Chapter Six

31 18 0
                                    

Chapter Six
Test

Hera

Ngayong umaga ay magkakaroon kaming lima nina Artemis ng test sa simulation room para makita ni Miss Eirene kung gaano kami nag improve sa loob ng isang buwan. Mamayang hapon naman ay magte-training daw kami kasama ang mga magulang namin, nakaka excite pero nakakapressure din dahil bukod sa mga magulang namin sila, kailangan magaling din kami dahil kami ang ACES.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa Simulation Building para sa test namin. Kasama rin namin sina Ares kahit na hindi naman sila kasama sa ite-test. Pagkarating namin sa pinakataas na floor ng Simulation Building o SB na tawag ni Apollo, may nakalagay sa itaas ng pinto na ACES. Pumasok kami doon at nandoon na si Miss Eirene.

"Good morning, Miss!" Bati namin sa kanya. Nginitian niya lang kami at lumapit doon sa kung ano mang machine 'yon.

"Hestia, Hermes, Demeter, Hera, Artemis." Sabi ni Miss. Sabay sabay kaming lumingon sa kanya at sabay sabay ein na nagtanong ng, "Po?"

"Yung pagkakasunod sunod. Hestia, please stand in the middle. Notes for your scenario, kulay green ang kakampi mo, at red naman ang kalaban mo." Sinunod siya ni Hestia at saka pumindot doon sa machine. Nagkaroon ng parang glass dome sa paligid ni Hestia, hindi kami kasama sa loob, nandito lang kami sa labas at napapanood siya.

Gaya ng sinabi ni Miss, green ang kakampi niya at red ang kalaban. Sa scene ay mayroong dalawang green na nasa likod ng puno na injured. Doon agad pumunta si Hestia pero habang pinapagaling niya ito, mayroon nang papalapit na kulay red sa kanila. Napansin iyon ni Hestia kaya ginamit niya ang combat skills at taekwondo skills niya para patumbahin ang kalaban. Maya maya ay napagaling na niya ang dalawang injured kahit na mayroon pa rin mga red na lumalapit sa kaniya. Nawala ang glass dome at tumakbo sa amin si Hestia.

"Very good, Hestia. Now, Hermes."

Lumipas ang oras at ngayon, ako na ang ite-test. Nandito na ako sa gitna at biglang nagkaroon na ng glass dome. Nakita ko ang isang falls kaya naging positive na ako na kaya kong makalaban. Mayroong nasunog bigla sa likod ko, at doon nakita ko ang isang kulay red, meaning kalaban siya. Pinagalaw ko ang tubig sa falls at ibinuhos sa kanya iyon. Akala ko ay tapos na pero marami pa pala sila at lahat at puro fire ang magic. Ginawa ko ulit ang ginawa ko roon sa isa, pagkatapos ay sinampal sila sa pamamagitan ng pagpapagalaw ko sa tubig. Nang mapatumba ko sila, nawala na ang glass dome.

Eros

"Well done, Hera. Lastly, Artemis." Dali daling pumunta sa gitna si Artemis nang sabihin iyon ni Miss Eirene. Mukha siyang excited para sa simulation test kaya ako kinabahan. Artemis sometimes tend to act because her mind says so. Napansin ko iyon sa kanya.

Ibang iba ang scenario na binigay sa kanya ni Miss doon sa naunang apat. Kung sa nauna ay paunti-unti ang dating ng kalaban, sa kanya ay sunod sunod sa lahat ng direksyon. Nakita kong umakyat siya sa isang mataas na bato at doon sinimulang atakihin ang mga kalaban niya. As expected, nakaya niya nang magbato ng tatlong lightning arrows nang sabay sabay. Patuloy lang ang ginagawa niya na iyon hanggang sa maubos ang mga kalaban tapos ay biglang kumidlat at kumulog. Lalo kong itinuon ang atensyon ko sa kanya. Sa harap niya biglang may lumitaw na isa ring lightning mago, dahil nagbato ito ng lightning papunta sa direksyon ni Artemis. Pinatamaan niya ito ng mga lightning arrows niya pero hindi ito natitinag. Nang naramdaman niyang may tatamang kidlat sa lupa, inangat niya ang dalawa niyang daliri sa kanang kamay.

No, no, Artemis! Hindi pa kaya ng katawan niya mag redirect ng lightning!

"Miss, hindi kakayanin ng kamay niya yung energy!" Sabi ko kay Miss. Tumango siya sa akin at inutusan si Apollo na patigilin ang machine. Sinunod iyon ni Apollo kaya nakampante ako. Lumipas na ang ilang sandali pero hindi pa rin naaalis ang glass dome at hinihintay pa rin ni Artemis ang lightning.

MAGEÍA: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon