Chapter Four

39 21 2
                                    

Chapter Four
Classes

Artemis

Bago pa mag 7:30 ng umaga, natapos na kaming gumayak at mag-ayos nila Hera. Napag usapan din namin na bumili kaya ng pwedeng iluto para kung sakaling magutom kami at saka para mapakinabangan din ang mini kitchen dito sa dorm namin. Kulay emerald green ang palda namin tapos ay kulay white naman ang blouse na pang itaas. Mayroon ding manipis na ribbon na itinatali sa collar ng blouse na kulay green din.

Kinuha na namin ang mga bag namin at bumaba na para sa breakfast. Hindi ko alam kung naghihintay ba ulit iyong apat na lalaki sa baba ng lift. Pero baka oo, dahil sinabihan sila ni Sir Cronus kahapon.

Kagabi ay triny ni Eros na kausapin ako pero ayoko muna siyang kausapin kaya umalis na lang ako. Alam ko namang may mali rin ako, pero hindi ko lang talaga kaya pa ibaba yung pride ko.

Nang makababa kami sa lift, nandon nga ulit ang pat na lalaki, naghihintay sa amin.

"Good morning!" Bati ni Ares.

"Good morning, din!" Sabi naman ni Hestia. Alam niya kasing hindi naman kami sasagot.

Lumakad kami at pumila na para sa breakfast bago naghanap ng mauupuan. Buong breakfast ay tahimik lang kaming walo, walang nagsasalita kahit sino. Hanggang sa pagpunta sa Mount Olympus kung nasaan ang classroom namin ay wala pa rin nagsasalita. Pagdating doon ay nagkanya kanya na kami ng upo. Maya maya naman ay dumating na ang una naming Professor, yung para sa English.

"Hello New Generation ACES, I am Sir Deimus and I will be your English Professor. I am a licensed teacher outside MAGEÍA so you don't need to worry about that. And lastly, my magic is light. For the new students, please introduce yourselves in the same way I introduced myself." Pagpapakilala niya. Medyo nakaka intimidate ang aura ni Sir Deimus at kung sa normal na mundo ay matatawag siyang terror na Prof.

Si Hestia ang naglakas loob na unang magpakilala, "Hello, Sir Cratus. I am Hestia, daughter of Chronos and Akeso. My magic is healing. It's nice to meet you, Sir."

"I am Hermes, son of Cratus and Panaceia. My magic is earth."

"I am Demeter, daughter of Dionysus and Hebe. My magic is telekinesis."

"My name is Hera, I'm the daughter of Poseidon and Khione, and my magic is water."

"Hello. I am Artemis, the daughter of Zeus and Astrape. My magic is lightning."

"It's nice to meeting all of you. I hope Eros, Apollo and Ares already told you about your schedule?" Sabi ulit ni Sir Cratus.

"Yes, Sir." Sagot namin.

"Well then, let's start the class." Sabi niya at inilabas na ang text book na gagamitin niya siguro sa pagtuturo.

Halos magkakamukha lang ang ginawa namin sa pang umagang klase ngayong araw. Nagpakilala rin kami kay Miss Athena, ang Prof namin sa Math at pagkatapos ay nagsimula na rin siyang magturo. Lumipas ang oras at lunch break na. Dumiretso kaming walo sa dining hall para kumain.

Natapos ang lunch break namin ng wala pa ring nagsasalita kahit sino sa amin. Bumalik kami sa Mount Olympus para sa pang hapon naming klase, ang Mago History.

Maya maya dumating na rin ang Prof namin sa Mago History, na ikinagulat ko dahil si Sir Cronus pala ang magiging Prof namin doon.

"Good afternoon." Bati ni Sir.

"Good afternoon, Sir." Bati namin sa kanya pabalik.

"Alam kong marami kayong tanong, kaya kahit anong tanong ie-entertain ko. As long as connected sa Mago History." Sabi ni Sir Cronus.

MAGEÍA: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon