12: Athens

2K 85 2
                                    

(Fury's Pov)

Habang naglalakad papuntang kaharian ng Athenians ay hindi ko maiwasang mapatingala sa malaking statue ni Crecrops ang unang founder at hari ng Athens na half human half snake, katabi naman nito ang haring si Erechtheus habang katabi nito ang stutue naman ng haring si Pandion. Nakahelera ang mga statue sa malaking daan kung saan patungo ito sa malaking templo o kaharian ng Athens, nasa sentro kami ng Greece kung nasaan ang mga athens lalo na ang pinakasentro nito kung saan matatagpuan ang malaking templo ng Athens. Ang sabi ng sumalubong samin na nagpakilalang Eferhilda na anak ng kasalukuyang reyna ng Athens ngayon na descendant ni pandion ang late king ng Athens.


Nilibot ko ang mga mata ko sa buong kapaligiran at maayos naman ang pangangalaga sa buong lugar, puno ng mga bulaklak at halaman ang paligid at may mga nagtatataasang puno, kanin bago kami makarating sa sentro ng Athens ay nakita ko ang mga nagsusunog na mga bahay at sira sirang mga gusali sa labas ng border ng Athens. Habang may malaking field naman pagkalabas mo sa matibay na borders ng Athens.

Umakyat kami sa mahabang hagdan paakyat sa templo at halos kapusin ng hininga ang mga kasama ko habang ako ay parang wala lang ito dahil tinutulungan naman ako ng pakpak ko na pagaanin ang bigat ng katawan ko para hindi agad ako mapagod.

Pagkarating sa dulo ay bumungad samin ang mga nakahilerang mga kawal na may suot na mga kalasag nila. Habang may bitbit na sibat. Mga katangian ng Athens na nakuha nila mismo kay Athena.

Sumunod lamang kami kay Eferhilda na pumasok sa loob ng nakabukas na pintuan ng templo. Sumalubong samin ang mga maraming Athenians na parang ginawang bahay ang templo, may iba na nakahiga at kasama ang mga pamilya nila.

"They are the refugees outside. Dito na sila pinatira ng ina ko dahil hindi na sila ligtas sa labas ng borders" salita ni Eferhilda. Hindi naman nagsalita ang mga kasama ko habang nasa likuran naman nila ako at nakasunod sa kanila.

Malapit na sana kami sa dulo ng templo ng may biglang lumapit sakin na batang babae, maputi at napakaganda nito. Pero parang may humaplos sa dibdib ko ng makitang umiiyak ito.

"Ate! Ate! Tulungan nyo po ako!" Salita nya gamit ang maliit nitong boses, tingin koy nasa anim na taong gulang palang sya. Huminga ako ng malalim.

"Ano yun?" Sinubukan kong maging malambot ang boses ko sa kanya at hindi naman ako nabigo. Hinawakan naman nito ang kamay ko saka tumatakbo akong hinila, nakita kong sumunod sila Zyla samin ng hatakin na talaga ako ng bata patungo sa mga Athenians na nakaupo sa sahig sa sari sarili nilang mga sapin.

Hinatak pa nya ako hanggang sa tumapat kami sa isang matanda na nakahiga at namumutla. Agad na nangunot ang noo ko at lumuhod para mapantayan ang batang umiiyak at ngayon ay niyayakap ang matanda.

"Ayaw po magsing ni lola.. Ate tulungan mo po sya.. May sakit si lola at sya nalang ang natitira kong pamilya" iyak ng bata habang nakatingin sakin at ngayon ay hinahawakan ang kamay ko. Sa murahingedad nya ay marami na syang pinagdaanan, nakita ko sa mga alaala nya at naaawa ako sa kanya.

Muli akong napatingin sa matanda at malungkot na mapatingin sa bata. Bumuntong hininga ako, kung sana ay mist of life ang hawak ko ngayon, magagawa ko pang mapagaling o buhayin ang matanda. Nauubos narin ang pasensya ko dahil marami na akong ganitong pangyayare na nasaksihan, gusto kong tumulong pero di ko magawa ngayon dahil kay Zeus.

"Patawad bata, pero hindi ko kayang magpagaling o bumuhay. Wala akong magagawa" may bahid ng lungkot na pahayag ko sa bata. Mas lalo naman syang umiyak saka yumakap sakin na nakapagpagulat sakin, nanigas ako sa kinauupuan ko dahil dun. Pero unti kong niyakap pabalik ang bata.


THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon