Chapter 1

5.3K 79 0
                                    

NOTE: This is the raw and unedited version.

Happy reading! :)

"AKO na naman! Palagi na lang ako may kasalanan. Wala na akong ginawang tama sa bahay na ito!"

Kinuyom ni Reginn ang kanyang kamay. Tila namanhid iyon sa pagsampal niya sa kanyang kapatid. Tinignan niya ito na pulang-pula ang mukha sa galit habang lumuluha. Sinubukan niyang maging matatag sa kabila ng pagdaramdam sa kanyang kalooban.

"Kia, listen to me!" sigaw ng kanyang ina. "Hindi na tama ang ginagawa mo sa kapatid mo. Sinasabihan kita dahil mali ang mga ginagawa mo." Tinangkang hawakan ng kanyang ina si Kia ngunit marahas na pumiksi ito.

"Kailan ba ako gumawa ng tama sa paningin niyo?" Puno ng hinanakit na tanong nito. "Sa bahay na ito!" malakas na sigaw nito. "Walang ibang magaling kundi si Reginn!" matalim ang mga matang tinignan siya ng kapatid. Nasasaktan siyang nagagalit ito sa kanya ng ganoon. "Palagi na lang siya ang kinakampihan niyo. Kailanman ay hindi niyo inisip kung ano ang nararamdaman ko."

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa," anang mama niya na umiiyak na rin. "Pinapangaralan kita dahil mali, Kia. Kailan mo ba maiintindihan na hindi tama ang mga ginagawa mo?"

Umiling ang kanyang kapatid. "Kailan man ay hindi ko maiintindihan kung bakit mas mahal niyo si Reginn kaysa sa akin."

Tumalikod ang kanyang kapatid at patakbong umakyat sa hagdan. Tinawag ito ng paulit-ulit ng kanilang ina pero waring wala itong anumang narinig.

Yumuko siya at pumanhik din sa hagdan. Ano bang gagawin niya para maalis ang galit ng kapatid sa kanya? Nasasaktan siyang nakikita ang pagkamuhi sa mga mata nito.

Kinuha niya ang kanyang malaking maleta sa ilalim ng kanyang kama at umiiyak na inilagay roon lahat ng kanyang mag damit. Siguro iyon ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon.

Nang matapos ay kaagad siyang bumaba ng hagdan. Kita niya ang gulat sa mukha ng ina ng makita siya.

"Reginn! Anak sandali lang mag-usap tayo."

Hindi pinansin ni Reginn ang pagtawag na iyon ng kanyang ina. Bitbit ang malaking maleta ay nagtuluy-tuloy siya sa paglalakad palabas ng kanilang bahay.

Mabigat na mabigat ang kanyang pakiramdam. Marahas na pinahid niya ang mga luha. Wala siyang nais gawin kundi ang lumayo sa lugar na iyon.

"Huwag kang umalis, Reginn. Huwag mong gawin ito anak, pakiusap hindi ko kaya."

Tumigil siya sa paglalakad dahil sa nagsusumamong tinig na iyon ng ina. Alam niyang sa mga ganoong tinig nito ay madalas siyang mag-alala rito. Naninikip ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman. Kinuyom niya ang mga kamay at humarap.

She saw her mother sadly crying inches away from her. Pinipigilan niya ang sariling yakapin ito.

"I'm sorry ma," umiiyak na sabi niya. "Ito lang ang makakabuti para sa ating lahat." Huminga siya ng malalim. "Hindi ba sinabi ko noon sa inyo ni papa that I'm old enough to be independent. Kaya ko nang mag-isa kaya pabayaan niyo na ako."

Umiling ito, "Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ka aalis at iiwan kami."

Pinahid niya ang mga luha at tinignan ang ina, "Tama na ma," mahinang umpisa niya. "Ito lang ang alam kong paraan para magkaroon ng katahimikan ang bahay na ito," ginala pa niya ang paningin sa kabuuan ng kanilang malaking bahay. "Araw-araw na lang nag-aaway kami ni Kia. Mula pagkabata namin pakiramdam ko ay ginawa kong impyerno ang buhay niya." Muling naglandas ang mga luha niya sa isiping iyon. "Kagaya na lang kanina, nalaman niya na na-promote ako sa trabaho. She started talking to me harsh words. Na palagi na lang ako ang magaling sa aming dalawa. Sinigawan mo siya at ako na naman ang kinampihan mo."

Loving Him Is Red (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon