#Starting

80 2 2
                                    

Hey!! welcome sa pagbasa sa unang story na nai-publish ko dito sa wattpad, sana po walang sobrang bad comments hehe pero thank you, credit sa model ko na si Lyka Allyson at sa lalaki na hindi ko kilala kasi nirecommend lang niya. Thank you ulit. :) :)

I am a heart broker!!! Well my true name is Sophia Martha Yun. Sophia is from a greek word means wisdom. Anak ako ng mga kilalan business people. Tawag ng mga schoolmates ko sakin Ms. Heart broker ako lang naman kasi ang Campus queen at tagawasak ng mga puso ng mga paasa at manlolokong lalaki. Hindi lang mga lalaki sa campus namin ang nabibighani sa akin pati narin mga taga ibang school.

Its an ordinary day and I have to go to school and face my suitors wahahaha (feelingera!!!!!!!!) Papasok nako sa school ng paulanan ako ng bati ng mga schoolmates ko, tapos ako naman grabe kong makangiti para bang politician. Isa sa bumati sa akin ay si Marco, campus crush at isa sa alagad ko I mean manliligaw ko. Lumapit siya sa akin na para bang may slomo act pa tulad nang nasa movie, habang hawak hawak ang isang bulaklak.

"Hey, Good morning" bati niya habang nagpapacute at sabay abot sa akin ng bulaklak.

"Good Morning din", nakangiti kong sagot. "Para saan 'tong bulaklak, sobrang sweet mo naman ata Marco, Hindi pa naman ako patay, Excited ka naman masyado. "Ilayo mo yan sa akin allergy ako dyan" pagtataray ko habang ngingiti-ngiti parin. Iniwan ko siya agad, wala naman kasi siyang nasagot. Pagdating ko naman sa classroom namin medyo lumaki mata ko ng nakita kong nakasulat sa blackboard ang pangalan ko.

JAM

Si Jam, kaklase ko sa history at isa sa mga alagad ko(and you know what it means :) ). Matalino, heartthrob pero di ko type. Dahil sa nabasa ko sa board agad na nag-init ulo ko kaya nilapitan ko agad si Jam

"HEY" nakangiting bati ko sa kanya.

"HEY, Doin??" nakangiti niya ring sagot.

"Ang kapal mo naman, sino bang nagbigay sa'yo ng awtoridad na isulat kahit saan ang pangalan ko?? Tatanggalin mo ba yun o ipapalunok ko sa'yo yang chalk??" nagtataray pero nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hoy, burahin mo 'yun" utos niya sa isa niyang kaibigan.

"Aba at nagtawag ka pa ng alalay ha?? bakit sinabi ko bang siya ang magtanggal?? di ba sabi ko ikaw??" nagagalit ko ng sabi.

Alam niya kung paano ako magalit kaya tumayo siya at binura niya ang nakasulat sa blackboard, pagkatapos ay tumingin siya sakin na parang nagsasabi na tapos na.

"Good Boy............." sabay ngiti ko pa.

AFTER CLASS

Nagpunta kami ng mga friends ko sa canteen ng school, may two hours pa naman kasi kami bago 'yung next subject. Siya nga pala I'm a third year student, 19 years old and taking up Fashion merchandising.

"I have a good news". excited na sabi ni Carla.

"It sounds Exciting?? What is it Carla??"

"May new mission tayo" Carla.

"sino??" Ako.

"Si Karl Devilla, transferee"

" Sarap ngang sakalin ehh" satsat naman ni Miles.

"Then let the Mission Karl begin," Excited kong tugon.

Tapos nagtawanan nalang kaming tatlo yung evil laugh.

#The Heart brokersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon