"MAC, umalis na tayo dito. Ano ka ba, bakit ba tayo dito nagpunta?" nanlalaking mga matang reklamo ni Reginn kay Mac habang naglalakad sila.
Muntik na siyang mabangga sa likod nito nang huminto ito sa harap niya.
"What's wrong with this place?" takang tanong nito. "Huwag kang mag-alala masarap ang kape nila dito," nakangiting sabi pa nito.
Lalong nanlaki ang kanyang mga mata, "Para sa mga magkasintahan lang ang coffee shop na ito," giit niya. "Kaya nga tinawag na Heart's Coffee Date dahil lahat ng nagkakape diyan ay magkakapareha." Sikat ang coffee shop dahil na rin sa ganoong uri ng advertising nito. It was like two hearts dating with a cup of coffee. Dinarayo iyon lalo na ng mga magkakapareha. Mahihiya ang isang single na pumasok doon dahil sigurado siyang maiinggit lamang ito. "Hindi tayo dapat pumasok diyan. Kaya halika na," hinawakan pa niya ang kamay nito at niyayang umalis bago sila makapasok sa loob.
Sa kanyang panggigilalas ay hinawakan nito ang kanyang braso at pinaghugpong ang kanilang mga kamay. Natigilan siya saglit, hayan na naman ang pasaway niyang puso. When he's hands are in hers, she sees fire on it. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang paligid niya sa suyong nararamdaman.
"Hayan," nakangiting iminwestra pa nito ang magkahugpong nilang kamay. "Pwede na tayong pumasok sa loob. Sigurado ako na hindi nila tayo papalabasin dahil dito," maaliwalas ang ngiting hinigpitan pa nito ang hawak sa kanyang kamay. "Mukha na tayong magkasintahan," kinindatan pa siya nito.
Nalaglag yata ang kanyang puso sa ginawa nito. Hindi alam ng lalaking ito kung gaano siay naapektuhan sa mga ginagawa nito. Gusto niyang mabuwal sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang dibdib.
Nang matauhan ay binawi niya ang kamay rito. Pero mahigpit ang hawak nito roon. "Mac, ano ba?" saway niya. "Puro ka talaga kalokohan kahit kailan."
Tumawa ito na lalong ikinainis niya, "Ano ba kasing pinagaalala mo riyan? May sasabihin lang ako sayo 'di ba? I want to talk it over a cup of coffee. Kaya, tara na."
Wala na siyang nagawa ng akayin siya nito sa loob. Magkahugpong pa rin ang kanilang mga kamay. Sa kanyang kaibuturan ay gusto niya ang paraan ng paghawak ng kamay nito sa kanya. Hindi dapat niya hinahayaang mangyari iyon pero hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Dahil nagugusyuhan niya rin ang suyong nararamdaman habang malapit sa kanya si Mac.
Sinalubong sila ng masayang pagbati ng crew sa loob. "Sip the aroma of love, ma'am and sir."
Para siyang kinilabutan sa pagbati ng mga ito. Nakangiting bumati rin naman siya.
"Ang bagal mong maglakad. Bilisan mo naman ng konti." Narinig niyang sabi ni Mac at hinatak ng bahagya ang kanyang kamay hanggang sa pagkapantay ang kanilang paglakad. Sinaway niya ang sarili sa kabang nararamdaman.
Kita pa niya ang paglingon ng mga taong nasa loob ng shop. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paghanga sa mukha ng ilang mga kakaihan. Sigurado siyang nakilala ng mga ito si Mac. Sikat at gwapo ito kaya hindi na siya magtataka pa roon.
"Nakakainis ka talaga kahit kailan, Macren," hindi niya napigilang sabihin saka ngumuso. Alam talaga nito kung paano siya dalhin sa isang napaka-awkward na sitwasyon.
Tumawa lamang ito at huminto sila para mag-order.
"Hey loverboy supermodel! Himala at napadalaw ka rito pare?"
Napalingon siya sa nagsalita. Isang matangkad na lalaking mestiso. Pero mataas itong magsalita ng Tagalog. Natigilan siya sa asul na mga mata nito. Napakaganda, naisaloob niya.
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (COMPLETED)
RomanceSupermodel No. 7 Macren Garzon, "The Naughty" cute ng TMA.