Chapter 12 (ENDING)

3.8K 122 13
                                    

"MA, Pa?" mahinang tawag ni Reginn sa kanyang mga magulang pagbungad ng mga ito sa kanya sa sala ng kanilang bahay.

Last night she has decided what to do. Sa kabila ng lahat ng bagay na gumugulo sa kanya ay may napagtanto siyang isang bagay. Iyon ay ang pagmamahal. Sapat ang pagmamahal para magpatawad sa mga taong nagbigay ng hinanakit sa puso. At si Mac ang nagturo sa kanya ng bagay na iyon.

Dahil sa mga sinabi nito sa kanya kahapon ay lubos na nalinawan ang kanyang pag-iisip. Kung paano niya nakita ang sakit sa mga mata nito ay mas lalong tumindi ang pagnanais niyang manatili sa tabi nito. Sa pagmamahal nito para sa kanya ay kinaya nitong magsakripisyo. Mas nanaiisin pa nitong masaktan kaysa makita siyang lumuluha. Naging tapat ito sa kanya sa pagsasabing kinausap ito ng kanyang mga magulang para pilitin siyang sumama sa mga ito. Dahil doon ay mas lalo siyang humanga rito at mas lalo niya itong minahal ng labis.

Pakiramdam niya ay pinawi ng mga salita nito ang galit at sakit sa kanyang puso. Kaya nagdesisyon siyang puntahan ang mga magulang para sabihin sa mga ito ang nais niya.

"Reginn, anak," masayang tawag ng mama niya.

Hindi na niya napigilan ang sarili at patakbong yumakap sa kanyang ina. Doon ay ibinuhos niya ang lahat ng luha. Na-miss niya ang ganoon kasuyong yakap ng ina sa kanya.

"I'm so sorry ma. Sorry," umiiyak na samba niya. "Patawarin niyo ako kung naging matigas ako. Patawawin niyo ako kung nagalit ako sa inyo. Sorry ma, sorry po," paulit-ulit na humingi siya ng tawad sa mga ito.

"My Ginn," garalgal ang tinig nito. Masuyong hinaplos ng kanyang ina ang buhok niya. "Nagbalik ka na, iyon lang ang mahalaga, anak."

Naramdaman niyang hinawakan ng kanyang papa ang kanyang ulo. Kumalas siya sa yakap sa ina at nakita niyang nakangiting lumuluha ito. Ito naman ang niyakap niya.

"Pa, na-miss kita," umiiyak na niyakap niya ito ng mahigpit. "Miss na miss ko na yung bonding natin."

Tumawa ito at masayang hinawakan ang kanyang mukha. "Bukas na bukas din lalabas tayo at mamasyal na buong pamilya."

Ngumiti siya sa mga magulang. Pakiramdam niya ay naalis ang bigat ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.

"Ma, pa. Nagpunta po ako dito para humingi ng tawad sa inyo at ayusin ang lahat," seryosong pahayag niya.

"We're sorry about the things we've caused you, Ginn." Her mother held her hands. "Ito ang hinihintay naming araw. Ang puntahan mo kami dito sa bahay at muling tanggapin kami sa buhay mo dahil simula ng umalis ka dito naging malungkot kami. Palagi ka naming hinahanap."

"Natuto akong magpatawad dahil iyon ang tama. At may isang taong nagturo sa akin niyon," masuyo siyang ngumiti ng maalala si Mac.

"Ang tao bang iyon ay si Mac?" makahulugang tinignan siya ng papa niya.

Ngumiti siya ng matamis, "Siya po ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Siya ang nagpaunawa sa akin na mahalaga ang magpatawad, ang maging masaya, magparaya at higit sa lahat ang magmahal."

"Natutuwa kami at may isang taong tumulong sayo at gumabay habang malayo kami sayo," patuloy ng ina niya. "Noong unang beses kong makita ang batang iyon, nagustuhan ko na siya. He may look so fierce outside but I know deep inside he's soft."

"Mahal na mahal ko po siya. At mas lalo ko siyang minahal dahil mas pinili niyang masaktan at sumama ako sa inyo kaysa ang manatili ako sa tabi niya." Sa isiping iyon ay muling naglandas ang kanyang mga luha. "Kaya niyang magtiis at mahirapan makita lang akong masaya." Huminga siya ng malalim, "Nagpunta ako dito ma, pa," tinignan niya ang mga ito. "Para makiusap sa inyo na huwag na kayong umalis. Please ma, pa?" nakikiusap ang kanyang tinig. "Hindi ko kayang iwan si Mac," umiiling-iling siya. "Siya lang ang tanging lalaking nagpakita ng malasakit sa akin. Siya lang ang ang gusto kong makasama. Hindi ko kaya kapag malayo sa kanya."

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon