CHAPTER 21

12 6 1
                                    

Dalawang linggo kaming ganoon ni Paul sa isa't isa, yung sweet pero walang kami. Walang i love you, pero may I miss you. Hindi ko na nga inaalala ang tungkol sa amin dahil parang kami na rin naman..

Nandito ako sa opisina ni Paul, mag-isa, may inatenan kasi siyang meeting na hindi naman kinakailangan ng presensiya ko. Hindi raw pwede ang ibang tao dahil medyo may pagkasensitibo ang pag-uusapan nila, na naintindihan ko naman.

Papatayin ko na sana ang mobile data ko ng biglang may tumawag sakin, unregistered number lang pero may kung ano sa isip ko na nagsasabing importante ito. Nag-aalangan ko itong sinagot.

"Hello?" Unang bati ko.

"STAY AWAY FROM THAT MAN! STAY AWAY FROM THAT COMPANY!" Biglang sigaw ng pamilyar na boses sa kabilang linya.

"D-dad?"

"Listen to me, Yngrid. Stay. Away. From. That. Man! He will harm you! You'll be put in danger if you will stay beside him!" Sigaw ulit ni papa. Si Paul ba ang tinutukoy nito? Paano naman niya nalaman?

"How did you---"

"Just listen to me--"

"Why would I?" I interrupted him. "Ngayon ka na nga lang nagparamdam, tapos ganito pa ang ibubungad mo sa akin?" Pabuga kong sabi.

"A-anak.." biglang nagbago ang tono sa kabilang linya.

Automatikong namasa ang mga mata ko ng marinig ko sa kanya ang salitang iyon, hindi agad ako nakapagsalita. Bigla akong nangulila sa kanila ng marinig ko iyon. Gayunpaman ay hindi ko piniling magpadala roon at pinilit na magsalita ng hindi pumipiyok dahil sa pagpipigil na maiyak.

"I'm sorry, but I will not listen to you.." matigas kong sabi. "You don't have the right to meddle with my life anymore, especially now that I finally found  someone who appreciated every part of me, someone who accepted me wholly for what I am including my flaws, someone who give me such 'attention,' 'time,' and 'support' for everything that I do." Mahinahon ngunit may diin na sabi ko.

"Your mommy and I have reasons, hindi naman namin kayo pababayaan---"

"No, dad. Stop explaining. Ayaw kong marinig 'yan." Putol ko sa kanya.

I heard him sighed.

"Okay fine, just please listen to me.. stay away--"

"No. I will not do what you said, and that's final." I said before I end the line.

Matagal kong tinitigan ang screen ng cellphone na parang naroon sa loob nun ang kausap ko, hanggang sa tuluyang bumagsak ang iilang patak ng luha ko sa screen.

Dali-dali ko namang ipinahid ang likod ng palad ko sa mukha ng marinig ang pagbukas ng pinto at iniluwa si Paul.

"How are you?" Tanong niya agad. Hindi pa tuluyang nasasara ang pinto. Ngunit kahit anong punas ang gawin ko ay hindi nawawala ang pamamasa ng mukha ko, paano kasi ay ipinabalik balik ko lang ang pagpahid kaya ang basa ay nagpabalik balik lang din.

Pinili ko nalang tumalikod sa kanya at doon naghanap ng panyo. Pero wala talaga. Ang dugyot ko naman kung damit ko ipapampunas ko.

"Hey.. why are you crying?" Masuyong tanong niya, hindi lamang napansin ang paglapit niya sa akin. Pilit niya akong hinaharap sa pamamagitan ng paghila sa braso ko, nagpadala nalang ako sa kanya. Bahala nang luhaan.

"Hey.."

"T-tumawag si p-papa." Tanging sabi ko na nagpaiba ng ekspresyon sa mukha niya. 

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon