2: Class test (✓)

2.9K 133 2
                                    

(Fury's pov)

Kinaumagahan ay nagising ako sa malakas na katok sa pinto kaya agad akong bumangon kahit hindi pa nakaayos.

Pagbukas ko sa pinto ay bumungad sa'kin ang isang babae na may pagkadilaw ang buhok. Nakangiti siyang tumingin sakin.

"Hi! I'm Sara, daughter of Helios. Andito ako para samahan ka sa class test mo ngayon araw." salita niya at nagpakilala pa. Hindi na ako nakaangal pa nu'ng pumasok siya sa kwarto ko.

"Ilang oras nalang at magsisimula na ang test mo kaya dapat ay maghanda ka na." salita niya at pumunta sa closet saka nilabas ang susuotin ko. Bumuntong hininga ako saka pumasok sa cr at naligo na saka nakabathrobe na lumabas.

Nadatnan ko s'yang naghahanda ng pagkain at hindi ko nalang siya pinansin saka nagbihis na. Matapos ay pinuntahan ko na siya sa kusina.

Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng isang itim na whole dress habang may coat ito na may logo na korona na nasa pocket sa may dibdib.

"Halika! Kumain na tayo at baka mahuli pa tayo sa test mo!" salita niya saka naupo na. Hindi ko man lang magawang tumanggi sa kanya dahil kilala ko ang ama niya at mukhang harmless naman sya.

Umupo na ako at sumabay na sa kanya sa pagkain. Matapos ay iniwan niya lang ito sa lababo, hindi kasi katulad ng iba ay automatic ang lababo namin. Kusa itong hinuhugasan ang mga pinaggamitan namin. Nakakamangha pero hindi sapat.

Sumabay na ako sa kanya na maglakad sa palabas ng division at panay kwento naman sya tungkol sa kung ano-ano hanggang sa makarating kami sa bukana ng arena.

"Alam mo, tama naman sila eh. Talunan ang division natin." tumingin ako sa kanya at nakita ang bakas ng lungkot sa mukha n'ya.

"Kung nasasaktan kayo, patunayan n'yong mali sila." salita ko. Bumuntong hininga naman sya sa sinabi ko saka nilibot sa buong arena ang tingin.

"Lagi naman, pero lagi rin kaming talo." sagot n'ya saka tumingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin saka napansin na marami palang estudyante ngayon kesa kahapon, ngayon ay punong puno ang mga bleachers lalo na ang mga upuan na inilagay pa nila sa gitna ng arena.

"Then i'll prove them wrong." salita ko at lumipad, nakita kong napatingin sila sa'kin pero hindi ko sila pinansin saka bumaba sa malaking stage kung nasaan ang dalawang baguhan kasama ang spokesperson na may hawak na mic.

"ARE YOU READY FOR THE SHOW?!" sigaw ng spokesperson na ikinahiyaw ng mga estudyante.

Nakita ko si Sara na nakangiting nakaupo sa di kalayuan habang napadako ang tingin ko kay President Z na nasa front row habang nakangisi sa'kin. Tinaasan ko sya ng kilay saka iniwas ang tingin.

"Listen enrollees, we have 3 consecutive classes. Which is S the highest class which had 1,2 and 3 levels as well as the A class and the D class which is the lowest one. One by one. You'll need to defeat the creatures that we will summon and then if you win you'll be defeating the class representative before proceeding to the next class. But if you aren't able to defeat the creatures, automatically in the D3 class. Are we clear?" Paliwanag ng spokesperson samin at tumango naman ang dalawa kong kasama.

"Let's start the game for the first division and so on." Salita nya pa saka bumaba sa stage. Bumaba naman ako at ang babae saka naupo sa bakanteng upuan na kaharap lang ng stage.

Pinalibutan ng makapal na barrier ang buong stage at biglang may pinindot ang spokesperson at naghanda na ang lalakeng nag ngangalang Reid na anak ni Apate, the goddess of deceit.

Biglang bumukas ang pader ng stage nakaharap lamang ng barrier at lumabas doon ang isang pamilyar na hayop. Umungol ito ng malakas na s'yang ikinahiyaw ng estudyante.

THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon