"GWAPO nga saksakan naman ng yabang sa katawan," inis na bulong ni Reginn sa kanyang sarili habang nakatingin sa isang commercial sa T.V sa loob ng kanyang sala. Feel na feel pa ng magaling na lalaki ang pag-project sa camera habang nage-endorse ng isang sikat na detergent powder.
"Edi inamin mo ring gwapo siya?" tanong ng isang bahagi ng isip niya.
"Oo gwapo siya pero hindi ko siya gusto, naiintindihan mo?" kontra naman niya.
"Wala naman akong sinabing gusto mo siya," sagot pa ng isang bahagi niya.
"Tse!" Ganting balik niya.
Sumimangot siya at pinatay ang telebisyon. Sumandal siya sa sofa at tumingala sa taas. It is her day off. Imbes na maglibot siya sa labas ay nagpasya siyang manatili na lamang sa bahay. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kanyang apartment. Maayos naman ang nabili niya, sapat na para sa kanya dahil mag-isa lang naman siyang titira doon. Nakabili na rin siya ng mga importanteng gamit na kailangan niya.
So this is the independent life she has to live. Alam niyang masasanay din siyang mag-isa sa mga susunod pang mga araw. Kahit na mi-miss na niya ang mga magulang ay nagtitiis siya. She knew that was the best to them all. Naniniwala siya isang araw ay maayos din ang anumang alitan sa pagitan niya at ng kapatid. Naiintindihan niya ito, nagseselos ito sa kanya. Kailangan nito ng kalinga at atensyon ng kanilang mga magulang while she is strong and can live all by her self.
Mayamaya lamang ay binulabog siya ng sunud-sunod na door bell. Napailing siya, alam na niya kung sino ang may sala.
"Sandali lang!" malakas na sigaw niya at iiling-iling na pumunta sa pintuan at binuksan iyon.
Sinalubong siya ng makakapal ngunit kunot na noo ni Mac. Bigla siyang natigilan, the way he looked at her is something. Sa tuwing titingin siya sa mga mata nito ay hindi niya maipaliwanag ang kabang lumulukob sa kanya. Mula ng makita niya ito ay ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing magtatama ang kanilang paningin.
She breathe, "Sisirain mo ba ang door bell ko?" galit na sita niya. "Kung maka-door bell ka parang wala ng bukas."
Bagkus ay walang kangiti-ngiting iminwestra nito sa kanya ang dala nito. "Heto na po ang ipinabibili niyo mahal na prinsesa," sarkastikong simula nito.
Kinuha niya ang naka-plactic na dala nito, "Sinunod mo ba ang sinabi ko sayo? Apat na flavors ba ang binili mo?"
"Oo naman. Sinuyod ko ang buong Metro Manila mabili lang ang four-in-one ice cream na gusto mo," he exaggeratedly said.
Masunurin naman pala ito. Iyon ang unang araw ng simula ng kanilang usapan. Tinawagan niya ito at nagpabili siya ng ice cream rito. She will just test his patience. Noong una ay kumontra ito dahil nasa photo shoot raw ito. Pero binantaan niya ito na kapag hindi sinunod ang kanyang sinabi ay matitikman nito ang bangis niya. Nagtagumpay naman siya at sinunod siya nito.
Ganoon lang naman ang kanilang usapan. Sa loob ng isang buwan ay susundin nito lahat ng sasabihin niya. After that, they will call it quits. Gusto lang niyang makita ang bawat reaksyon nito sa mga ipapagawa niya. The benefit she will get is she will teach him the lessons he will learn by himself. Na hindi lahat ng babae ay pare-parehong maakit nito sa isang salita nito. He will have to pay for the sin he have caused.
Hindi niya ito pinansin at dumukot siya ng pera sa kanyang bulsa at inabot rito. "Iyan ang bayad ko sa ice cream. Makakaalis ka na. Salamat sa pagbili ha."
Sa kanyang gulat ay tinabig lang nito ang kanyang kamay. Takang tinignan niya ito.
"Akala mo ganoon na lamang iyon? Pagkatapos nang halos isang oras na pagda-drive ko papunta sa supermarket at hindi ko malaman kung paano itatago ang mukha ko sa mga taong maaring makakilala sa akin ay paalisin mo na lang ako nang ganon-ganon lang?" mahabang lintanya nito. "Ibang klase ka rin naman talaga, Reginn!"
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (COMPLETED)
RomanceSupermodel No. 7 Macren Garzon, "The Naughty" cute ng TMA.