Chapter Five
MeetingHestia
Isang buwan na nang magsimula kaming pumasok dito sa MAGEÍA. Hindi pa namin nakasama sa training ang mga magulang namin kahit isang beses. Nung nakaraang linggo ay magsimula na kaming i-train bilang isang grupo. Pero syempre dahil magkakagalit sila, kahit isang beses ay hindi naging maayos ang training namin. Hindi na lang ako at si Hermes ang nahihirapan, kundi pati si Miss Eirene. Kahit ngayong araw ay hindi pa rin maayos ang training namin. Palaging binabara ni Demeter si Apollo, si Artemis ay sinusungitan palagi si Eros, at si Hera naman ay hindi pinapansin si Ares hanggang ngayon.
Pinagpapahinga ako ni Miss Eirene ngayon dahil kakatapos ko lang magtrain para sa close combat, dahil hindi naman long range ang magic ko, gaya ng ilan sa mga kaibigan ko.
"Artemis, pwede natin gawin distraction sa kalaban yung hurricane ko at lightning mo." Rinig kong sabi ni Eros sa gilid. Tumingin ako sa kanila at nakita kong nakatingin din si Miss Eirene sa kanila.
"Oh talaga?" Sabi lang ni Artemis at saka ulit gumawa ng bow at arrow gamit ang magic niya tapos nirelease ito sa target sa kabilang dulo ng training room. Tinignan ko ang reaksyon ni Miss Eirene at napailing na lang siya. Si Eros naman ay tila nalungkot na naman, gaya ng palagi niyang reaksyon tuwing sinusungitan siya ni Artemis, pero hindi naman din siya sumusuko.
"Enough training for today. Sumunod kayo sakin." Sabi ni Miss Eirene at lumabas na sa training room. Mabilis naman kaming sumunod sa kanya. Sa Office of the Deities siya nagpunta, kaya narito kami ngayon. Dito sa meeting room na malaki, na ginawang maliliit na lecture room ni Sir Anicitus noong may special lecture after class pa kami. Ngayon ay wala na kami nuon, dahil mabilis daw naming nakuha kung pano macontrol ang magic namin, although hindi pa talaga namin nama-master.
"Hello, New Generation." Bati ni Sir Cronus nang pumasok kami kasunod si Miss Eirene.
"Good afternoon, Sir." Bati naman namin. Sumenyas si Sir na maupo kami, sumunod naman kami sa kanya. Napansin ko na nandito ang head ng mga department at ang mga head ng bawat magic, pati ang mga magulang namin ay nandito rin pala.
"Why did you call a meeting, Sir Cronus?" Pormal na tanong ni Sir Hephaestus, ang head ng Technology Department.
"We received a threat from the Kakós. A letter and a begonia flower. Ang laman lang ng sulat ay ang pangalan ng bulaklak at..." Sabi ni Sir Cronus at tumingin kay Tito Aether, ang ama ni Eros.
"Welcome, New Generation ACES?" Sabi ni Tito habang hawak ang sulat na tinutukoy ni Sir Cronus.
Nabanggit na sa amin nila Apollo ang tungkol sa mga Kakós, iyon daw ang tawag sa mga masasamang Mago.
"Paano nila nalaman na nandito na ang mga bagong ACES?" Tanong ni Sir Boreas, ang head ng Frost.
"Right. Tayong nandito lang sa kwarto na 'to ang nakakaalam, hindi ba Sir Cronus?" Sabi naman ni Miss Eirene.
"Yes, Miss Eirene. Pero nang dumating sila, alam na ng buong MAGEÍA." Sabi ni Sir Cronus.
"This just means that we are keeping a traitor inside MAGEÍA's walls." Seryosong sabi naman ng daddy ni Artemis, si Tito Zeus.
"Masyado pa atang maaga para sabihin yan, Zeus." Sabi ni Sir Cronus.
"Oo nga po, Sir. Pero malaki ang posibilidad na ganoon nga ang sitwasyon." Sabi naman ni Sir Oceanus, ang head ng Water.
"If that is really the situation, nasa Office of the Deities ang taong iyon, Sir. Hindi naman maaari at imposibleng estudyante." Sabi ni Miss Eirene.
BINABASA MO ANG
MAGEÍA: School of Magic
FantasyEarth. Fire. Flight. Frost. Healing. Light. Lightning. Telekinesis. Teleportation. Time Control. Water. Wind. Twelve different kinds of magic and a Mago is gifted to control one. All names, characters, and events in this story are pure fictional. T...