Chapter 11

2.4K 66 0
                                    

"ANO'NG ginagawa niyo rito?" malamig na tanong ni Reginn sa kanyang mga magulang.

Waring nagulat ang mga ito pagkakita sa kanya. Kita niyang tumayo si Mac at dinaluhan siya.

"Ginn, may sasabihin sayo ang mga magulang mo," mahinahong sabi nito. Tinignan niya ito at huminga siya ng malalim.

"Iwan mo muna kami," walang emosyong sabi niya rito. Matagal na tinignan siya nito. Kita niya sa mga mata nito ana ayaw siya nitong iwan. Hinaplos nito ang kanyang mukha bago ito nagpaalam sa kanya. Tipid siyang ngumiti rito bago ito nagpasintabi sa kanyang mga magulang na magkatabing nakaupo.

"Mauuna na po ako," magalang na paalam nito at lumabas na ng bahay. Nasira na ang masaya sana nilang tanghalian ni Mac sa kanyang bahay.

Kinalma niya ang sarili at naupo sa kaibayo ng kanyang mga magulang. Tinignan niya ang mga ito. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang yakapin ang mga ito dahil sobrang na-miss niya ang mga magulang. Ilang mga araw na ba ang nagdaan? Pakiramdam niya ay muling bumabalik ang sakit at galit sa dibdib niya. Akala niya ay limot na niya iyon pero nagkamali lamang pala siya. Siguro, naokupa lamang siya ng mga masasayang sandali sa kanyang buhay. Pero ngayon ay unti-unting bumabalik ang sakit.

"Kumusta ka na anak?" paanas na tanong ng kanyang ina. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Napansin niya rin ang pamamayat nito. Ang papa naman niya ay napansin niya ang pamumugto ng mga mata nito.

Sinikap niyang pigilin ang mga luha sa kanyang mga mata. She have to show them taht she's strong. Pinili niya ang sitwasyong iyon kaya marapat lamang na makita ng mga ito na matatag siya.

"Maayos naman po ang buhay ko rito. Nakakakain ako ng maayos at nakakapagtrabaho. Masaya ang buhay ko," nakangiting sagot niya.

"Nakikita nga namin na maayos ka naman dito," sabi ng papa niya. "That man," tinignan niya ang kanyang papa sa sinabi nito. "Is he your boyfriend?" tanong nito.

Napalunok siya, bumikig ang kanyang lalamunan sa nakikitang pagdaramdam sa mukha nito. Naalala niya ang mga panahong bago siya magpaligaw ay ipapakilala muna niya sa kanyang papa ang lalaki. Kikilatisin muna nito iyon bago niya sagutin ang lalaki. Pero ngayon, hindi na niya magagawa pa iyon.

"Siya po si Mac, boyfriend ko po siya," pag-amin niya.

"Hindi naman ako tututol sa bagay na iyan. Nakikita kong magalang siya at mabuting bata."

She never heard him say those words to her suitors. Noon hindi nito nagugustuhan ang mga manliligaw niya. Pero ngayon ay pinuri pa nito si Mac. Ikinatuwa niya ang bagay na iyon.

"Mahal niya po ako at mahal ko rin siya. Inaalagaan at pinapasaya niya ako palagi," masaya siya habang sinasabi ang mga iyon. Nakikita niya ang mga masasayang sandali nila ni Mac. "Sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong klase ng damdamin. Mahal na mahal ko siya. Wala akong ibang gustong makasama kundi siya lang."

"Masaya kami para sayo, anak," masayang tugon ng kanyang ina. "Salamat at may isang taong nagpasaya sayo sa kabila ng lungkot na idinulot namin sayo."

"Ayoko ng maramdaman ang lungkot ma. Ayoko ng masaktan," nahihirapang tugon niya.

"Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin kami napapatawad, anak?" nasasaktang tanong ng nito.

"Masisisi niyo ba ako kung hanggang ngayon ay nasasaktan at nagagalit pa rin ako? Maraming taon ma, pa," mariing sabi niya. "Napakaraming pagkakataon para sabihin niyo sa akin ang lahat pero pinili niyong itago ang lahat sa akin."

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon