito sa kanya. "Dinalaw na nga kita rito pinapagalitan mo pa ako. Kagagaling ko lang ng trabaho. I just pass by para magkasabay na tayong umuwi." Umiwas ito ng tingin ng sabihin iyon. Minasdan niya ito, parang natataranta ito na hidni niya maintindihan.

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon