18: Caged

1.5K 64 0
                                    

(Fury's pov)

Paggising ko ay isang makinis na sahig ang bumungad sakin. Napahawak ako sa ulo ko ng bahagya itong sumakit at doon ko napansin na nakaposas ang dalawa kong kamay. Tumayo ako mula sa pagkahilata at nilibot ang tiningin sa silid na kinaroroonan ko at napadako iyun sa dalawang taong gaya ko ay nakagapos rin ang kaso ay nakatayo sila habang nakabitin ang mga kamay, nakatingin sila sakin na para bang naaawa sila. Iniwas ko ang tingin saka tumayo mula sa pagkakaupo at napansin ring nakagapos ang dalawa kong paa sa malaking bakal.

Ang silid ay walang kahit ano kundi maliit na bintana at isang pinto. Walang kahit na anong pwedeng takasan.

Napatingin ako sa pulsuhan ko ng maalala ang ginawa ko kahapon. Nakaramdam ako ng saya ng makitang wala na ang tattoo pero hindi nito nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.

Umupo ako ulit at napatitig sa sahig.

"The two of you should'nt be here" salita ko sa kabila ng katahimikan. Narinig kong bumuntong hininga silang dalawa.

"At ano? Hahayaan ka naming pahirapan nila?" Sagot ni Apollo. Mahina akong tumawa.

"Why Apollo? May magagawa ka ba ngayon kung papatayin na nila ako?" Tanong ko na ikinatahimik nya at umiwas sa tingin ko, dumako naman ang tingin ko kay hermes na nakatitig sakin.

"At ikaw? Hindi ka na sana nagpakita sakin! Hindi ka na sana nakialam pa!" Salita ko sa kanya. Lumandas naman ang sakit sa mukha nya pero agad rin itong nawala.

"Bakit ba lagi mo nalang akong pinagtatabuyan?" Tanong nya at nakipagtitigan pa sakin.

"Dahil yun ang dapat! Para hindi ka na madamay pa! Sinabi mo na noon diba? Pagod ka na! Kaya bakit pa kita idadamay? Hindi ba't lumayo ka na?" Pagsasalita ko sa kanya sa inis na nararamdaman.

"Hindi mo ko madidiktahan kung anong gusto kong gawin, fury. Pinili ko to, sana naman wag mo kong ipagtabuyan" sagot nya at umiwas ng tingin sakin. Napairap ako saka nagtalukbong sa pakpak ko. Ayuko ng makipag away sa kanya, wala rin namang patutunguhan, at wala rin namang mangyayare.

Bumukas naman ang pinto ng silid namin at hindi ko na kinakailangan pang tingnan ito dahil basi sa amoy nya ay alam ko na kung sino ito.

"Nagkakagulo sa labas. May ibang gods at titans na sumusugod dito mula pa kahapon, " salita ni Ares habang nakatayo sa tapat ko. Hindi ko naman sa tinignan at nakatalukbong parin.

"May iba na pumapanig sayo, fury. At hinihiling nilang pakawalan ka at hayaan na lamang, ngunit labag sa batas iyun. Kung magpapatuloy ito, siguradong may digmaan na magaganap" salita nya ulit. I know he can feel it, of course he's the god of war.

Sa puntong ito ay nakatingin na ako sa kanya.

"Hindi na dapat sila nakialam" salita ko sa kanya kaya mula sa pader na tingin nya ay naparako sakin.

"They won't let this happend to you fury, lalo na't ipinaalam sa kanila ni mnemosyne kung bakit mo nagawa ang lahat ng ito. At naiintindihan ka nila, iniisip nilang masyado ka nang pinapahirapan ni Zeus" sagot nya. Bumuntong hininga ako sa ginawa ng lola ko.

"I must talk to mnemosyne" pahayag ko at nakabuo na ng plano, ayukong idamay silang lahat dahil lang sa kagagawan ko.

I may be a heartless person but i can't deny the fact that i treasured the people around me.

"Of course you should, knowing mnemosyne, she wont stop until she gets what she wants" sagot ni ares. Bumuntong hininga ako.

Natigil kami ng biglang lumitaw si hera kasama si athena at hades.

THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon