Chapter Ten
FestArtemis
"Eto po ang nakita namin sa loob, Sir. Kasama ang isang package, dinala po namin kay Sir Hephaestus." Sabi ni Eros sabay abot ng sulat kay Sir Cronus pagkatapos naming isalaysay kung ano ang buong nangyari sa sunog.
"How would you describe the man who left this on the house?" Tanong ni Sir Cronus habang unti-unting binubuksan ang package.
"He's probably as tall as Sir Hephaestus and has a build like Sir Asclepius. His magic is fire." Sagot ko. Tumango anman si Sir Cronus at binuksan ang kahon pagkatapos niyang matanggal ang balot ng package.
"Sulat lang ito." Nagtatakang sabi ni Sir Cronus.
"Po?" Sabay sabay naming tanong. Imposible namang sulat lang iyon, naka kahon iyon at may kabigatan kaya paanong naging sulat lang?
"Ito pa lang ang simula." Basa ni Sir Cronus, "Iyan lang ang nakasulat sa liham. Hindi rin maipapa-test ang sulat dahil hindi ito sulat-kamay. Kagaya rin nung unang sulat." Tuloy niya.
"Ito pa lang ang simula. Ibig sabihin marami pang susunod." Sabi ni Demeter. Tumango si Sir Cronus at muling nagsalita, "Please gather all Head Deities and your parents here for a meeting." Tumango kami sa kanya at ginawa ang kanyang pinagu-utos.
Pagbalik namin sa Meeting Room, nandoon na ang mga magulang namin at ibang Head Deities maliban sa huli naming natawag, si Sir Asclepius. Nanatili na lang kaming nakatayo sa likod nang magsimulang magsalita si Sir Cronus, "Ito pa lang ang simula. Iyan ang laman ng bagong sulat na natanggap natin mula sa mga Kakos. I called this meeting to inform everyone that we must start training heavily starting today. Hindi natin alam kung kailan aatake ang mga Kakos at hindi rin natin alam kung sino ang una nilang aatakihin, tayo ba o ang mga normal na tao."
"Sir, ika-cancel na po ba natin ang fest next week?" Tanong ni Sir Heracles, ang head ng Earth. Ano naman iyong fest na iyon? Itatanong ko na lang mamaya kila Eros pagkatapos ng meeting.
"Depende iyan kung may gagawing kilos ang mga Kakos sa mga susunod na araw." Sagot ni Sir Cronus, "Meeting adjourned." Pagtatapos ni Sir. Nagpaalam at lumabas na kami pati na rin ang mga Deities, ang mga magulang naman namin ay mas naunang lumabas.
"Hoy, ano yung fest?" Tanong ni Demeter habang naglalakad kami papunta sa training room.
"Limang araw na labanan." Natatawang sabi ni Apollo. Inirapan siya ni Demeter at tumingin kay Ares na baka sasagot ng maayos.
"Tama naman si Apollo, Deme. Labanan iyon tapos grupo grupo. Kanya-kanyang grupo iyon tapos mayroon din namang normal na sports. Sa mga sumunod na araw na iyong totoong labanan, 1v1, 2v2, 3v3, at group. Hindi rin sasabihin kung sino ang makakalaban mo in advance, palaging random, palaging surpresa." Sagot ni Ares.
"Nakasali kayo kahit tatlo lang kayo?" Tanong ko, tumango naman si Ares sa akin bilang sagot.
"Nanalo na kayo?" Tanong naman ni Hermes.
"Oo, nung isang taon. Noon lang kami pinayagan sumali, e." Sagot naman ni Apollo.
Pagdating namin sa training room, nagsimula na kami magtrain ng kanya kanya kahit wala pa si Miss Eirene. Hindi ko mapigilan isipin kung ano talaga ang nangyayari sa fest, nakakatuwa ba, nakaka excite ba. Sa mga susunod na araw namin malalaman kung matutuloy pa ba ito at kung makakasali kaming lima sa unang pagkakataon.
Kinabukasan habang nasa training kami, bigla kaming pinatawag ni Sir Cronus. Ano naman kaya ang meron? Dumiretso kami sa Meeting Room at nandoon na ang mga Head Deities at ang mga magulang namin, tila kami na lang ang hinihintay. Hindi na ulit kami umupo at nanatili na lang na nakatayo sa likod.
"Nakatanggap na naman tayo ng sulat mula sa mga Kakos." Panimula ni Sir Cronus, "Calm before the storm. Enjoy your fest. Iyan ang nakasulat sa bagong sulat, gaya ng mga nauna, hindi rin ito sulat-kamay." Tuloy niya.
Paano nalaman ng mga Kakos na mayroon kaming fest? O marami talagang nakakaalam ng bagay na iyon?
"Sir, sa tingin ko hindi na dapat ituloy ang fest. Ang kaligtasan ng mga estudyante natin ang nakasalalay dito. Para na rin hindi na mangyari ang 'storm' na sinasabi nila." Sabi ni Miss Clio. Halos lahat ata ng Head Deity ay sumang-ayon sa sinabi niya. Pero nagsalita si Tito Aether, ang Papa ni Eros, "Walang kasiguraduhan na hindi mangyayari ang storm na binanggit nila. Kilala at nakalaban na natin ang mga Kakos, imposibleng hindi nila itutuloy ang pinaplano nila kahit na hindi natin ituloy ang fest."
Dahil doon, parang nagbago naman ang isip ng mga Deity na nagsisang-ayon kay Miss Clio kanina. May point din naman si Tito Aether, ang sabi nga sa sulat ay calm before the storm, hindi naman sinabi na hindi mangyayari ang storm kapag hindi tinuloy ang fest.
"At isa pa, maaaring maging training ng mga estudyante ang fest, lalo na kung mapapasabak na tayo sa labanan sa mga susunod na linggo o buwan." Dagdag ni Daddy.
Tumango si Sir Cronus at nagsalita muli, "I agree with the ACES. For now, New Gen, you may go back for training. The rest of the deities and ACES, please stay."
Nagpaalam kami sa kanila at lumabas na at naglakad pabalik sa training room.
"Ilan ang karaniwang grupo na sumasali?" Tanong ni Hermes habang naglalakad kami.
"Hindi lumalagpas ng sampu." Sagot ni Ares.
"Sinu-sino naman ang ipanglalaban natin?" Tanong naman ni Hestia pagpasok namin sa training room.
"Kahit sino naman pwede, pero may clusters yung 1v1, 2v2, at 3v3. Naka cluster yung iba't-ibang type ng magic." Sagot ni Apollo.
Imbis na magtraining, inuna namin na paghandaan ang fest sa susunod na linggo. Pinagdesisyunan na namin kung sinu-sino ang sasali sa iba't-ibang laro, pati na sa mga normal na sports, basketball, volleyball mayroon ding archery kaya ako agad ang naisip nila na isali doon. Dahil kulang sa lalaki at sa babae, nagbato-bato-pik lang kaming apat nila Hera para malaman kung sino ang sasali sa basketball. Ganoon din sa apat na lalaki para kung sino ang isasali sa volleyball. Ang dalawang swerteng napili ay sina Demeter at Ares. Sinuggest pa nga ni Apollo na pagsuotin ng palda si Ares at ng wig para raw mukha siyang babae. Loko loko rin talaga iyon.
The next day, habang kumakain kami ng lunch, biglang nag announce na pumunta raw lahat ng estudyante sa Mago Hall kaya binilisan na namin kumain para makapunta agad doon. Pagdating namin sa hall, iilan pa lang ang mga estudyante at may pwesto pa sa harap, pero pinili namin na sa gilid na lang kami. Maya maya pa, nagsidatingan na ang maraming estudyante, at makalipas lang ang ilang sandali, lumabas ang mga Head Deity sa entablado sa hall, kasama na roon sina Tita Iris, Tito Boreas, at Tito Alexiares.
"This is about the MAGEÍA Fest, magaganap ang fest sa susunod na linggo at ganoon pa rin ang mga laro para sa taong ito. Hinihikayat na maraming estudyante ang sumali ngayong taon. Pero ang isang grupo ay dapat mayroon lamang tatlo hanggang sampu na miyembro. May ibibigay kaming mga papel at panulat para ilista ang pangalan ng mga grupong gustong sumali, pati ang pangalan ng mga miyembro." Sabi ni Sir Heracles. Napansin kong tumingin si Sir Hephaestus sa itaas kaya napatingin din ako, at ang ikinagulat ko ay mayroon nang mga lumulutang na papel at ballpen doon na unti-unting bumababa na maabot namin. Mukha namang namangha si Demeter doon.
"Pagkatapos magsulat, maaaring pakidala ang mga papel dito sa harapan." Sabi ulit ni Sir Heracles. Kumuha na si Eros ng isang papel at ballpen saka isinulat ang mga pangalan namin.
"Go, Eros! Takbo na!" Sabi ni Demeter pagkatapos magsulat ni Eros.
"Nakakapagod tumakbo." Sabi nito at ginamit ang magic niya para madala ang papel sa mga deity, pina tangay niya sa hangin ang papel pati na rin ang ballpen hanggang sa makuha ito ni Tita Iris, ang Mama niya. Loko rin ang isang ito, kay tamad.
"Wala ng iba?" Tanong ni Sir Heracles makalipas ang ilang minuto. Nagsisagot naman ang mga estudyante. "Ang mga natitirang araw sa linggo na ito ay maaaring gamitin para makapag ensayo sa fest. Students dismissed." Sabi ulit ni Sir at unti-unti nang lumabas ang mga estudyante sa hall para pumunta sa susunod na klase at kami naman ay sa training room dumiretso. Sana maging masaya ang unang sali namin sa fest, ast sana manalo rin kami.
BINABASA MO ANG
MAGEÍA: School of Magic
FantasyEarth. Fire. Flight. Frost. Healing. Light. Lightning. Telekinesis. Teleportation. Time Control. Water. Wind. Twelve different kinds of magic and a Mago is gifted to control one. All names, characters, and events in this story are pure fictional. T...