Chapter Three

43 28 0
                                    

Chapter Three
ACES & New Generation ACES

Stephanie Elise

Nakasakay kami sa van ngayon, ang sabi ay papunta na sa MAGEÍA. Since that morning, hindi ko na pinapansin si Xavier, at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya pinapansin. He tried talking to me pero I always put him down.

Kasama namin ngayon ang mga friends nila Mommy na sina Tito Andrew, Tita Nadia, Tito Matthew at Tita Janisse. Pati na rin ang mga anak nila, si Noelle at Jewel na nakilala ko rin noon nung nagkaroon sila ng reunion. Nandito rin syempre si Xavier, at dalawa pang lalaki, na Draven daw at Keith, anak din ng mga kaibigan nila Mommy. Nakapagitna ako kay Noelle at Jewel, nagkakasundo kami, actually. Dahil halos pare-parehas ang nangyari sa amin tatlo. Ang tatlong lalaki naman na kaedad namin ay nandoon sa pinaka likod.

"So.. Anong magic niyo?" Tanong ni Noelle, "Ay mali! Ano pala yung sa tingin nila na magic niyo?" Tanong niya ulit.

"Baka raw Telekinesis yung akin. Si Keith nagsabi kasi sa Papa niya rin daw nakuha magic niya. Sumangayon naman sila Mama." Sabi ni Jewel.

"Lightning sa akin. I'm quite sure, kasi instead of rainbows and butterflies, I love thunders and lightnings more." Sabi ko naman. "Ikaw, Noelle?" Tanong ko.

"Baka raw Water. Kagaya din ng kay Daddy. Eh yung kasama niyong lalaki? Ano yung magic nila?" Tanong niya ulit.

"Si Xavier ay Wind. Nakita ko siyang gumawa ng buhawi, sa training room nila Mommy." Sagot ko. Naalala ko na naman nung kinabahan ako para sa kanya dahil sa mga wild animals, kaya naman pala niya ang sarili niya. Pero palagi ba niyang makakaya ang sarili niya? Pero bakit ko rin ba siya inaalala? Galit mga ako sa kanya.

"Si Keith naman Time Control. Pinatigil niya yung oras noon sa bahay namin. Nakaya namin makagalaw, kaya nagulat ako. Alam niyo na yung tungkol dun? Na hindi lang tayo basta Mago?" Sabi ni Jewel. Tumango naman kaming dalawa ni Noelle sa kanya.

"Si Draven ginawang yelo yung inangat ni Daddy na tubig mula sa baso. Nakakamangha pero hindi ko pa rin mapigilan na hindi mainis dahil may tinatago siyang data ko." Sabi ni Noelle. Tumango naman kami ni Jewel.

The three of us feel the same way. And I'm glad that the three of us are getting along well.

I woke up to the stopping of the vehicle. Lumingon lingon ako sa paligid at puro puno ang nakita ko, sa likod namin ay ang medyo malayo na na national road.

"We're here mga anak!" Sabi ni Tita Nadia.

Nauna silang bumaba at pagkatapos ng mga parents namin ay kaming tatlo naman, sumunod naman sa amin ang tatlong lalaki. Pagkababa ng van, sa harap namin ay isang napakataas na gate at mga walls na kala mo palasyo ang nasa loob.

Lumapit kami sa gate at mayroong mga pamilyar na mukha doon. Iyon ay ang mga kaibigan nila Mommy. Mayroon pang isang babae at lalaki na mukhang ka-edad ko lang din. Siguro sila yung nakilala ko noon sa reunion nila Mommy? If my memory serves me right, they're Hope and Jared. Hope is Tita Cass and Tito Henry's daughter, while Jared is Tita Alex and Tito Jeff's son.

Nagbatian at nagyakapan sila Mommy at mga kaibigan nila. They probably missed each other, ang tagal na rin nung huli kaming umuwi dito for a vacation. And now, we'll settle here. Nakita kong yumakap din si Xavier kila Tita Allisson at Tito Xaiver. Siguro ay matagal din silang hindi nagkita? Ganun din ang ginawa ng dalawa pang lalaki na kasama namin kila Tita Danna at Tito Jo at kila Tita Marga at Tito Kevin.

Sabay sabay kaming lahat na pumasok sa matataas na gate at sumalubong sa amin ang isang hindi naman gaano katanda na lalaking nakangiti. Siguro ay mga 10 years older kila Mommy?

MAGEÍA: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon