CHAPTER 4

43 11 3
                                    

"Goodmorning sir, this is your schedule for today." Bati ko kay sir with smile pa! "You have an appointment with Ms. Lacsamana at exactly 10 am, and a meeting held by the Rowano Inc. at exactly 11 am. And in th---"

"Stop" sabi ni sir, natigil naman ako sa pagsasalita at naiwang nakaawang pa ang bibig.

"Cancel the first one" Sabi niya habang patuloy na nagtitipa sa laptop.

"U-uhmm okay sir." Tanging nasabi ko. Patay! Ano naman kayang idadahilan ko sa Ms. Lacsamana na toh!?

"Bakit po?" Wala sa sariling sabi ko.

"What 'bakit po?'" takang tanong niya.

"Bakit ko po ica-cancel.."

"'tell her I'm busy." Tanging sabi niya tumango lang ako bilang sagot.

"You may leave." Sabi niya. Aalis na sana ako ng biglang may pumasok sa isip ko.

"Sir kape?" Alok ko sa kanya.

"Later."

"Breakfast sir?" Tanong ko ulit sa kanya.

"No."

Hanoobayan! Ano bang gusto nito.

Ah! Lam ko na!

"Alak sir?" Tanong ko sa kanya.

He glared at me.

Nanlaki ang mata ko ng samaan Niya ko ng tingin kaya umalis na lang ako. Peste! Hirap naman paamuhin nito.

Nakabalik na ko sa cubicle ko at nag-asikaso ng mga papers at tumanggap ng iilan pang e-mails. Sinimulan ko na rin ang declination letter ko kay Ms. Lacsamana.

(A/N: Declination letter is just my gawa-gawa, hahaha pisyow✌️ hindi ko kasi alam kung anong tawag 'pag ganoon ih.)

Ilang minuto ang lumipas ng may marinig akong nagsalita sa tabi ko pero binalewala ko iyon, pero umulit ulit siya kaya no choice na akong lingunin siya.

"Hi!" Sabi nung lalaking katabi ko sa cubicle, nakakahiya naman ang pagiging masigla niya parang kailangan ko ring maging masigla.

"H-hi!" Tanging nasabi ko lang sa kanya.

"Nag-breakfast ka na?"  Tanong niya sakin ng nakangiti pa ng abot-tenga.

"Uhmm yes." I said.

"Bago ka lang dito?" He asked again. Ang kulet naman nito. He can't see na busy ako?

"Obvious ba?" Pambabara ko.

"Ay. Hahaha, miss, may boyfriend ka ba?" He asked me again. Kinginang tanong yan.

"wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya pabalik while arching my left brow.

"Woahh.. ang sungit naman miss. By the way, I'm Jimerald but you can call me Jim nalang." He introduced.

"Mamatay na nagtanong." Pambabara ko ulit.

Tinawanan lang niya ako. Abnormal ang putsa. Ni hindi man lang naramdaman na ayaw ko sa presensya niya.

"Anong pangalan mo miss?" Tanong niya ulit.

"Ano ba? Can't you see na I'm busy? Pumunta ka lang ba dito para guluhin ako?" Ubos pasensiyang sagot ko.

"Ang sungit talaga.. Wooh! I already found the one!" Sabi niya sabay bumalik sa sarili niyang cubicle.

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon