CHAPTER 1

68 13 2
                                    

A/N: Errors ahead! Peep peep!

"Thank you po mam!" Magalang na sabi ko. Kakatapos ko lang kuhanin lahat ng school documents ko sa university na pinag-graduatan ko ng college na maaring gamitin sa pag-aapply ng trabaho.

Agad akong umuwi sa bahay matapos iyon at si Elma ang naabutan kong busy sa kusina. Ang friendship ko magmula 1st year college.

"Oh kamusta ang lakad?" salubong niya sa akin.

"Ays lang." Simpleng sagot ko

"Sabay na tayong mag-apply ah!? Ano ngang ulit kumpanya yun?" Tanong sakin ni Elma habang naghihiwa ng kamatis.

"Hmm it's Geocents Company". Tanging sagot ko sa kanya saka umupo ako sa stool sa island counter.

"Okayyy!" Msiglang sabi niya.
"Hoy! Magready ka na! May pupuntahan tayo mamaya!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Elma..

"Hah? Saan naman tayo pupunta hah!? Gabi na oh!" Sabi ko habang sumusulyap sa bintana.

"Nakakaloka naman kung umaga tayo magpaparty noh!? Sa bar tayo! Let's enjoy our unemployed days! And celebration na rin kasi nakagraduate na tayo haha!" Ani Elma.

"We're done celebrating Elma. Araw-araw na lang ba tayo magce-celebrate?" Nababagot na tanong ko.

"Not yet, and this will gonna be the last, promiseeee!" Humarap siya sakin at itinaas ang isang kamay na parang nanunumpa. "Puhleaseee! Yngrid!!! Last na toh tara naaaa!" Sabi niya habang nagpapakyut na tumabi sa akin. I have no choice, never ko siyang tinatanggihan, nagpapapilit lang pero sa huli ay sumasama pa rin.

"Okay! Okay!" I yield.

"Yayyyy!!!! Let's get ready!" Agad akong naligo. Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng sexy off-shoulders red dress na hapit sa katawan ko at ilang accessories sabay pinarisan ng black heels.

"Tara." Sabi ko paglabas ng kwarto.

Sumakay kami sa kotse ni Elma at agad na pinausad ito papunta sa Franklin's bar.

"Uhm.. Yngrid?" Tawag sakin ni Elma.

"Yeah?"

"Wala ka bang balak bumisita sa parents mo?" Tanong niya. I heavily sighed.

"Wala." Tanging sagot ko sa kaniya.

Kasa-kasama ko si Elma simula ng magkolehiyo ako dito. Business din ang pinagkakaabalahan ng magulang niya. Pero, hindi tulad ng mga magulang ko ay palaging nakasuporta ang mga magulang ni Elma sa lahat ng achievements na natatanggap niya.

Nasa Bukidnon ang parents ko, doon kami nakatira at doon sila nagtayo ng business, we never see each other since I'm in 4th year college pa or should I say they never had the time para bisitahin man lang ako dito sa Manila.

Lahat sila busy sa business nila, nakalimutan nila na may anak silang kailangan ng suporta, siguro akala nila okay lang sakin na balewalain nila ako dahil nabibigay nila ang mga gusto ko, binilhan pa nga nila ako ng condo unit para daw di ako mahirapan. Well, I'm thankful naman dahil hindi ako nagigipit, but all I need is their full support.

Ang mas masakit pa, hindi sila nakadalo sa graduation ko at tanging tita ko lang na nakatira dito sa Manila ang nakadalo, reason? Business. Ofcourse! Business first before everything. Kahit ang pinakamahalagang araw sa buhay ko ay pinagpaliban nila para lang sa business nila.

Galit na galit ako nung time na yun even if I graduated Summa, I can't feel the happiness, kulang na kulang ang lahat, hindi nila alam na the reason why I studied hard is because I want them to be proud of me, but I think it's not enough. It will never be enough. Kailangan pa yatang magpatayo ako ng sariling kumpanya para lang maagaw ko ang pansin nila.

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon