Chapter Fourteen

14 1 0
                                    

Chapter Fourteen
MAGEÍA Fest Day 4

Hestia

Pang apat na araw na ng Fest at ngayong araw, sila Hera, Ares at Apollo naman ang maglalaro. Kinakabahan nga ako dahil baka kung ano ang mangyari sa kanilang tatlo, lalo na't kahapon muntikan na rin si Artemis. Pinaglitanyahan ko pa nga ang babaeng iyon kagabi kahit napagsabihan ko na siya pagkatapos ng laban nila.

Kakasimula pa lang ng preliminaries, kasama pa namin na nanonood dito ang tatlo dahil advanced kami sa semi finals kaya mamaya pa ang laban nila. Pinanonood ng tatlong mabuti ang kilos ng anim na naglalaban laban ngayon, dahil ang mananalo ay ang magiging kalaban nila sa semi finals.

"Sakto!" Maligayang sabi ni Apollo nang manalo ang grupo ng wind, fire, at lightning Mago.

"Sakto ka jan?" Tanong ni Deme.

"Nag practice kaming tatlo kina Eros at Artemis diba? Alam na namin kung ano maaaring maging kilos nila, maliban na lang dun sa fire Mago." Sagot naman ng masayang si Apollo. Kala mo Siguradong sigurado na siyang mananalo sila e.

"Yabang mo, Apollo!" Sabi ni Deme, hilig niya talagang bwisitin si Apollo o kaya ay asarin o kaya naman ay barahin. Madalas nga mag away yang dalawang iyan, makita niyo magkatuluyan pa iyang dalawa na iyan kakaganyan nila.

"Magkatuluyan kayo niyan." Singit ni Hera na mas lalong hilig ang mang asar, lahat ata ng mag away na lalaki at babae sinasabihan niya ng ganyan.

"Eww!" Sabay na sabi nung dalawa, si Deme at si Apollo. Pinagtawanan na lang namin sila at nanood na muli ng mga natitirang laban sa preliminaries.

"Ares! Apollo! Si Hera ha!" Paalala ko dahil pababa na sila. Bumuntong hininga si Hera at nagsalita, "Hestia, wag ka masyadong mag-alala, hindi kami magpapatalo." Nginitian ko siya, pati na rin iyong dalawa pang lalaki tapos ay bumaba na sila ng tuluyan dahil sila na ang susunod na maglalaro.

Third Person

Nakatayo pa lang sila kaharap ang mga makakalaban nila ngayong semi finals at nagsasaya na agad si Apollo sa isip niya, sa kadahilanang alam nila kung ano ang mga maaaring gawin ng dalawa sa kanilang tatlong makakalaban at hindi makakakilos ang tatlo nilang kalaban kapag pinatigil niya ang oras.

Nang magsimula ang laban, agad na nagpalabas ng fire flames ang fire Mago nilang kalaban na sinundan naman ng malakas na hangin ng wind Mago na naging dahilan ng paglakas ng apoy. Naitigil agad ni Apollo ang oras bago pa makalapit sa kanila ng tuluyan ang fire flame. Ginamit nila ang oras na iyon para agad na pabagsakin ang tatlo nilang kalaban, si Ares ay niyelo agad ang mga paa't kamay ng kalabang fire Mago, si Hera ay 'nilatigo' ang lightning Mago gamit ang kanyang water whip hanggang sa bumagsak ito, at si Apollo naman ay pinagsusuntok ang kalabang wind Mago hanggang sa ito rin ay bumagsak.

Muling umandar ang oras at nagulat na lang ang mga nanonood na Mago pati ang mga deities maliban na lamang sa mga ACES nang makitang nakabagsak na ang tatlong kalaban nila Ares, Hera at Apollo.

"Hindi na nakakapagtaka." "ACES nga naman." Iyan lang ilan na nasa mga isip ng mga deity nang makitang natapos ang laban ng wala pang limang minuto. Ano nga ba naman ang bago? Wala pang laban na hindi ipinanalo ng mga ACES, mula sa 1v1 ay wala pang nakatalo sa kanila kahit isang beses. Lahat ngayon ng mga Mago ay inaabangan ang magiging laban bukas, lahat gustong makita kung paano makipaglaban ang ACES bilang isang grupo.

Pagkatapos ng isa pang laban sa semi finals ay binigyan muli ang lahat ng isa't kalahating oras para kumain o magpahinga. Napanood mabuti nila Ares, Hera at Apollo ang huling laro, kala mo kinakabisado ang mga kilos ng mga ito, dahil tatlo roon ang magiging kalaban nila sa finals.

MAGEÍA: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon