4: An official student (✓)

2.4K 113 1
                                    

(Fury's POV)

Ikalawang araw ko na ngayon dito sa akademya. Bukod sa mga plano ko ay may isa pa akong dahilan kung bakit ako pumasok rito, at yun ay ang mag-aral.

Tamad akong bumangon sa higaan matapos marinig ang sunod sunod na pagkatok sa pintuan ko. Tinungo ko ang pinto at binuksan agad.

"Hi!" Nakangiting bati ni Sara saka pumasok sa loob. Bumuntong hininga ako at sinara ang pinto.

"Saan ka ba pumunta kahapon?" Deretsa nitong tanong saka nagtingin tingin sa refrigerator. Kumuha naman ako ng bathrobe sa closet, buti nga ngayon ay may mga damit nang nakalagay rito. Di gaya noon na yung corset at black pants lang ang nasaloob, ngayon limang pares ng uniform na gaya ng suot ni sara kahapon at mga normal na damit pambahay, pantulog at may mga casual rin.

"Sa gubat." Simpleng sagot ko saka pumasok sa CR at naligo na. Matapos ay nakabathrobe akong lumabas at tinungo na naman ang closet.

"Alam mo bang nagkagulo sa buong arena kahapon? Umalis ka kasi agad!" Salita nya habang naghahanda ng makakain. Nagbihis na ako ng uniform at pumunta sa kusina.

"Hindi, ano bang bago?" sagot ko saka umupo sa harap nya, naupo naman sya saka tumingin sakin habang nakangiwi.

"Hoy! Dahil sa ginawa mong pagtalo sa anak ni Zeus halos hindi sila makapaniwala at nagtalo talo pa. Tsk tsk." Naiiling na sagot nya saka kumuha ng mga pagkain. Kumuha narin ako.

"Wala namang bago. Magulo naman talaga sila." simpleng sagot ko. Yeah, kahit ikalawang araw ko palang ito alam ko na kung anong klaseng mga estudyante ang nandidito. Mga magugulo at mga sakit sa ulo.

"Actually tama ka dyan, at heto pa dahil isa ka nang official S1 class student. You should be prepared sa lahat ng panahon. Dahil lahat ng mga mata nasayo na. Bawat galaw at kibot mo, mapapansin nila. Ganyan sila kapag interisado o may pinaplano sila sayo." salita nya at sumubo pa ng pagkain. Nilunok ko muna ang kinakain ko saka napaisip.

"Ibig sabihin?" Walang emosyon kong tanong. Tumingin naman sya sakin at huminto sa pagkain.

"Ibig sabihin, marami kang kalaban. Duhh!" Mataray nyang sagot saka nagflip pa ng buhok. Ngayon ko lang nakita ang ugali nyang ganito. Maybe sanay na sya sa mga usaping ganito. Tumango tango naman ako.

"Ano bang rules sa lugar na to?" tanong ko. Actually, malaking tulong si Sara para sakin dahil sya lang ang kaisa isang taong lumalapit sakin at may lakas na loob na pumasok sa kwarto ko kahit hindi ko sya pinahihintulutan at isa pa. Sya lang ang kilala ko rito.

"Just don't get caught by the 5 Supremes. Lalo na ang supreme leader." sagot nya at sumubo na naman. Tumaas naman ang kilay ko sa huling sinabi nya.

"May mas mataas pa pala bukod sa masters ng bawat class? Or leaders ng bawat division?" tanong ko. Tumango tango naman sya saka lumunok.

"Binuo sila ni President Z para dumisiplina sa mga pasaway na estudyante. At walang nakakaalam kung sino ang Supreme leader bukod sa mga members nya, ang alam ng lahat. Isa lamang sya sa mga estudyante rito, nagiikot ikot. Nagmamasid." sagot nya at tila nangilabot pa sa huling pahayag nya. Tumango tango naman ako saka kumain.

"One more thing, may tinatawag rin kami ritong Top 12 powerful students sa buong akademya." salita nya at uminom ng tubig, uminom narin ako dahil mukhang kawili-wili ang sasabihin nya.

"Nababase lamang ito sa academic grade at performance mo sa loob ng akademya, taon taon nagbabago ito, may napapalitan at may mananatili sa ranggo. Pero bukod doon, mas makukuha mo lang ito kapag sumasali at naipapanalo mo ang iyung division sa kada tournament na mangyayare buwan buwan." paliwanag nya. Tumango naman ako saka napaisip, ibig palang sabihin, hindi lang nila tinuturuan ang estudyante sa kung pano kontrolin o palakasin ang abilidad na meron sila kundi pati narin ang kanilang utak at pakikisalamuha.

THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon