Chapter 6

1.9K 61 2
                                    

"LET'S go out again tomorrow?"

Napangiti si Ginn sa tanong na iyon ni Larry, isa sa mga officemate niya. Inihatid siya nito sa kanyang apartment pagkatapos ng kanilang dinner. Nagpaunlak siya sa paanyaya nito, noon pa man ay sinabi na nito sa kanyang may gusto ito sa kanya. Pero pagtinging kaibigan lamang ang nararamdaman niya para rito at malinaw nitong alam iyon.

Nakarating sila sa tapat ng kanyang bahay. "Tignan natin kung hindi maraming trabaho sa opisina," nakangiting sagot niya.

Maaliwalas ang mukhang ngumiti ito, "Thank you. I had a great time with you. Sige, mauuna na ako." Humalik pa ito sa kanyang pisngi bago nagpaalam.

Kumaway siya rito ng makasakay na ito sa kotse. She's just being friendly with him dahil mabait ito sa kanya.

"Reginn!"

Akmang papasok na siya sa loob ng may tumawag sa kanyang pangalan. Lumingon siya, ang seryosong mukha ni Mac ang nabungaran niya. Natigilan siya, she suddenly felt she missed his face. Pero kasama lamang niya ito kahapon. Kahapon ang huling araw na tinawagan niya ito. At iyon din ang huling araw para sa huling ipapagawa niya rito dahil ngayong araw matatapos ang isang buwang napag-usapan nila. Napakabilis lumipas ng mga araw.

Naalala niyang pinaghugas niya ito ng plato, pinaglinis ng bahay at pinagluto. Nagtaka siya ng hindi man ito nagreklamo sa kanya. Mukhang nag-enjoy pa ito sa mga pinagawa niya. Napangiti siya na sa loob ng isang buwan ay maraming bagay ang nakita niyang katangian ni Mac. Mareklamo man ito pero sumusunod naman sa kanyang sinasabi.

May nakapa siyang panghihinayang na matatapos na ang ugnayan nila. Nalulungkot siya, inaamin niya sa sarili pero kaagad niyang sinusuway ang puso niya dahil hindi tama ang kanyang nararamdaman. Sa maikling panahon ay natuto siyang maramdaman ang mga damdaming iyon. Lalo na ang madalas na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing malapit lamang ito sa kanya.

"Mac! Anong ginagawa mo rito?" pinasigla niya ang tinig para hindi nito mahalata ang kanyang nararamdaman.

"Sino ang lalaking iyon?" bagkus ay galit na tinig nito ang sumalubong sa kanya.

Nalilito siya sa kinikilos nito, "Teka lang, kailan pa kita binigyan ng karapatang tanungin ako sa personal kong buhay?"

Tila napahiya naman ito sa sagot niya.

Sarkastikong tumawa ito, "Great!" tinaas pa nito ang dalawang kamay. Doon niya lang napansin na may bitbit itong dalawang plastic na may tatak ng isang fast food chain. "Napaka-harsh mo talagang magsalita kahit kailan."

"Anong pinagpuputok ng butse mo?" nalilitong tanong niya.

"Pagkatapos kong maghintay dito sa labas ng bahay mo ng halos isang oras ay ganyan lang ang aabutin ko sayo?" Ramdam niya ang pagtatampo sa tinig nito.

Umiiling-iling siya, "Ano ba talagang ng kinagagalit mo? Ano bang kasalanan ko?" sunud na tanong niya. "Hindi talaga kita maintindihan."

"You and your insensitive mind," direktang sabi nito. Bakas ang galit sa mukha nito. Namumula pa ang pisngi nito. Ngayon lamang niya nakitang ganoon ito.

"Hindi ako insensitive," mariing tanggi niya.

"Bakit ba palagi ka na lang ganyan?" masama ang timpla nito pero hindi niya alam kung bakit. "Hindi mo binibigyan ng halaga ang lahat ng taong nasa paligid mo. Ano bang tingin mo sa kanila? Robot na napapasunod mo sa isang pindot mo lang sa remote control? Wala kang pakiramdam, Reginn."

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon