Chapter 7

2K 63 0
                                    

"WILL you shut up and don't talk to me!" Masungit na sigaw ng kapatid niyang si Romeo sa kanya. Kanina pa sambakol ang mukha nito na tila pinagsukluban ng langit at lupa.

"Ang sungit naman nito," reklamo niya at tinignan ang direksyong tinitignan nito. Napailing siya, alam niyang nagseselos ito sa lalaking kausap ni Jolli. Nakababatang kapatid ang turing niya kay Jolli. Alam niya ang buong istorya kung bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang kapatid. Ngayon lamang niya ito nakitang ganoon habang may kausap si Jolli sa loob ng bar na iyon.

"Damn that man!" Narinig niyang galit na sabi nito. Natawa siya sa inaakto nito. Lumingon ito sa kanya. "Anong nakakatawa?" angil nito.

"Ikaw!" turo niya rito. "Alam ko mahal kong kapatid na nagseselos ka doon," tinuro niya ang direksyong nagpapainit ng ulo nito.

Lalo lamang sumama ang timpla nito ng makita niyang may ibinulong ang lalaking kasama ni Jolli rito. Napabuntong-hininga siya. It feels like he exactly felt what his brother feeling right now. Hindi niya maintindihan ang sarili nitong mga nakaraang araw. Gusto niyang untugin ang sariling ulo sa pader para matauhan lamang siya. Si Reginn, ito ang dahilan kung bakit nararamdaman niya ang mga damdaming iyon na ngayon lamang niya naramdaman.

The last time he saw her was one week ago. Hindi niya makalimutan ang inis at galit na naramdaman niya ng makita itong may kasamang lalaki at hinalikan pa ito sa pisngi ng lalaki. Right there where he stands, he wanted to grab that man and give him the best punch in the world. Nagpunta lang naman siya sa bahay nito para magpaalam dahil iyon ang huling araw ng kanilang pagkikita. He wanted to tell her how he treasures the moments he's with her. Hindi niya maintindihan pero may nakapa siyang panghihinayang sa sarili na matatapos na ang isang buwan na usapan nila. Kung pwede nga lamang i-extend ang isang buwan ay gagawin niya makasama lamang ito.

Nalilito siya sa nararamdaman. He's not that kind of man. Hindi siya ang tipo ng lalaking mapapasunod ng isang babae sa isang salita lamang. Hindi siya ang tipo na babalikan ang isang natapos na usapan. Pero bakit kay Reginn ay nais niyang gawin iyon? Bakit rito ay gusto niyang baliktarin ang mga prinsipyo niya sa buhay. Damn! He should not feel those things. They are unfamiliar and they're killing him.

Ang inaasahan niyang masaya sanang dinner nila ay nauwi sa pagtatalo. Hindi niya mapigilan ang sarili at nasabi niya rito ang mga salitang iyon. Nagagalit siya at naiinis sa sarili. Mababaliw na yata siya sa kakaisip. Because lately, he wanted to see her. Gusto niyang masilayan ang magandang ngiti nito.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito!"

Ang inis na tinig na iyon ng kanyang kapatid ang nagpabalik sa kanyang huwisyo.

Tinignan niya ito, "Bakit ako na naman ang sinisisi mo?" reklamo niya.

"Kung hindi mo ako dinala dito hindi sana ako makakapatay ng lalaki sa mga oras na ito," nanlalaking mga matang sabi nito. Nakahiwalay sila ng mesa sa kanilang mga kasamahan. Gusto niyang malayo muna sa mga tao.

Tumawa lamang siya sa sinabi ng kapatid. Selos na selos nga ito.

Tinapik niya ang balikat nito, "Relax ka lang baby bro!" paborito niyang tawagin ito sa ganoon lalo na kapag inaasar niya ito. "Masyado kang high blood riyan," ngumisi siya. "Dapat mag-enjoy tayo ngayon. Look at Kael," tinuro niya ang kanyang pinsan na siyang nagpapatakbo ng TMA na may sagot sa kanilang kasiyahang iyon. "Enjoy na enjoy ang seryoso nating pinsan kasama ang kanyang loyal assistant. Look at Dab," tinuro naman niya ang kanilang kaibigan "Masaya siya habang napapalibutan ng maraming babae. Kaya cheer up! Mag-enjoy tayo ngayon." Nasabi niya ang mga salitang iyon pero siya man ay hindi makuhang mag-enjoy sa kasiyahang iyon na para sa kanilang successful event kanina sa TMA.

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon