Chapter Eight
PetuniaThird Person
Ilang araw na ang nakalipas mula nang matanggap ng New Generation ACES ang mga weapon muka sa Technology Department. Kasalukuyan silang nagte-training kasama ang kanilang mga magulang sa Simulation Room. Dahil dito, mas ganado ang walo, at lalo na si Apollo, dahil mas magagamit na niya ang magic niya.
"Apollo, gaano mo katagal napapatigil ang oras?" Tanong ni Alexiares, ang Papa ni Apollo na isa ring time control Mago.
"Thirty seconds pa lang sa ngayon, Pa." Sagot ng binata. Tumango tango ang kanyang ama at ang kaibigan nito na si Chronos, na isa ring time control Mago gaya nilang dalawa at Papa naman ni Hestia.
"Kaya mo pa yan paabutin ng isang minuto o higit pa, training lang ang kailangan." Sabi ni Choros. "Pero sa ngayon, ACES, dapat mabilis ang kilos, lalo na't tatlumpung segundo pa lang ang kayang ibigay sa inyo ni Apollo para dumepensa sa kalaban." Tuloy niya. Seryoso lang na nakatingin ang kanilang mga anak sa kanila. Naghihintay ng signal na sisimulan na nila ang simulation.
"Inside the dome, ACES." Sabi ni Zeus, ang Daddy ni Artemis. Sinunod nila ang sabi ng nakatatanda at pumwesto sa gitna ng Simulation Room.
"In three... two... one... Let's roll!" Bilang ni Boreas, ang Papa ni Ares.
Unti-unting lumitaw ang glass dome sa paligid ng kanilang mga anak. Mas lalo rin naging seryoso ang mukha ng bawat isa sa kanila, tila handang handa na ipakita ang kakayanan nila sa harap ng kanilang mga magulang.
Makulimlim ang naging senaryo sa loob ng dome, makulimlim sa isang gubat na may lawa sa gilid at isang kweba sa kabila. Kita ang kaunting pagkadismaya kay Artemis, dahil hindi gaanong pabor sa gaya niyang isang lightning Mago ang senaryo. Dismayado man, kita pa rin ang kanyang kagustuhan na maipakita sa mga magulang ang bunga ng pagte-training ng mahigit isang buwan.
Hindi nagtagal at nagsimula nang magkaroon ng kalaban sa loob ng dome, kaya nagsimula nang dumepensa ang mga bagong ACES. Si Artemis ay pumwesto mataas na parte ng kweba, si Eros naman ay nasa tapat ng butas ng kweba, si Hera at Ares ay pumwesto naman sa malapit sa lawa. Si Apollo, Demeter, Hermes at Hestia naman ay naiwan doon sa gitna kung nasaan sila kanina. Ayaw ni Hestia na magtago sa likod ng kanyang mga kaibigan at gusto niyang ipakita ang mga natutunan niya sa close combat training niya.
Unti-unting dumami ang mga lumalapit na kalaban, at marami pa ang paparating. Ang mga nasa baba at nasa tabi ng lawa ay nakapokus sa lahat ng malalapit sa kanila. Ang dalawang nasa itaas naman ay pinatatamaan ang mga nasa bandang likuran pa na mga kalaban at hindi abot ng mga kaibigan nila sa baba.
"Eros, sa likod mo!" Sigaw ni Ares na napatingin lamang sa kung nasaan ang dalawang long range ang magic. Tinutukoy niya ang kweba na nasa likod ni Eros dahil nakita niyang may kalaban na rin doon. Buti na lang ay mabilis si Artemis kaya napana niya kaagad ang nasa likod ni Eros bago pa siya nito mahawakan. Lumutang sa hangin si Eros at pumwesto na rin sa kung nasaan si Artemis dahil mayroon na ring lumalabas na mga kalaban sa kweba. Doon ngayon napunta ang pansin at atensyon nilang dalawa.
Sa baba, marami na ring napabagsak ang anim, may ilan kang makikitang natabunan ng bato, o kaya ay niyelo sa puno.
"Eros, anong plano? Marami pa ba sa likod?" Tanong ni Apollo, suot nila ang mga earpiece na binigay sa kanila ng Tech Dept kaya nakakapag usap usap sila.
"Oo at meron na rin dito sa kweba, dito kami nakatutok ni Artemis para hindi makababa jan sa inyo." Sagot naman ni Eros. Si Eros ay patuloy pa rin sa pag atake sa mga lumalabas sa kweba habang tinitignan ang paligid at ang sitwasyon sa baba para makaisip ng plano.
BINABASA MO ANG
MAGEÍA: School of Magic
FantasiEarth. Fire. Flight. Frost. Healing. Light. Lightning. Telekinesis. Teleportation. Time Control. Water. Wind. Twelve different kinds of magic and a Mago is gifted to control one. All names, characters, and events in this story are pure fictional. T...