6: A kiss

2.3K 99 6
                                    

(Fury's POV)

"Fury handa ka na ba bukas?" Tanong ni sara habang nanunuod ng telebesyon. Bagot naman ako dahil hindi ko alam kung anong klaseng pilikola ang pinapanood nya, linggo ngayon at nandito sya sa ko na usual na nyang ginagawa.

"Maybe" sagot ko saka pinikit muna ang mga mata ko at sabay sandal sa couch. Nakakapagod ang buong araw na pamamalagi sa kwarto ko.

"Siguradong magiging maganda ang tournament bukas" salita nya at pinatay ang tv. Kumibit balikat ako.

"Aalis muna ako fury, pupunta ako sa bayan para mamili" salita na naman nya. Dinilat ko ang mga mata ko saka umupo ng matuwid.

"Sige, maglilibot namuna ako sa buong academy" sagot ko saka tumayo na at tinungo ang closet.

"Hindi ka ba sasama?" tanong nya, umiling lang ako saka binuksan ang closet.

"Sige, babalik din naman agad ako" salita nya saka umalis na ng kwarto. Napatingin ako sa mga damit ng closet, mas nadagdagan na ang mga damit, may para sa tournament bukas. Ang dali lang ng panahon, bukas na agad ang tournament.

Nagbihis na ako saka lumabas ng kwarto. Nilakbay ko na ang daan palabas ng building at hinayaan ang mga paa kong dalhin ako kung saan, kesa mabagot ako lalo sa kwarto ko.

Sa loob ng tatlong linggong pamamalagi rito, nagiging sanay na ako sa mga naamoy ko, lalo na ang mga katabi kong mga anak ni Zeus. Speaking of the devil, hindi pa sya bumababa rito gaya ng sinabi ko sa kanya, gusto ba nya talagang ipakita ko pa sa kanya ang mga patay na katawan ng mga anak nya?

Namalayan ko na lang ang sarili kong nakarating sa isang malawak na kagubatan, yung lagi kong pinupuntahan tuwing sabado at linggo. Inamoy ko ang sariwa nitong hanging saka lumipad paitaas, mas mataas pa ang inabot ko at hindi mapigilang mamangha sa ganda ng kabuoan ng eskwelahan, abot tanaw ko rin ang bayan sa hindi kalayuan habang napapalibutan ng mga puno ang malaking lote ng eskwelahan.

Lumipad lipad muna ako at dinamdam ang bawat hangin na sumasalubong sakin. Matagal tagal ko narin itong hindi nagagawa, mula noong isinumpa ako. Bumuntong hininga ako at naupo sa pinakamataas na punong malapit sa eskwelahan, kitang kita sa kinauupuan ko ang kabuoan ng eskwelahan. Naalala ko na naman kung bakit ako narito.

To seek revenge..

To make them realize that there are someone who can defeat the undefeated....

To learn how to live like them...

And to end Zeus's life...

That was my main goal for staying here, but then. Am i doing it?

"What a view" napahinto ako sa pagiisip at agad na lumingon sa pinaggalingan ng taong hindi ko inaasahan na magpapakita sakin. Pero hindi rin impossible na magpakita.

"Hermes." salita ko habang nakatitig sa kanya na nakatingin sa buong eskwelahan, nakaupo lamang sya sa isang sanga na katabi lang ng sangang kinauupuan ko. Nangilabot ako sa malakas na amoy ng dugo nya, as expected from an immortal, mas nakakasakit sa ilong amg dugo nila kesa sa demigod.

"How are you?" Biglang baling nya sakin. Ngumisi ako at bago ko pa malaman ay nasuntok ko na sya sa mukha, napangiwi lang sya dahil sa lakas ng suntok ko at hindi manlang natinag sa kinauupuan nya.

"Hindi ikaw ang sinabi kong bumaba." galit kong salita habang may malamig na tingin sa kanya, napahawak naman sya sa panga nya at parang inaayos ito saka sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi nya na mas lalong nagpakita kung gaano sya kagandang lalake, well lahat naman sila.

"I just thought you want to send a regards to him?" Salita nya at nilapit ang mukha sakin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"I already told him what i want." sagot ko saka iniwas ang mukha dahil sa nakakailang na posisyon.

THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon