Chapter Thirteen

9 2 0
                                    

Chapter Thirteen
MAGEÍA Fest Day 3

Hera

Nagsisimula na ang preliminaries ng 2v2 games. Seryoso lang kaming nanonood, lalo na si Artemis at si Eros, kahit na si Eros ay 24/7 namang seryoso sa buhay. Pansin kong maya't-mayang ginagalaw ni Artemis yung kamay niya, kinakabahan siguro siya. Ang totoo niyan, dapat ako at si Ares ang maglalaro ngayon, dahil sabi ni Eros maganda raw ang tandem namin, lalo na water mago ako tapos siya ay frost. Pero binanatan siya ni Deme, bakit daw hindi na lang silang dalawa ni Artemis, tutal sila naman daw ang aces ng ACES. Nagtawanan nga kami dahil doon sa sinabi ni Deme, tapos ginatungan pa ni Apollo na mas maganda raw yung tandem nilang dalawa ni Artemis. Kaya ayun, napilitan na sila na lang dalawa ni Artemis, wala naman pakielam ang babaeng iyon e. Tatawa tawa nga lang din nung napagtulungan si Eros, paano minsan lang iyon mangyari.

Sa tingin ko magiging mahirap at dikit ang mga laban ngayon, wala kasing cluster cluster ang 2v2 games, hindi kagaya ng 1v1 games, kaya kahit anong type ng Mago ay maaari nilang maging kalaban, may tyansa rin na kagaya nila ng magic ang makalaban nila.

Makalipas ang ilang oras, sa wakas, maglalaro na sina Eros at Artemis.

"Artemis pangisayin mo sila!" Sabi ni Demeter. Gaga talaga ang isang ito, madi-dsiqualify kami kapag may namatay o na seriously injured na kalaban namin.

"Gaga edi nadisqualify tayo!" Bawal sa kanya ni Hestia. O 'di ba? Magkaparehas kami ng iniisip ni Hestia.

"Ay oo nga ano! Sige Artemis konting ngisay na lang!" Bawi ni Demeter. Natawa naman kaming lahat, pati si Eros na seryoso sa buhay magdamag ay nangisi dahil sa kagagahan ni Demeter.

Third Person

Nagsimula ang semi-finals at oras na para maglaro sina Artemis at Eros. At sa hindi nila inaasahan, ang makakalaban nila ay isnag wind at fire Mago. Tiyak na mahihirapan si Eros, lalo na't maaaring mapalakas ng magic niya ang apoy.

"Eros, ako na bahala sa fire Mago." Sabi ni Artemis.

"Careful, lightning might cause fire. O kaya baka biglang ibalik sayo ng fire Mago as fire ang lightning mo." Sabi ni Eros. Tumango si Artemis sa kanya at sineryoso nang mabuti ang mukha.

Nagsimula magbato ng flames ang kalaban nilang fire Mago tapos ay susunod ang wind Mago. Nagsasalitan sila kaya lumalaki ang apoy pag naga-abot ang itinitirang apoy at hangin ng dalawa nilang kalaban. Iniiwasan lang nila ni Artemis iyon kapag sa kanila papunta. Ang pang depensa nila ay pagbabato rin ng hangin na mayroong circle of lightning na ginagawa ni Artemis. Si Artemis ay ilang beses rin nagpatama ng cloud-to-ground lightning sa kung nasaan ang mga kalaban nila.

"Eros, how about a tornado? Tapos lightning ko?" Pagsa-suggest ni Artemis habang patuloy pa rin na nagbabato ng kung hindi lightning arrows ay lightning spheres.

"Palibutan mo ng lightning yung gagawin kong buhawi sa side nila." Sagot ni Eros. Nagsimula niyang igalaw ang kanyang mga kamay, kino-kontrol ang hangin sa paligid at unti-unting gumagawa ng isang malaking buhawi. Samantalang si Artemis ay nagbabato ng lightning spheres gamit ang isang kamay tapos ay pinaliligiran naman ng lightning ang ginagawang buhawi ni Eros.

Hindi nila inaasahan na dedepensa ang kanilang kalaban sa pamamagitan ng paggawa rin ng buhawi sa kung nasaan naman silang dalawa. Medyo natataranta na si Artemis pero pinipilit niyang umisip ng paraan para mapigilan ang paggawa ng buhawi ng kalaban nila. Gumawa ng lightning arrow si Artemis tapos ay itinira ito sa binti ng kalaban nilang wind Mago kaya nawala ang unti unting lumalaking buhawi sa paligid nilang dalawa.

"Artemis, apoy!" Sigaw ni Eros tapos ay tumakbo palapit kay Artemis kung saan tatama ang flame galing sa kalaban nila. Niyakap ni Eros si Artemis gamit ang kaniyang kanang kamay, ang kaliwa naman niyang kamay ay nanatili sa ere, tila ba hinihintay ang flame, at nang malapit na ang flame, bigla na lang itong namatay, iyon ay dahil inalisan ni Eros ng oxygen ang paligid at ibinalik ito nang mamatay na ang apoy. Gumawa ulit si Artemis ng lightning arrow at itinira ito sa binti ng fire Mago na anging dahilan ng pagbagsak nito, gaya ng kakampi niyang wind Mago.

MAGEÍA: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon