CHAPTER 23

13 3 0
                                    




Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang tumatakbo. Pagod na pagod na ako pero pakiramdam ko'y napakalapit ko pa rin kung saan naroroon si Paul. Gusto kong lumayo ng todo sa kanya, yung tipong hindi ko na siya makikita, yung tipong wala na akong maririnig na boses niya at kahit anong tungkol pa sa kanya.

Pagod na pagod na ako pisikal at emosiyonal.

Hindi ko akalaing nagpakatanga ako sa isang taong tulad niya! Nagagalit ako sa lahat! Pati sa sarili ko! Dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog ng todo sa taong hindi man lang tumagal sa pagpaparamdam sa aking gusto niya ako.

Tuluyan ako nanghihina sa tuwing naalala ko ang mga sinabi niya sa harap ni papa. Hindi ako makapaniwala.

Maya-maya pa'y may biglang tumawag sa akin. Mariin kong napikit ang mga mata 'ko ng malaman kung sino iyon.

'paano kung hindi ako nagpadala sa ipinapakita ni Paul at nasasayo pa rin ako? Masasaktan ba ako ng ganito?'

'sana pala pinaglaban mo nalang ako.' sabi ko sa isip.

"Yngrid! Yngrid! Teka!" Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Pero parang nasa loob ako ng isang panaginip kung saan ang bagal bagal na ng bawat paghakbang ko. At wala pa ngang ilang minuto ay may kamay na na lumapat sa balikat ko.

"Yngrid." Mahinang tawag sakin ni Santi.

Pare-parehas niyo akong niloko at pinagmukhang tanga. Lahat kayo alam ang nangyayari sa pamilya ko at lahat 'yon tinago niyo sakin!

Padabog kong inalis ang kamay niya sa balikat ko.

Naiinis ako sa kanila. Naiinis ako. Pero kahit anong pilit kong labanan siya ay nanghihina ako. Nanghihina ang sistema ko.

"Yngrid teka!"

"Ano? A-ano nanamang kasinungalingan ang lalabas diyan sa bibig mo?" Nanghihinang tanong ko.

Natigilan naman siya.

"Y-yngrid.."

"Ipagtatanggol mo nanaman ba 'yang boss mo, yang KAIBIGAN mo!" Nanggigil na pahabol ko.

"Hindi.."

"OH ANO!?"

"I-i just wanna say s-sorry."

"HINDI KO KAILANGAN NG SORRY MO! PARE-PAREHAS NIYO AKONG NILOKO, PINAIKOT, AT PINAGLARUAN! TAPOS HIHINGI KA NG SORRY NA PARANG ANG BABAW LANG NG GINAWA NIYO!?" Bulyaw ko saka mabilis na tumalikod sa kanya.

Mabilis akong naglakad palayo sa kanya at nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na siya nagbalak pang sumunod.

***

Nakarating ako sa isang parke, pero kakaiba ang parkeng ito. Hindi tulad sa iba na maraming taong tumatambay at mga batang naglalaro. Walang masyadong ganap hindi tulad sa ibang parke na may  mga playgrounds o mga food carts sa gilid-gilid, gayunpaman ay nakakarelax dito. Nakatutulong ang mga matatayog na punong nakapalibot sa isang mahaba at puting bench.

Dahan-dahan akong umupo roon at sumandal, inangat ko ang mukha ko upang makasagap ng sariwang hangin.

Walang ibang maririnig kundi ang pagwasiwas ng mga puno.

Sa gitna ng paghanga ko sa lugar na iyon ay biglang bumalik sa ala-ala ko ang lahat.

Ang mga panahong napapansin kong nag-iiba ang pakikitungo sa akin ni Paul.

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon