CHAPTER 8

27 8 0
                                    

A/N: Errors Ahead! Peep! Peep!

🤘🤘

"A-aray."

"Hey. You okay?"

Natigilan ako dahil sa baritonong boses na lumukob sa pandinig ko.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at..

"ARAYYY! ANG SAKITTTT! ARGHH!" sigaw ko habang hawak hawak ang ulo na namimilipit sa sakit.

"H-hey calm down. You passed out earlier. Bakit ba kasi bigla kang tumayo?" Tanong sakin ni Sir habang inaaalalayan akong sumandal sa headboard ng kama.

Sa pag-aakalang galit siya kanina ng makita niya akong tulog ay agad akong tumayo kahit liyong-liyo ang paningin ko. Nakakatakot lang dahil baka sigawan niya nanaman ako.

He sighed. Tumayo siya at pumunta sa maliit na table na katabi ng sofa. Kasalukuyan siyang nakatalikod sakin kung kaya't ang sexyng likod niya lang ang nakikita ko.

Nang pabalik na siya sa pwesto ko ay agad akong umiwas ng tingin at diretso ng nakatitig sa 'whatever.'

"Here. Drink this." Sabi niya sabay lahad sakin ng isang basong tubig at tabletas na paniguradong makatutulong para maibsan ang sakit ng ulo ko.

Agad ko naman iyong inabot at mabilisang ininom. Na-aawkwardan pa ako dahil hindi man lang niya inaalis ang paningin sakin habang umiinom ng gamot.

"T-thank you." Sabi ko at ibinalik niya ang baso sa kaninang pinaglagyan. Hindi na siya bumalik sa pwesto ko at naupo na lamang sa sofa.

hindi man siya bumalik sa pwesto ngunit ang mga mata niya ay nanatiling sakin pa rin nakatingin.

Kitang-kita ko siya sa peripheral vision ko! Bakit ba titig ka ng titig? Bahagya pang naniningkit ang mata niya katititig sakin.

Wala man lang pagkurap!

Nabalot ng awkwardness ang buong kwarto dahil sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Wala ba siyang balak magsali...

Teka!

Inikot ko ang paningin ko at talaga nga namang.. nasa isang kwarto ako!

Paano nangyaring nasa kwarto ako?

May dalawang pintuan, isang maliit at isang malaki ang sukat, paniguradong ang maliit ay para sa C.R. at ang malaki ay ang para sa kabuuang pinto ng silid. May maliit na flatscreen t.v., may isang closet, may office table din na katamtaman ang laki, at may sofa na siyang kinauupuan ni Sir Eudoxus.

Bakit ba ngayon ko lang napansin?

Gusto kong tanungin si Sir pero ayoko siyang tignan dahil sa titig niyang kakaiba ang epekto sa akin at ayoko ng pangalanan pa 'yon. Magagalit si Santi. No-no! I consider this as a kabaliwan lang.

Napabuntong hininga ako at ganun pa 'rin ang titig ni Sir na kita ko mula sa gilid ng mga mata ko.

"Nasaan pala ako?" I asked. Still looking on the wall.

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon