Chapter Eleven
MAGEÍA Fest Day 1Artemis
Ngayon ang unang araw ng MAGEÍA Fest at nandito na kami ngayon sa Mago Stadium kung saan gaganapin ang fest. Puno ang stadium pero hindi naman lahat ay kasali. Kung tama ang pagkakabilang ko sa mga flags ng bawat team, pito lang iyon, at kasama na kami doon. Ang kulay ng flag namin ay parang teal, tapos nakatatak lang doon ang kagaya ng marka namin sa wrists tapos may nakalagay na ACES sa ibaba. Hindi naman inassign ng Fest Committee ang mga kulay, kami talaga ang namili nuon. Ang nakakatawa nga ay ang pagkakaroon namin ng uniform para sa group battle. Ang nakaisip ay ang mga nanay namin. Noon pa raw nila gusto magsuot ng ganoon dahil nung panahon nila, may fest na rin, kaya lang kj daw yung mga tatay namin kaya hindi nila tinuloy, at ngayon daw, hindi na sila mapipigilan ng mga tatay namin kasi under daw sila. In short, mayroon kaming costume na kala mo yung damit ni Katniss Everdeen sa Hunger Games. Pinilit pa nga ako na isuot ko ngayon kasi raw maga-archery ako, pero sabi ko wag na, para sa group battle na lang. Ako rin naman ang nasunod, kaya naka casual na damit lang kami ngayon lahat. Hindi rin namin gustong manalo sa basketball at volleyball kaya hindi na kami nag effort pang mag uniform para doon. Matatalo lang din naman kami panigurado.
"Welcome to this year's MAGEÍA Fest, Magos!" Sabi ng isang Fest Committee mula sa gitna ng stadium, doon sa baba, isa rin siyang deity alam ko, kung tama ang pagkakatanda ko, siya si Miss Eunomia.
"Punong puno ang stadium pero mayroon lamang tayong pitong grupo na maglalaban sa buong fest! At dahil hindi sakto ang bilang ng mga grupo, mayroong maga-advance ng isang round, at iyon ay ang ACES. May tatlong round ang bawat laro sa buong fest, preliminary round, semi final round at ang final round. Advanced na ang ACES sa buong fest sa semi final round ng bawat laro." Paliwanag ng isa pang deity, si Miss Ariadne. Nakabawas sa kaba ko kahit paano ang pagkaka advanced namin ng isang round dahil odd ang bilang ng mga teams.
"Ang unang laro ay ang archery. Mayroong sampung arrows ang bawat manlalaro at ang mas may mataas na score ang mananalo. At, magiging salitan ang pagtira ng dalawang magkalaban. Ang mananalo sa preliminary ay aakyat ng semi finals, at ang mananalo ng semi finals at aakyat ng finals. Easy as MA-GEÍ-A, Magos!" Sabi ulit ni Miss Eunomia.
Tinawag na ang mga unang maglalaro para sa preliminary rounds ng archery kaya nagseryoso na ako. Kailangan ko silang panoorin mabuti dahil sila ang mga magiging kalaban ko mamaya.
Hera
Tapos na ang preliminary round at mamaya ay maglalaro na si Artemis. Siya ang pinili namin para sa archery dahil marunong talaga siya at magaling siya dito. Sigurado akong mananalo siya. Pero masasabi ko ring magagaling ang mga makakalaban niya, nanood akong mabuti at nakita ko ang galing nila. Ang makakalaban ni Artemis ngayong semi finals ay nasa 8-10 lang ang mga tira kanina. Maya maya lang, tinawag na si Artemis. Tumayo siya at lumakad papunta doon sa paglalaruan.
"Go Artemis!!" Pagcheer naming tatlo nila Demeter at Hestia sa kanya. Ang apat na lalaki naman ay tahimik lang, sigurado naman akong chinicheer din nila si Artemis. Ayaw lang siguro nila magsalita.
Nagsigawan kaming tatlo nung manalo si Artemis sa semi finals. Ang naging score ay 97-84. Pero may finals pa, at ang makakalaban ni Artemis doon ay magaling din, nasa 9 at 10 ang mga tira kanina ng kalaban niya. Baka mas lalong kabahan si Artemis! Siya pa naman ang unang titira ngayong finals!
Unang arrow pa lang ni Artemis, 10 na agad. Hanggang sa pang huli niyang arrow ay 10, kaya naman perfect 100 ang score niya, at ang kalaban na hindi pa itinitira ang huli niyang arrow ay 90, puro rin 10 ang score kaya magkadikit sila. Kapag nagtie, alam ko ay bibigyan pa ulit sila ng tig-isang arrow. Tumunog ang buzzer na senyales na pwede nang magrelease ng arrow. Itinira ng kalaban ni Artemis ang pang huli niyang arrow.
BINABASA MO ANG
MAGEÍA: School of Magic
FantastikEarth. Fire. Flight. Frost. Healing. Light. Lightning. Telekinesis. Teleportation. Time Control. Water. Wind. Twelve different kinds of magic and a Mago is gifted to control one. All names, characters, and events in this story are pure fictional. T...