9: Championship

1.9K 89 0
                                    

(Fury's pov)

"Wooooohhh!!!!" Sigawan ng mga estudyante na nanunuod sa huling laro namin na basketball game. Halos lahat ay dumalo para mapanood kaming manalo na naman. Napangisi ako dahil nakikita ko ng naiirita na si zyla dahil kami na ang nagugustuhan ng mga manunuod. Huling laro narin ito dahil napanalo na namin ang lahat ng laro kami na ang champion sa girls division na mga laro, pero sa boys ay wala parin kaming panalo, kung pwede lang sanang sumali sa boys division ay gagawin ko.

Naginat muna ako ng katawan saka sinalo ang bola na binigay ng referee, pumasok ako sa court habang nagdidrible, hindi naman pala magiging sagabal ang pakpak ko sa mga laro dahil sa loob ng tatlong araw hindi ko na tinanggal ang pakpak ko, mas nakakatulong nga ang pakpak para mapagaan ang bawat galaw ko.

Napangisi ako saka tumakbo sa court nila zyla, agad naman nya akong hinarangan at seryoso lang ang mukha nya, pano pa hindi sya magsiseryoso kung tie na naman ang score namin at huling round na ito ng laro, isang minuto nalang rin ang natitira.

"Eager to win eh?" Pangaasar ko sa kanya. Nainis naman sya sa sinabi ko at marahas na inaagaw ang bola pero naiiwasan ko ito.

50 seconds..

"You don't give a d*mn. Even if manalo ka sa larong ito, hindi parin mawawala ang katotohanan na mga talunan kayo, ngayon lang kayo nanalo, ang taas na ng tingin nyo sa sarili?" Sagot nya, nandilim naman ang mukha ko ng marinig ito.

30 seconds left..

"I will drag you down, daughter of Zeus! Lahat kayong mga anak ni Zeus! I'll make sure you'll be a trash!" Inis kong salita. Sumilay naman ang ngisi sa labi nya.

20 seconds left...

"Realy? Anong gagawin mo? Aakitin si lord hermes saka hihingi ng tulong sa kanya? How slut!" Salita nya at dahil sa galit ko ay sasampalin ko na sana sya pero hindi ko agad napansin na hawak ko pala ang bola kaya nakuha nya ito at mabilis na pinasok sa ring.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa bilis ng pangyayare. Pano nya nalaman?

"That's for attempting to drag us down. Hindi ko alam kung anong kasalanan ng ama namin sayo, pero sana naman maisip mong, iba kami sa kanya." Matapos nyang ipasok sa ring namin ang bola ay agad syang humarap sakin saka sinabi yan. Napakuyom nalang ang kamay ko saka nandidilim na sinakal sya, napasinghap ang mga nakakita.

Madiin ko syang sinakal saka inangat.

"I.am.not.a. Slut!" Galit kong salita sa kanya saka binalibag sya sa malayo, lalapit na sana ang mga kapatid nya sakin pero agad akong lumipad patungo kay zyla na nakasinghap na ng hangin.

"If your not a slut, anong tawag mo sa ginagawa mo kay lord hermes?" Pangiinis nya pa lalo, pero tama lang para kami lang ang makarinig sa pinagsasabi nya.

Agad akong nagpalabas ng maraming feathers saka tinapon sa kanya, nakita kong umalima sya pero hindi ko tuluyang pinatama sa kanya. Lumapit ako sa kanya.

"Wala kang alam, daughter of Zeus!" Galit kong salita, lalapit pa sana ako lalo sa kanya pero biglang may humawak sa magkabila kong braso at nilayo ako kay zyla. Nagpumiglas pa ako sa dalawang anak ni zeus na syang may hawak sakin pero masyado silang malakas.

"What are you doing fury! Papatayin mo ba ang kapatid namin?!" Galit na singhal sakin ni zyke na nasa harap ko ngayon. Masama akong tumitig sa kanya.

"Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi lang naging matabil yang dila mo! Hindi sana nya malalaman ang tungkol kagabi!" Galit kong sagot. Bumuntong hininga naman sya.

THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon