"Ano!? Teka!" Balak ko pa sanang pigilan siya pero huli na ang lahat nasa ground floor na kami.
Bakas ang gulat sa mukha ng mga taong nakakasalubong namin. Pati si Elma na kumukuha ng tubig sa dispenser ay napatingin sakin na may nagtatanong na mukha, kaya ayon hindi niya namalayan na umaapaw na yung tubig sa baso niya na nakasahod sa dispenser.
"Pano ba naman? Kailangan talaga holding hands? Pwede namang sumunod na lang ako. Chansing din toh eh!" Ani isip ko.
"S-sir kailangan talaga nakahawak ka sa kamay ko?" I asked while smirking. Trying to stop myself from laughing. Hehe!
Natigil naman si sir at humarap sakin pababa sa kamay niyang nakahawak sakin. pagtapos ay agad niyang binitawan ang kamay ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Lihim akong natawa sa aksiyon niya parang napaso lang ampotsa.
Pagkarating sa parking ay agad na pinuntahan namin ang kotse niya. Kanina ang iniisip ko ay sa unit namin kami pupunta at doon ako paglulutuin, pero mukhang mali ang iniisip ko.
Sa tingin ko sa bahay niya kami pupunta! Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari, baka nandoon ang parents niya, o kaya naman kami lang dalawa? Tapos pagsasamantalahan niya---
"Why are you sweating?" Biglang tanong niya habang nagmamaneho.
"A-ahh kulang yung aircon." Pagdadahilan ko
"Tss."
Agad naman niyang in-adjust ang aircon paharap sakin at nilakasan pa ito.
"A-alam mo ba bahay namin?" Tanong ko sa kanya. Kailangang sigurado ako.
"Hindi. Ba't ko naman aalamin?" Pabalik niyang tanong sakin.
"Eh san ako magluluto?"
"My house" sabi niya at biglang mas pinabilis ang pagmamameho.
Makalipas ang ilan pang minuto ay tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.
Ay wait!
Uhmm Mansion!
Oo Hindi toh bahay! Mansion toh!
Hindi ko akalain na ganto kalaki ang bahay niya.
Niya! Meaning? Sa kaniya lang.. grabe!
Nauna siyang pumasok dahil syempre bahay niya 'yon.
Bumulaga sakin ang napakalawak niyang sala. Isang unit namin ay sala lang niya o baka sobra pa. Hindi naman masasabing mahirap ako pero feeling ko pag kasama ko si Sir Eudoxus ay manlilit ako.
Hindi na niya ko pinaupo saglit at agad na dumiretso sa kusina.
Ang daming kitchen utensils. Kumpletos rekados! Sinong di gaganahan magluto dito?
"I'm on my room." Just call me if you're done." Sabi niya sabay iniwan na ko sa kusina.
Bastos talaga! Ni hindi man lang ako inaccompany sa bahay niya, wala man lang konting pa house tour ang kurimaw.
BINABASA MO ANG
Undying Kind Of Love
FanfictionDawn and Paul's wedding are all well-planned all they have to do is the ceremonies, Dawn will walk down the aisle teary-eyed because of happiness while Paul is waiting her at the altar and they'll exchange vows, they'll promise in front of god that...