Chapter Fifteen
MAGEÍA Fest Day 5Artemis
Last day na ng fest, ang group battle. Nakakatawa man, pero mga naka uniform kami na kagaya ng kay Katniss Everdeen sa Hunger Games, pero hindi naman long sleeves ang suot nung apat na lalaki. Iniisip ko nga nakakahiya kapag natalo kami, bukod sa ACES kami, nakasuot pa kami ng ganito.
"Tatlo lang ang kasali?" Rinig kong tanong ni Hera. Tatlo? Hindi ko ata narinig na sinabi.
"Ha?"
"Sabi ni Miss Ariadne tatlo lang daw ang kasali sa group battle, kaya finals na agad pagkatapos ng unang laban, advanced na tayo." Paliwanag niya. Pwede pala iyon? Na hindi sumali sa group battle?
"Pwede pala iyon?" Tanong ko. Tumango naman ang tatlong lalaki na matagal na dito sa MAGEÍA.
Seryoso naming pinanood ang laban dahil finals na agad pagkatapos nito, at kung sino ang mananalo ay siyang makakalaban namin. Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako dahil ito na ang huling laban, nakadagdag pa sa kaba ang pagiging ACES.
"Nakakahiya at nakakadisappoint kapag natalo tayo. Mga nakadamit pa tayong ganito!" Biglang sabi ni Hestia.
"Kaya kailangan natin galingan, kailangan natin manalo." Sabi ni Hermes.
"Mali. Huwag niyong gawing mindset ang kahihiyan para lang ipanalo ang laban, kailangan natin ipanalo para mapatunayan na karapat dapat tayo na ACES." Sabi ni Eros. May punto naman siya, kahit ako na iniisip na baka mapahiya kami kapag natalo kami, kailangan ang una pa rin naming goal ay mapakita na hindi lang kami ACES sa pangalan.
"Ipakita natin na ACES tayo, hindi lang sa pangalan." Sabi ko naman.
"Tama! ACES tayo, sa pangalan at sa kakayanan." Sabi ni Apollo. Nagtanguan kaming walo at sabay sabay na isinigaw, "Let's go ACES!"
Third Person
Finals na at ang makakalaban ng ACES ay ang grupo ng kambal na nakalaban ni Artemis at Eros na sina Castor at Pollux. Kung sa bilang, mas lamang ang kalaban, dahil sampu sila sa grupo, samantalang walo lang ang ACES. Pero hindi pinanghinaan ng loob ang ACES dahil lang sa mas malaki ang bilang ng kalaban, alam nilang kaya nilang lumaban kahit walo lang sila.
Ang kalabang grupo ay binubuo ng frost at earth Mago na sina Castor at Pollux, kasama ang fire Mago, wind Mago, teleportation Mago, telekinesis Mago, flight Mago, light Mago, lightning Mago, at water Mago. Halos lahat ay may kamukhang magic sa ACES, maliban na lamang kay Hestia at Apollo.
Napagdesisyunan nilang walo na isuot ang kanilang mga earpiece na galing sa Tech Dept para kahit na makipag one-on-one sila sa kalaban ay makakabalita pa rin sila kung mayroon mang maisip na plano si Eros, o kahit sino sa kanila.
"Apollo, keep an eye on the teleportation Mago. Sabihan mo kami kung ano ang galaw para hindi kami mabigla." Sabi ni Eros at gumawa na ng dalawang wind sphere para sa kanila ni Artemis upang doon sa ere umopensa at dumepensa, lalo na't parehas na long range ang kanilang magic at mayroong flight Mago at wind Mago sa kalaban.
Nagsimula ang laban at binabantayan lang ni Apollo ang teleportation Mago, nasa likod siya ng mga miyembro ng ACES kasama si Hestia na suot suot ang salamin mula sa Tech Dept na makikita ang body parts ng tao at kung saan ito mainam na patamaan. Si Demeter at Hermes naman ay nagtutulungan, si Hermes ang naglalabas ng earth rocks samantalang si Demeter ang kumokolekta ng lahat ng ito saka ito ibinabato lahat sa mga kalaban. Si Hera at si Ares ay nagtutulungan din, kahit na hindi na kailangan ni Ares ang tubig ni Hera para makapag freeze ng kahit ano. Mula sa malayo ay nilalatigo ni Hera ang isa sa mga kalaban, ang light Mago, pagkatapos ay para bang pinalalakad ni Ares ang yelo at pinagyeyelo ang mga paa nito kahit nasa malayo siya. Sa itaas, si Artemis at si Eros ay parehas na pinatatamaan ang flight Mago at ang mga kalaban na nasa ibaba. Paikot ikot man ang flight Mago, nababago ni Eros ang direksyon ng hangin kaya natatamaan ito ni Artemis ng mga lightning arrows niya.
Hindi napansin ni Hera ang kalabang water Mago kaya nasabuyan siya ng tubig tapos ay may tumama sa kanyang lightning, na galing din sa kalaban.
"Ahh!!!" Sigaw nito.
Agad na lumapit sa kanya si Ares at binitbit siya kay Hestia para pagalingin siya at maalis ang electric shock sa katawan niya. Buti na lang at malakas si Hera kaya hindi siya nawalan ng malay dahil sa pagkaka electric shock. Nagalit si Ares at tumakbo papunta sa lightning Mago, hindi inaantala ang mga kalabang nadaanan niya, saka niyelo ang lightning Mago.
"Hermes rock suit!" Sabi ni Ares. Sinunod siya ni Hermes at nag angat ng mga earth rocks at ibinato sa lightning Mago, kinontrol upang mabalot ito ng mga earth rocks. Hindi na muling nakakilos ang lightning Mago dahil doon.
"1 down, 9 to go." Sabi ni Hermes at Ares na narinig ng bawat miyembro ng ACES.
"Eros, Artemis, teleportation Mago coming for you at your back in about 5 seconds!" Pahayag ni Apollo.
"Apollo, stop the time on my cue, target teleportation Mago." Utos ni Eros.
"Now!"
Saktong paglitaw ng teleportation Mago sa likod nila Eros ay tumigil din ang oras, agad itong pinatamaan ni Artemis ng lightning at ginamitan ni Eros ng hangin upang maibaba ang katawan nito nang hindi ito bumabagsak mula sa mataas. Ginamit na rin nila ang tiyansang iyon upang mag opensa sa mga kalaban.
Sinuntok ni Hestia ang fire Mago sa mga weak points nito na nakikita niya dahil sa kanyang salamin hanggang sa matumba ito, ganoon din ang ginawa niya sa light Mago. Si Ares naman ay niyelo ang wind at water Mago na kalaban, pati ang isa sa kambal na si Pollux. Si Demeter ay ginamit ang ilang rocks sa paligid, kinolekta niya ito at kinontrol upang tumaas, mas mataas pa sa kung nasaan ngayon ang flight Mago saka ito pinagbagsak, ngunit hindi naman niya hinayaan na bumagsak nang tuluyan ang flight Mago kaya ikinulong niya na lang ito sa mga rocks. Si Artemis ay kinuryente ang natitirang kalaban, si Castor na isang frost Mago, pinalibutan niya ito ng mga lightning, tapos ay pinaligiran din ni Hermes ng mga bato.
Ilang segundo lang matapos nilang mapabagsak ang lahat ng kalaban ay muli nang gumalaw ang oras. Gaya ng mga naunang laban ng ACES, gulat na naman ang mga manonood, na napabagsak na nila ang mga kalaban. ACES nga naman, iyan na naman ang mga nasa isip ng mga ibang Mago at deities, tila ba alam nang ganoon talaga kapag ACES.
Nagyayakapan na sila sa pagkapanalo, naka talungko dahil si Hera ay nakaupo lang sa panghihina ng katawan dahil sa electric shock, nang biglang sumigaw si Apollo, "Castor!" Paglingon nilang lahat ay mayroon nang paparating na ice spikes sa kanila. Pinatigil iyon ni Demeter gamit ang magic niya, tapos ay ibinalik kay Castor na mayroon ng kasama na mga bato. Nilagyan na rin ng earth ni Hermes ang mga paa nito kaya hindi na siya makakilos. Dahil doon, hindi na rin pinatama ni Demeter ang mga ice spikes at bato kay Castor.
"5, 4, 3, 2, 1! ACES wins!" Sabi ng deity na si Miss Eunomia.
Bumaba ang kanilang mga magulang sa battle ground kung nasaan sila saka iniabot sa kanila ang mga medalya. Masayang masaya sila sa pagkapanalo nila, pero hindi nila alam, ang saya nila ngayon ay agad na mapapalitan, dahil kikilos na muli ang mga Kakos, gaya ng sinabi nila sa huling sulat na natanggap ng MAGEÍA bago ang fest. The calm before the storm.
BINABASA MO ANG
MAGEÍA: School of Magic
FantasiEarth. Fire. Flight. Frost. Healing. Light. Lightning. Telekinesis. Teleportation. Time Control. Water. Wind. Twelve different kinds of magic and a Mago is gifted to control one. All names, characters, and events in this story are pure fictional. T...