11: Her Identity

2.1K 100 0
                                    

(Fury's pov)

Isang linggo na ang dumaan at naging smooth naman ang araw araw kong pamamalagi ko sa academy, halos lahat sila ay yumuyuko at nagbibigay daan kapag dadaan o nakikita ako, nakakailang man pero ang sabi ni sara ay ganun na talaga kapag divisions sovereign.

Hanggang ngayon nga ay pinagsasabihan pa ako ni sara sa kung anong dapat kong asahan araw araw. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko naman alam na ganito pala ang kalakip na kapalit ng pagiging mas mataas sa mga estudyante.

"Hey!" Bati ni sara pagpasok nya palang sa silid ng S1 class. Gaya ng dati, balik sa eskwela na ang lahat. Tinanguan ko lang sya saka napayuko nalang sa mesa dahil walang pumasok na guro sa unang klase namin.

Nakakamangha nga dahil nasasanay na akong maamoy ang mga dugong Zeus. Hindi na gaya noon na mahirap kontrolin ang paglipat lipat ng kulay ng mata ko.

"ATTENTION: MAY I CALL ON THE DIVISION SOVEREIGN, AND THE SUPREME STUDENTS TO COME HERE IN MY OFFICE NOW! AS WELL AS, MR.ZYKE,ZEN,ZUKE AND MS.ZYLA." agad akong napaayos ng upo ng marinig ang boses ni President Z na umalingawngaw sa apat na sulok ng silid. Lumingon naman samin ang mga kaklase namin.

Tumayo na ako saka walang alinlangang umalis sa harap nila. Naglakad na ako patungo sa main building ng maramdaman ko ang apat na anak ni Zeus.

"Fury may itatanong sana ako" mahinahon na salita ni zyla habang sumasabay sakin sa paglalakad.

"Ano yun?" Malamig kong tanong saka tumingin sa kanya.

"Ano ba talagang naging kasalanan ng ama namin, at parang galit na galit ka? Tuwing kasama o nakikita mo kami parang gusto mo na kaming patayin" tanong nya habang taimtim na nakipag titigan sakin. Napangisi naman ako saka tumingin sa dinadaanan, ramdam ko naman na parang gusto rin marinig ng tatlo pa nyang kapatid kung ano man ang sasabihin ko.

Tumigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanila na natigilan rin sa paglalakad. Nilahad ko ang kamay ko kaya napatingin sila rito na nagtataka, inikot ko ang kamay ko saka nila nakita ang tatoo sa wrist na palatandaan mula pa noon.

"Zeus cursed me when i was 10 years old. That's why i want him to pay everything he caused me" paliwanag ko, hinawakan naman ni zyke ang wrist ko at pinakatitigan ang tatoo. Hindi naman makapaniwalang tumingin sakin ang tatlo.

"Wala kayong alam kung gaano ako nagdusa dahil sa ama nyo. At hindi nyo ako masisisi kung ganito ang pakikitungo ko sa inyo. I want him to drag out of his castle and kill him in my own hands" may diin kong salita saka binawi kay zyke ang kamay ko saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik naman silang sumunod sakin hanggang sa nakarating na kami sa opisina ni President Z.

Pagpasok namin ay may apat na taong hindi pamilayar sakin ang nakaupo sa couch kaharap si president Z.

"Maupo kayo" utos ni president z. Tahimik kaming sumunod at naupo sa bakanteng isa pang couch.

"Nais ko sanang ibigay sa inyo ang mahalagang mission na dapat gawin ngayon na" salita ni president Z. Narinig ko naman na napabuga ng hangin ang tatlong anak ni Zeus, habang tahimik na nakikinig ang apat pa na nasa kabila ko, dalawang babae at tatlong lalake pero tingin koy napakaseryoso nilang tao dahil sa klase ng tindig at klase ng tingin nila.

"Kasalukuyang may magaganap na digmaan sa athens ngayon. Kailangan nila ng tulong natin. Gusto kong pumunta kayo roon at tulungan ang mga taga athens" salita ni president Z. Athens? Hindi ba't iyun ang capital city ng Greece? Kung saan pinangangalagaan ng goddess of wisdom ang lugar na si athena?

"Pero bakit kasama pa si fury?" Angal ni zuke. Napatitig naman ako kay president Z na napasulyap sakin saka ngumisi at tumingin sa mga taong naghihintay ng sagot nya.

THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon