CHAPTER 26

12 3 0
                                    

Isang linggo ako nag-stay sa Bukidnon kasama ang parents ko at tulad ng pangako nila, bumawi nga sila sakin, namasyal kami kung saan-saan, hindi nga lang masyadong enjoy dahil may kulang. Si kuya. Gusto ko sanang bigyan ng hint sila mama at papa kung nasaan siya at kung ano ng kalagayan niya pero naiisip ko na  baka nakaplano na si kuya at baka ako pa ang makasira nun 'pag nagkataon.

Pansamantala ko ring nakalimutan ang mga pinoproblema ko noong mga nakaraang araw dahil napalitan iyon ng tuwa at pagmamahal sa mga magulang ko.

Pero tulad nga ng sabi nila, lahat ay may hangganan.

Kasalukuyan akong nasa kwarto at nage-empake ng mga damit sa maleta, uuwi na kasi ako sa Manila dahil may alagang daga akong naiwan doon, hindi ko sinasabing si Elma lampa 'yun pero parang ganon na nga. Tsar lang!

Nakakalungkot dahil parang bitin na bitin sa akin ang isang linggo, totoo nga ang kasabihang bumibilis ang oras kapag ikaw ay masaya.

'meron ba talagang kasabihang ganon?'

Kung dati ay halos tumirik na ang mga mata ko sa kahihintay na mag linggo, dahil yun ang day-off at pahinga ko, sobrang tagal sumapit ng linggo nung mga panahong iyon, samantalang ngayon ay parang dinaig pa ang isang kisap-mata.

'mapapakanta ka na lang talaga. Tsar!'

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto, ngunit bago pa man ako makapagbitiw ng salita ay agad na itong nabuksan.

"Pa?"

"May sasabihin lang sana ako sayo." Ani papa.

"Come in, dad." Pumasok naman si papa at dumiretso sa sofa na nakaharap sa akin, umupo siya roon saka nagsalita.

"D-daughter, I'm worried sick." Panimula niya na siyang ikinagitla ko.

"B-bakit naman po?"

"Nag-aalala ako na baka mapahamak ka." He said.

Marahan akong tumawa. "Dad, ilang buwan din naman po tayong 'di nagkasama, di pa po ba kayo sanay?" I asked.

"Sanay ako noon dahil alam kong ligtas ka, kayo ng kapatid mo. Pero ngayon, ay hindi ko na alam, Yngrid. Lumalala ang problema, natatakot akong baka madamay ka." He said.

Tumigil ako sa pagtutupi at saka siya tinitigan. Noong mga nakaraang araw ng pananatili ko rito ay nakabuo ako ng plano. Syempre, unang kinonsulta ko sa planong iyon ay si mama at walang pagdadalawang isip siyang sumang-ayon, pero hindi ko lang alam kay papa.

Lihim akong bumuntong hininga bago sinimulang magsalita.

"D-dad.. Gusto mo bang gumawa ako ng paraan para matigil na ang gulo sa pagitan ng kumpanya mo at ni Paul?" Lakas-loob kong tanong. Mata sa mata ko siyang tinignan habang nag-aabang ng sagot.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

'matik na hindi sang-ayon si papa 'pag nakakunot noo niya.

"Sayang naman." I thought. Sayang naman talaga dahil alam kong may magagawa ako. Well, hindi pa sigurado kung gagana.

"A-ah.. d-dad, it's o-okay kung--"

"Sure." Seryosong sabi niya na siyang ikinagulat ko.

"T-talaga dad?" Paninigurado ko.

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon