EVERYWHERE Reginn looks, it was stunning red. The color of the light, the tablecloth, the chairs, the sophisticated designs of the restaurant and even her silk knee-length dress is radiant red. The atmosphere is indeed a love is in the air. It is a Valentine's night where couples usually treat themselves a precious moment together.
Habang nakaupo siya sa palibot ng couple table ay iginala niya ang paningin sa mga parehang masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Hinihintay niya ang kanyang ka-date. Wala sana siyang balak na lumabas sa gabi ng araw ng mga puso pero kinulit siya ng kanyang ka-officemate na kaibigan niya para maka-date ang kapatid nito. Pumayag na siya sa gusto nito. Wala din naman siyang gaanong gagawin at day off niya bukas. Ipinakilala na sa kanya ng kaibigan niya ang kapatid nito noong isang araw. Naramdaman kaagad niya na interesado ang lalaki sa kanya. Wala namang masama kung makakilala siya ng ibang lalaki. Besides, she's single. Nagkaroon din naman siya ng relasyon noong nasa college siya pero hindi nag-work out ang mga iyon.
Siguro ay dahil mas marami siyang priorities sa buhay. Ang maging successful sa karera niya. She is working as an operations manager in a banking institution. Kahit bata siya para sa pwesto ay malaki ang tiwala ng kompanya sa kanya. Nagpapasalamat siya dahil sa sipag at tiyaga ay na-promote siya sa kanyang trabaho.
Ilang araw na ang nakalipas buhat ng bumukod siya ng tirahan sa kanyang mga magulang. Nakabili siya ng isang apartment malapit sa kanyang trabaho. Ipinaalam niya sa mga magulang kung saan siya nakatira. Noong isang araw ay dinalaw siya ng mga ito at sinigurong nasa mabuti siyang kalagayan. Pinilit pa siya ng papa niya na bumalik na siya sa bahay pero buo na ang kanyang desisyon. Ayaw na niyang muling mag-away sila ng kapatid. Makakabuti para sa kanilang lahat ang naging desisyon niya. Sa ngayon ay maayos ang kanyang buhay.
"Hi, naiinip ka ba sa paghihintay?"
Hindi niya maintindihan kung bakit lumakas ang tibok ng kanyang puso sa baritonong tinig na iyon. Kakaiba ang dating sa kanya ng boses ng lalaki. Para siyang idinuyan sa mapang-akit na tinig.
Dahan-dahang iniangat niya ang tingin. Sinalubong siya ng mahahabang pilik ng mga misteryosong mata. Hindi niya kayang basahin ang naglalaro sa magagandang mga matang iyon. His lip is so thin at tila inukit ang tangos ng ilong nito. Tila nabihag siya sa angking kagwapuhan ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Napakalapad ng dibdib nito at halatang batak sa ehersisyo ang katawan nito. All she can see is sparkling and glittering color of love. It was an intense emotion that is invading her. She felt that a curse suddenly occupied her.
Umupo ito sa kaibayong upuan at nangalumbaba sa harapan niya. Napaigtad siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Para siyang hihimatayin ng masamyo niya ang kakaibang panlalaking amoy nito.
"Pasensya ka na ha kung natagalan ako. Masyado kasing traffic sa labas. Alam mo naman it's a heart's day kaya lahat ng tao ay nagmamadali," tumawa pa ito sa sinabi. Nakuha niya ang ibig pakahuluganan nito.
Lumayo ito sa kanya at tinignan siya ng mataman. Gusto niyang ma-concious sa ginagawa nitong iyon.
Ngumiti itong muli sa kanya. Damn, why he has to smile to her like that? At bakit tila nakita na niya kung saan ang mapang-akit na ngiting iyon? Hindi niya lang maalala kung saan.
"Bakit hindi ka nagsasalita? Na-starstruck ka ano?" Tumawa pa ito. "Ganyan talaga ang mga babae kapag unang beses na nakita nila ako sa personal. Iyong iba nga nakamasid na lang sa akin at hihingi ng autograph. Na para silang natulala sa kagwapuhan ko."
And the curse vanished. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa naging reaksyon niya. Gising Ginn! Gising! Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (COMPLETED)
RomanceSupermodel No. 7 Macren Garzon, "The Naughty" cute ng TMA.